"SAAN ba tayo pupunta?" Tanong niya kay Chance.
Lumingon ito saglit sa kanya bago tinutok muli ang paningin sa daan. "Somewhere you like."
"Eh?" Nagtatakang tanong niya. Narinig niya itong tumawa ng mahina. "Alam mo ba----."
"Nope"
Inirapan niya ito. "You're weird." Diretsahang sabi niya.
"What?" Singhal nito.
"I mean, we just met. Hindi pa maganda ang unang pagkikita natin. Tapos ito, date agad?" Depensa niya. "Tell me, what do you want?"
Nakita niyang ngumiti ito. "Gusto mo talagang malaman?"
Tumango si Ivory.
Bumuntong-hininga ito. "Fine." Tinabi nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "I want to court you." Seryosong giit ni Chance.
Nabigla ang dalaga sa pagtatapat ni Chance. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Alam niya sa sarili niya na sa iba nakatingin ang puso niya.
Pinatulan niya ang tingin nito. Parehong seryoso ang naka-rehistro sa mga mukha nila. "Look, Chance. My heart is not empty. Someone's in here."
Kumunot ang noo ng binata. "You're still not over with him?" Bulong nito.
Hindi niya narinig ang sinabi nito. "Sorry?"
"Then I'll do everything to replace him."
Umiling siya. "My heart is hard to please. Ako nga na may-ari nito, nahihirapan pasunurin."
"I don't care, just let me." Hinawakan nito ang kamay niya. "Please?"
Maybe it's time to forget him.
Ilang taon na din ang nakakalipas, ito na siguro ang tamang oras para palayain ang puso niya.
Wala sa sariling kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya alam ang sasabihin. Napansin niyang bumaba ang tingin ng binata sa labi niya. "Stop that. I might kiss you without your permission." Binalik nito ang tingin sa mata niya. "So?" Lumapit ang mukha ni Chance sa kanya. "What's your answer about my proposal? I know it's not romantic, but I can't wait to tell my intentions." Bulong nito.
Kapag bumubulong ang binata ay parang aatakihin siya sa puso anumang oras. Napakalalim ng boses nito, samahan pa ng tunog-paos kapag bumubulong. "Alright. Do what you want." Umayos siya ng upo. "Let's go." Hindi tumitingin na sabi niya kay Chance.
She heard him chuckle before starting the engine.
Hour passed and she found her self staring at him. "Stop staring, spill it."
"Your name sounds familiar. I think I heard it before." Nakatutok pa rin ang mga mata niya rito.
Hindi ito sumagot ngunit tumaas ang sulok ng labi nito. Napa buntong-hininga siya sa sinaryo. "You're a freakin' tycoon, but you look like a teen." Ang katawan kasi nito ay hindi ganoon kalaki katulad ng ibang lalaki na maskulado talaga. Pero nasa tamang lugar naman ang mga muscles nito. Paniguradong may abs din ito.
"I don't know if that's a compliment, but thanks."
Sasagot pa sana siya ngunit naramdaman niyang tumigil ang sasakyan. "Kain muna tayo dito." Lingon nito sa kanya.
Napatingin siya sa labas. "Already?" Napansin niyang nasa parking lot sila ng isang restaurant.
"Yes. You're busy staring at me, kaya hindi mo napansin ang oras."
"Well, iniisip ko kung nakita na ba kita dati." She reasoned.
"Come on, let's eat. It's already past 12."
YOU ARE READING
Chance [On - Going]
RomanceMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kung puro sakit na lang ang dinulot niya sa buhay mo?