Chapter 10

58 6 29
                                    

Akiro's POV

It's been 1 week since nagpaiwan kami dito sa california. Hindi kami pwede umabsent sa trabaho namin pero sobrang kulit ni trev at hindi ko naman siya pwedeng iwan dahil lagi kaming partner in crime. Jusko. Sana may trabaho pa rin kami pagbalik namin.

"Ano na?"

"Patibong" he uttered.

"Trev kapag nakita tayo ng mga pulis dito sure ako hindi na tayo makakauwi ng canada mawawalan pa tayo ng trabaho. Diba sabi nila wag tayong mangingialam dito sila na daw bahala" sermon ko.

"Pwede ka namang umuwi ng canada kung gusto mo eh, pwede mo akong iwan" sagot niya.

"Please, wag kang makulit" kanina ko pa siya pinipilit umuwi ng canada pero shit napakatigas, napakatigas talaga ng ulo niya.

Mukhang mapapagod na naman ako kakapilit dito.

"Aagawin ko talaga sayo si samantha kapag hindi---" he cutted me off.

"Mag book kana ng flight" jusko.

-------------------------------------------------------------

Sigyn's POV

Naging maayos naman status namin ni knox, nanliligaw na siya, pero hindi kami magkausap araw araw dahil sobrang busy niya sa trabaho niya. He's a Doctor too, a neurosurgeon.

Papunta ako ngayon sa parking lot ng hospital, i received a text from him earlier, sabi niya magkita daw kami sa parking lot. Gusto niya daw na siya ang maghahatid sa akin pauwi sa bahay. Hindi ko na tuloy halos magamit yung sasakyan ko.

"Goodevening my beautiful cardiac surgeon, so how's work?" Tanong niya while giving me a sweet smile.

"Geez knox stop calling me with that" saway ko pero ngumisi lang siya.

"Is that harutan level 999?"

"Letseng palaka" sigaw ko nang may biglang magsalita. Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita nanaman si nero na humahagalpak sa tawa. Kahit kelan talaga asungot 'to sa buhay ko. Lagi nalang sinisira moment namin ng mylabs ko, ay wala pa pala kaming label. Saddd.

"Buti nalang naabutan ko kayo bago kayo magtukaan" bwiset talaga siya, hindi ba siya makapag move on.

"Nero nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap letse ka" bigla namang dumating si kaye.

"Ay love sorry nilapitan ko lang 'tong dalawang 'to baka kasi magtukaan na naman" sagot naman ni nero. Pero 'love' caught my attention.

"Kayo na?" Gulat na tanong ni knox.

"Ofcourse not! Alam niyo naman na malandi 'yan paniniwalaan niyo naman" kaye said and rolled her eyes then biglang nag ring ang phone niya.

"Hello?" Kaye said when she answered the call.

"Ahh sige sige papunta na kami" binaba na niya ang phone sabay hawak sa braso ni nero.

"Mauna na kami, may susunduin pa kami sa airport" pagpapaalam niya.

"Ok sige, take care" sabi ko at umalis na sila.

"So, shall we?" binuksan naman ni knox ang pinto ng sasakyan.

"Yeah" sagot ko at pumasok na sa loob.

-----------------------------------------------------------------

Third Person's POV

Akiro and trev came back in canada. Kaye and nero pick them up at the airport. Sumakay sila sa sasakyan  ni nero, hindi nila alam na may isang guy na nasunod sa kanila.

Sinundan lang niya ng sinundan ang kotse ni nero hanggang sa makarating ito sa bahay na tinutuluyan ni akiro. Bumaba ang apat ng sasakyan at nag usap.

Habang pinagmamasdan niya si trev and akiro someone caught his attention. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

"kaye..." He mumbled.

Nakita naman niyang sumakay si nero at kaye sa kotse at umalis na. Binalewala niya muna ang pakay niya na sundan si trev at akiro, agad niyang pinaandar ang sasakyan niya at sinundan si nero at kaye.

Hindi niya alam ang mararamdaman niya...saya? dahil nahanap na niya ang babaeng hinahanap niya? Or lungkot dahil hindi niya alam kung siya pa ba ang mahal ng babaeng mahal niya.

Huminto ang sinusundan niya at agad niyang hininto ang sasakyan at pinarada ito sa gilid ng puno para hindi siya mahalata ng mga ito. Nakita niyang bumaba agad ng sasakyan si nero at pinagbuksan ng pinto si kaye.

"Dapat ako gumagawa niyan..." Bulong niya na may halong pagsisisi. Pinanood niya lang na nag uusap si kaye at nero. Hindi maalis ang tingin niya sa babae. Gustong gusto niya ito lapitan pero pinipigilan niya ang sarili niya.

His heart broke into pieces when he saw nero and kaye...kissing. Para siyang pinapatay sa nakita niya. Humiwalay ang dalawa sa isat isa at nagtawanan ng kaunti.

"That should be me..." He mumbled while tears running down on his cheeks seeing his girl happy with someone else.

---------------------------------------------------------------

Nero's POV

Agad kaming umalis nang mahatid na namin si akiro at trev sa bahay na tinutuluyan ni akiro. Ihahatid ko naman si kaye. Binabalot kami ng katahimikan, pero maganda na rin siguro yun, comfortable naman kami o ako lang? Hayss.

I parked my car when we reached kaye's house. Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto at bumaba na rin siya.

"Thanks" she said at papasok na sana siya ng bahay niya pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Kaye..." Banggit ko. Agad naman siyang lumingon sa akin and confusion already written all over her face.

"I wanna say something..." i trailed off.

"What is it?" Tanong niya.

"Kaye, i love you" agad kong pag amin. Hindi ko alam kung ano reaksiyon niya. Hindi man lang siyang nagulat sa sinabi ko?

"I know. Halatang halata ka" sagot niya, agad naman nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ganoon ba ako kahalata?

Katahimikan....

"Ba't di mo pinigilan?" Pagbasag niya sa katahimikan.

"Pinigilan ko, kaya nga ako naging playboy diba? Humaharot ako kahit kanino malimutan lang 'to. But kaye it's really hard for me to forget this feelings" pagpapaliwanag ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Antok lang yan nero, umuwi---" i cutted him off.

"Ganyan kana lang ba lagi? Sa tuwing feelings ko yung pinag uusapan lagi mo nalang binabalewala"

"Nero ayoko naman bigyan ka ng----"

"Kaye it's been 2 years. Siya pa rin ba?" tanong ko, natigilan naman siya.

"Nero.."

"Sshh...give me a chance, papatunayan ko lang yung nararamdaman ko" akala ko hindi siya papayag, pero anlaki ng ngiti ko nang tumango siya. Dinikit ko ang noo ko sa noo niya, pinunasan ko ang luha niya. Ngayon ko lang napansin na naiyak siya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

My lips landed on hers, i kissed her and she kissed me back. We kissed passionately.

"I love you" banggit ko habang hinahalikan siya. She pulled away from the kiss and rest her forehead on mine.

"T-thank you" sagot niya. Medyo masakit yun pero masaya pa rin ako kasi binigyan niya ako ng chance para patunayan yung nararamdaman ko.

Alam kong siya pa rin ang laman niyan kaye, don't worry, sisiguraduhin ko na papalitan ko siya.

𝙰 𝙽 𝙾 𝙽 𝚈 𝙼 𝙾 𝚄 𝚂Where stories live. Discover now