Chapter 2

43 6 0
                                    

NAGISING si Ivory sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig niya na nag iingay ang cellphone niya.

"What the hell!? Napaka aga!" naiinis na sabi niya sabay dampot sa cellphone niya na nasa night stand. Hindi na niya tinignan kung sino ang tumatawag.

"Oh?"

"Good morning din." sabi ng nasa kabilang linya.

"Ang aga-aga, natawag ka? Bakit ba? Hindi ba pwedeng mamaya ng tanghali? Gabi?" nakabusangot na sabi niya.

"Palagi mo akong iniistorbo kapag nanonood ako o kaya nagbabasa. Bawian lang. Btw, I heard you were on vacation? Ano? Gala tayo?"

Napaayos naman siya ng upo sa kama niya.

"Libre mo? Payag ako." Aniya.

"Puro ka libre. Sasakalin na kita eh. Ang yaman-yaman mo. Tapos papalibre ka sa akin?" Naiinis na sabi ni Jerryn.

"Fine. Saan mo ba gustong pumunta?"
Tanong niya rito.

"Uhm. Doon sa leyte. Sa probinsya niyo. Diba may resthouse kayo doon?"

"Yeah. Teka nga lang. Diba may trabaho ka?"

"Well, I already told Chris na mag-babakasyon ako with you. Alam mo naman 'yon. Supportive fiancée hihihi."

"Sus, kung 'di mo lang boss si Chris tsaka kung 'di ka niya mahal, hindi ka niya papayagan eh HAHAHAHA." Pang-aasar pa niya.

Si Christian Cedric Salvuego, Chris kung tawagin ng kaibigan niyang si Jerryn, ay isa sa mga pinaka mayaman na businessman sa buong Pilipinas. Ang swerte nga naman ng kanyang kaibigan.

"Hoy! Shut up. Single ka lang. Tsaka nagmamahalan kami HAHAHAHA--- wait. Sila Dana pala? Isasama ba natin?"

"Kung trip nilang sumama. Edi go."

"Okay, tawagan na lang kita ulit kung kailan."

"Sure, Bye!" She ended the call.

Tumayo na siya at naligo para bumaba at kumain na ng umagahan.

Pagka-baba niya ay nakita niya ang mga magulang niya na nag-aayos na ng kanilang pagkain.

"Good Morning, ma! pa!" Bati niya sa mga magulang niya.

"Good Morning 'nak! Nakuuuu! Ang ganda mo ngayon 'nak!"

"In born, ma" Umupo na siya sa upuan at nagsimula ng kumain. Sumabay na din sa kanya ang mga magulang niya.

Habang kumakain, biglang nagsalita ang kanyang mama. "Anak, baka naman gusto mo na kaming bigyan ng apo."

Nabilaukan siya sa sinabi ng mama niya. "T-tubig." Agad naman siyang inabutan ng papa niya ng tubig. Kinuha niya iyon agad at uminom. "Ma! Grabe ah! Alam mo naman na wala akong karelasyon. Kahit nga manliligaw. Wala eh. " Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Mawawala ka na sa kalendaryo! Baka nga 'di pa namin maabutan yung kasal mo eh. Tsaka 'nak, may nakilala ako sa grocery store. Kasing edad ko. Ang ganda niya 'nak." Biglang kwento ng mama niya.

Tinignan niya ng walang emosyon ang kanyang ina. "Hulaan ko. You ask her kung meron siyang anak na kasing tanda ko? Or a bit older than me?"

Ngumiti sa kanya ng matamis ang kanyang ina "Why? I'm helping you na nga eh. Tsaka sabi niya meron daw siyang anak na lalaki na 1 year older than you and take note, he's single"

Napa buntong-hininga siya. "Ma, kumain ka na lang." Nagpatuloy na siya sa pag kain.

Pagkatapos nilang kumain ay siya ang naghugas sa mga platong pinagkainan. Pagkatapos ay pumunta siya sa sala at nakipag kwentuhan sa mga magulang niya.

Chance [On - Going]Where stories live. Discover now