"HOY, bakla! Kanina ko pa napapansin na minamasahe mo 'yang braso mo. Anyare?" Nagtatakang tanong ni Sam pagkalabas nila ng sinehan.
Napa-irap siya ng maalala ang nangyari kanina. "Kanina kasi may hangal na lalaki na bumangga sa'kin! Ako na nag sorry tapos ininsulto pa ako! Hindi na nga tinanggap yung sorry ko. Nilayasan pa ako kanina. No one dare to turn their back on me! Siya pa lang. Gosh! Sarap tirisin." Naiinis na kwento ni Ivory sa mga kaibigan niya.
"Gago pala 'yun eh! Nasaan 'yun?" Palinga-lingang sabi ni Sam.
"Chill, kanina pa wala yun. Gaga ka talaga." Aniya.
Napangiwi siya at napahawak sa kanang braso ng sumigid na naman ang kirot sa braso niya pababa sa kanyang kamay.
Nagulantang ang mga kaibigan niya. "Gurl, okay ka lang? Sumasakit na naman ba?" tanong ni Camille sa kanya.
Tumango siya.
Shit. Mukhang 'di na naman ako makakatulog nito.
Meron siyang problema sa kanyang kanang balikat pababa sa kanyang kamay simula noong bata pa siya. Simula noong pangyayaring iyon. Siya lang at ang pamilya niya ang nakakaalam ng pangyayaring iyon. Naki-usap siya sa pamilya niya na itago na lang ang nakaraan. Iba ang pagkakaalam ng mga kaibigan niya. Ang alam ng mga kaibigan niya ay na aksidente siya sa pag eensayo niya sa pagsayaw.
"Bakit kasi ayaw mo i-check sarili mo? Diba doctor ka naman? Sabi mo nga, isa ka sa mga magagaling na doctor sa Pilipinas." Si Carlos na nakapamewang sa harapan niya.
"Oo nga." Pag sang-ayon ni Joshua kay Carlos.
Siya si Ivory Reese Zhao. May lahing chinese. Kung ikukumpara sa mga chinese, ang kanyang mata ay hindi ganoon kaliit. Ang kanyang buhok ay lagpas ng kaunti sa kanyang balikat. Maputi at mamula-mula ang kanyang balat. Hindi rin naman nahuhuli ang katangkaran niya dahil sakto lang ito para sa edad niyang 30. Isang doctor na mala-anghel ang pagmumukha pero may pagka-demonyo ang ugali. Bitch kung tawagin siya. Pero marunong siyang makisama. At alam niya kung kelan magtataray o magpapakabait. At isa sa mga ayaw niya sa pagkato niya ang pagkakaroon ng trust issues. Nahihirapan siyang magtiwala sa mga tao. Pero meron namang naka-gain ng tiwala niya. Katulad ng mga kaibigan niya ngayon.
"Sinabi ko naman sa inyo na ayoko nga. Tsaka napatingin na ito dati pa. Maayos naman na daw kaya 'di na kailangan." Aniya.
"Eh bakit sumasakit pa rin? Nung mga nakaraang araw, sumasakit 'yan ah?" pag-uusisa ni Paulo.
Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit. Ayaw niyang malaman ang totoo. Nagpapaalala lang iyon sa nakaraan niya.
Agad namang nag-react si Sam. "Ano!? Bakit di namin alam yan? May favoritism teh?"
"Gaga! Wala akong pinagsabihan, baka napansin niya lang."
"Magsabi ka kasi!" Sabi ni Camille.
Biglang nagsalita si Joshua. "Hoy, tama na 'yan. Nagugutom na ako! Pag 'di pa tayo kumain, tatae talaga ako dito."
Baligtad talaga ito. Tatae kapag walang kain.
Tsk. Tsk.
Nagkayayaan na nga silang kumain sa food court ng mall. Marami silang inorder lalo naman ang kaibigan niyang si Joshua. Habang kumakain ay nag kukwentuhan sila tungkol sa kanilang mga buhay pagkatapos ng college.
Si Sam ay isang kilalang Attorney sa buong Pilipinas. Nakilala ito dahil lahat ng nahahawakan niyang kaso ay panalo. Nakilala din ito sa galing nitong maglaro ng mga salita na nanggagaling sa kanyang bibig.
Si Camille naman ay isang magaling na Photographer at nagtatrabaho sa kilalang kompanya na napapanood din sa TV.
Ang tatlong lalaki naman na sina Paulo, Joshua at Carlos ay nagtatrabaho sa militar. Si Paulo ay sa himpapawid, si Joshua ay sa dagat, at si Carlos naman ay sa lupa.
YOU ARE READING
Chance [On - Going]
RomanceMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kung puro sakit na lang ang dinulot niya sa buhay mo?