PABAGSAK na humiga si Chance sa kanyang kama habang kinakalikot niya ang kanyang contacts.
Napangiti siya ng makita ang number ni Riri. Agad siyang nagsulat ng mensahe sa dalaga.
"Susunduin kita before lunch. See you!
-Chance"
"I'll make you fall for me, hard, nanginginig pa." Napatawa siya ng malakas dahil sa bulong niya sa sarili.
Binitawan niya ang cellphone at pumasok sa banyo at naligo.
Pagkalabas niya ay agad niyang pinuntahan ang cellphone para tignan kung may mensahe na ang dalaga ngunit napasimangot siya ng todo ng wala itong reply.
Dismayadong nagbihis si Chance ng pantulog at sumalampak sa kama. Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit wala talaga sigurong balak ang dalaga na reply-an siya.
Napagdesisyunan niyang matulog na lamang para may energy siya kinabukasan.
*kinabukasan~~~*
"Grabe, ang pogi mo Chance! Kahit may laway-laway ka pa" Buhat niya sa sariling bangko habang nakatingin sa salamin pagka-gising.
Nag-ehersisyo siya sandali at saka bumaba na sa sala para kumain na.
Nakita niya si nanay Nelia, nag iisang kasambahay niya. Naghahanda ito ng kanyang breakfast. Itlog, bacon at sinangag na kanin ang nakahain sa lamesa.
Si nanay Nelia ay isa sa mga kasambahay na nagtatrabaho sa mansion ng kanyang mga magulang noong bata pa siya. Ito ang nagaalaga sa kanya kapag nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang at hindi siya nasasama. Nang siya'y lumaki at nag-karoon ng sariling bahay. Naki-usap siya sa kanyang ina na sa kanya na lang magtrabaho si nanay Nelia dahil mas may tiwala siya dito kaysa sa ibang kasambahay doon.
Mukhang napansin nito ang kanyang presensya at nag-angat ng tingin saka ngumiti. "Oh, Chance! Magandang umaga. Kumain ka na, anong oras na oh! Late ka na."
"Good morning, 'nay. Don't worry, hindi po ako papasok ngayon."
"At bakit hindi? Tamad ka talaga kahit kailan."
Tinawanan na lang niya ito saka umupo na at nagsimulang kumain. "'Nay, kumain ka na po ba? Sumabay ka na po sa'kin."
Umiling ang ginang. "Nako, hindi na. Kumain na ako ng pandesal kanina bago ka pa gumising. 'Wag mo na akong alalahanin." Sabi nito habang naghuhugas ng pinaglutuan sa lababo.
Habang ngumunguya, naalala niya ang nangyari kagabi. Sa lababo, silang dalawa ni Ivory, mag-kalapit ang mukha.
Wala sa sariling napatawa siya sa kilig na naramdaman. Dahil sa pagtawa, nabilaukan siya ng wala sa oras.
Shit. That's so gay.
"Chance? Ayos ka lang?" Dali-dali itong kumuha ng tubig at inabot sa kanya.
Agad niyang kinuha ang tubig at ininom. "Salamat, 'nay. Muntik na ako doon ah." Huminga siya ng malalim at pinagpatuloy na ang pag-kain.
Tinapos na niya ang pag-kain saka tumayo na. "Aalis ako ngayon 'nay. Ikaw na muna bahala sa bahay."
"Saan ka pupunta?"
"May date ako, 'nay."
"Wow, ang aking alaga ay may date na rin sa wakas! O siya, mag handa ka na, ako na bahala dito. Mag pa gwapo ka." Tuwang-tuwa na sabi nito.
Napangisi siya. "Hindi pa nga ako nag-aayos, ang gwapo ko na oh." Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang kamay. "Baka mahimatay na yung mga babae na makakita sa akin kapag nag-ayos na ako." Tumawa siya ng malakas habang nag-lalakad palayo rito.
YOU ARE READING
Chance [On - Going]
RomanceMamahalin mo pa rin ba ang isang tao kung puro sakit na lang ang dinulot niya sa buhay mo?