PROLOGUE

40 7 1
                                    

"Tanginang yan." bulong niya habang nakatingin sa mag jowang naglalandian sa kanyang harapan.

Payapa siyang kumakain ng paborito niyang chicken sandwhich sa isang sikat na fast food chain na nasa loob ng mall ng biglang may umupong mag jowa sa kaharap niyang table.

"Ang tagal naman nila. Nilalanggam na ako dito." Naiinip na sambit niya.

Iniwas na lang niya ang tingin sa dalawa at itinuon ang atensyon sa kinakain niya.

Tapos na siyang kumain ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa table.

Binuksan niya ang cellphone at tinignan kung anong ganap sa cellphone niya.

Message iyon mula sa kanyang kaibigan.

"Gurl, nandito na kami." Laman ng mensahe.

"At last nandito na yung mga kupal." Huminga siya ng malalim at umirap sa mag jowa bago tumayo at umalis para puntahan ang kanyang mga kaibigan.

Buti hindi nila nakita yung irap.

Inaayos niya ang sariling buhok habang naglalakad ng mapansin niyang natanggal sa pagkakatali ang sintas niya. Tinali niya iyon ng mabilisan ngunit saktong pagkatayo niya ay may lalaking mabilis na naglalakad kasalungat sa direksyon niya at nag c-cellphone pa. Hindi siya agad nakatabi dahil sa bilis nito. Kaya ang kinalabasan, nabangga nito ang kalahati ng katawan niya at muntik-muntikan pang matumba kung hindi pa niya agad nabawi ang pagkabigla.

Napahawak siya sa kanang braso niya ng maramdaman ang sakit doon

Shit.

Napa buntong-hininga siya. "Sorry po." Hingi niya ng paumanhin sa lalaki kahit alam niyang ito ang may kasalanan. Hangga't maaari ayaw niya ng gulo.

Humarap sa kanya ang lalaki na nakakunot ang nuo. "Apology not accepted. Bulag ka ba? O tanga lang?" May bahid ng inis na sabi nito.

Kumulo ang dugo niya sa narinig mula sa estrangherong lalaki.

Gago pala toh eh. Ininsulto pa ako. Hindi na lang tinanggap yung sorry ko eh.

Minamasahe niya ang kanang braso niya ng magsalitang muli. "Hoy, ikaw 'tong hindi natingin sa daanan. Ako na nag sorry tapos ikaw pa may ganang magalit diyan." Pilit niyang pina-hinahon ang kanyang boses.

Chill, Ivory.

"Hey woman, ikaw itong hindi tumatabi sa daanan. Don't put the blame on me." Sabi nito at tumalikod na sabay lakad.

"Hoy! Kupal ka! Hindi pa ako tapos sa'yo." Sigaw niya sa lalaki, pinagtinginan tuloy siya. Pero ang tigas ng kulit ng lalaki at hindi siya nilingon.

"Kapal ng mukha. Inunahan akong mag walk-out. Bawas ganda, kainis." Bulong niya sa hangin habang nakatingin pa rin ng masama sa lalaking malayo na.

Inirapan niya ang likod nito at tumuloy na siya sa paglalakad at pinuntahan na ang mga kaibigan niyang inaantay na siya sa labas ng sinehan.

Chance [On - Going]Where stories live. Discover now