Chapter 5

61 6 4
                                    

Sunny's POV

'Knock' 'knock'

"Yvonne someone's knocking, tignan mo kung sino yun" I said habang yakap yakap ang unan. Kakagising ko lang.

"Hmmm..ikaw naaa" sagot niya na parang inaantok pa. Napakamot ako sa ulo at umupo sa kama. Uminat muna ako at nag ayos ng buhok, bago tumayo at binuksan ang pinto.

"Bilisan niyo na bumaba na kayo, sumunod nalang kayo doon sa isang restaurant sa dulo. Magdi-dinner na daw tsaka nandoon na rin daw lahat" Sigyn said with a bored tone at umalis.

"Yvonnnnneee wake up" sigaw ko nang masara ko na ang pinto.

"5 more minutes" she mumbled.

"Hay nako yang 5 minutes mo nagiging 1 hour. Bumangon kana diyan" i said at nag ayos na ng sarili.

Natapos na kami mag ayos ng sarili namin at pumunta na kami sa restaurant na sinasabi ni sigyn. Pagdating namin doon kumpleto na nga silang lahat, umupo ako sa tabi ni sigyn at umupo naman si yvonne sa tabi ni samantha. Nandito na rin pala yung tatlong guy na sinasabi nilang hinihintay kanina. Wait..kasama si trev? May tatlong guy na nakaupo sa harapan namin at isa doon si trev, sino naman yung dalawa? 

"Ahh guys magpakilala kayo sa kanila" sabi ni scarlet sa tatlong guy.

"Hi guys my name is tre----" sigyn and yvonne cutted him off.

"Kilala ka namin" sagot nilang dalawa.

"Eh pano naman yung iba niyong kasama?" tanong niya.

"Go on" sabi ko.

"Sa mga di pa nakakakilala sa akin my name is trev at sa mga nakakakilala na sa akin ako pa rin si trev" sagot niya. Tumingin naman siya sa katabi niya at sinenyasan niya na magpakilala na. Siya ata yung naka-blue hoodie na kasama ni trev.

"Hi guys, my name is akiro" he said then winked. iww.

"Uhh...ako nga pala si charles" pagpapakilala ng isang lalaki na kasama nila. He's cute kahit mahiyain siya.

"So tara na kain na tayo nagugutom na ako" sabi yvonne at nagsitanguhan naman sila bago kumain.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam kaming apat sa kanilang lahat na mag iikot-ikot muna. Wala naman kaming masakyan kaya nag-rent kami ng kotse.

Dalawang oras na ang nakalipas nang mamasyal kami pero hindi pa rin kami napapagod.

"Anong oras na yvonne?" tanong ni samantha.

"11:30 pm na" sagot naman ni yvonne.

"Late na pala" bulong ko. Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe, sumilip muna ako sa bintana at may napansin akong isang abandoned building. Tinitigan ko ito hanggang sa matakot ako. Ang creepy.

Inalis ko ang tingin ko sa abandonadong building na yon at tumingin nalang sa harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inalis ko ang tingin ko sa abandonadong building na yon at tumingin nalang sa harapan. Nagulat naman kami ng biglang huminto ang sasakyan.

"Sigyn magdahan dahan ka nga" reklamo ni yvonne.

"Sorry...biglang namatay yung makina. Nasiraan ata yung sasakyan"

"What?" tanong ko. Bumaba naman si sigyn para tignan kung anong problema sa sasakyan.

"Aishh ang init dito sa loob ng sasakyan" pagrereklamo ni yvonne at bumaba na rin ng sasakyan. Napansin ko naman na kanina pa tahimik si samantha.

"What's wrong?" tanong ko.

"Wala masakit lang ulo ko, ang init dito sa sasakyan, lalabas na muna ako" sagot niya at bumaba na rin ng sasakyan. Ayoko mang bumaba dahil natatakot ako sa building na yan pero mas natatakot ako na mag isa sa loob ng sasakyan. Bumaba na rin ako ng sasakyan at lumapit kina sigyn.

"Naiihi na ako" biglang sabi ni yvonne. Tumitig naman siya sa akin habang nakapout.

"Pigilan mo muna yan, mamaya kana umihi pagbalik natin sa hotel" sabi ko at niyakap ang sarili dahil sa lamig dito sa labas.

"Pero ihing ihi na ako" she said habang tumatalon talon ng kaunti.

"Samantha samahan mo muna siya umihi" utos ko.

"Teka bakit ako?" takang tanong niya.

"Sige na" pagpupumilit ko.

"Masakit ulo ko, ikaw nalang" pagmamatigas niya. Shit anong gagawin ko natatakot ako.

"Sige na sunny samahan mo na siya" sabi naman ni sigyn. Hayss wala na akong magagawa kundi samahan 'to.

"Tara na" sabi ko at pinauna si yvonne na maglakad.

"Saan ako iihi? Baka may makakita sa akin nito" she said habang kumakamot sa ulo.

"Wala yan, diyan ka nalang umihi sa tabi tabi"

"Ihhhhh" pag iinarte niya.

"Wag kanang maarte yvonne iiwan talaga kita dito"

"Samahan mo ako sa loob ng building na yan, diyan nalang ako iihi" sabi niya.

"What?? Ayoko nga. Bahala ka mag isa pumasok sa building na yan"

"Sige na sunny ihing ihi na talaga ako" she said at hinila ako papasok ng abandunadong building.

"Yvonneee, natatakot ako"

"Manahimik ka diyan matatapos na ako"

"Bilisan mo" pagrereklamo ko"

"Success" sigaw niya nang matapos na siyang umihi.

"Tara na" Maglalakad na sana kami ng may biglang magsalita sa likuran namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" tumingin kami sa likuran namin at may nakitang matangkad na lalaki.

"Aaahhhhh!!!" bigla namang sumigaw si yvonne at tumakbo paalis.

"Yvonne sandali! Hintayin mo ako" sigaw ko at tumakbo na rin. Napatingin ako sa likod ko at nakitang hinahabol kami ng lalaki.

"Yvonne wait!!" sigaw ko pero nauna na siya sa akin. Binilisan ko ang pagtakbo at muntik pa akong matapilok. Bwiset ka yvonne.

"Sandali lang. Tulong!!" sigaw ko habang natakbo.

"Tulong---hmpp--hmpp" sigaw pa rin ako ng sigaw nang may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Sshhh" sabi nito. Wala na akong nagawa kundi umiyak dahil sa takot.

𝙰 𝙽 𝙾 𝙽 𝚈 𝙼 𝙾 𝚄 𝚂Where stories live. Discover now