Chapter 3 - Family

706 41 1
                                    

(Blake POV)

"Tok tok tok" katok sa pintuan ng bahay
"Jeremaiah? Nandito na si kuya" sigaw ko sa labas ng bahay

"Kuya nandyan kana pala,kala ko mag tratrabaho ka, bakit nandito kana po at si junior tulog na po pala" Sabi sakin ng aking kapatid sabay halik sa aking pisnge. napakalambing talaga nitong aking kapatid.

"dito na muna si kuya pinag day off muna ako ng boss ko at nasan na kapatid mo?" Balik kong tanong sabay pumunta sa kwarto at nandoon nga si bunso.

"Dipa nga tulog at kuya nextweek napasukan namin paano si junior?" Nag aalalang tanong sakin ni jeremaiah napaka bait talaga nitong kapatid ko buti pa nga ito laging masaya lang at matapang na laging handa sa mga laban.

"Kila renzo ko muna ipapaalaga yan mag bibigay bigay nalang ako ng financial kaya dapat mag aral ka ng mabuti huh" payo sa akin kaptid sabay halik sa kanyang noo. "Kumain kana ba?" Tanong ko sakanya dahil nag saing na naman ako kaninang umaga bago ako pumasok sa aking School. "Opo kuya nakakain na po ako may tira pa nga pong tuyo sa mesa kain kana rin po at si jr. pina dede kona po"
"Sige lang busog pa ako at may pasalubong ako, ito oh chocolate cake masarap yan, tira ko yan kanina diko talaga inubos para sa inyo"
"Kuya salamat iloveyou" sabi nya sabay yakap at halik nanaman sa aking mga pisnge  "iloveyou moree"nag pipigil lang ako ng aking luha na tumulo dahil nakakataba ng puso ang kabaitan ng aking kaptid.

Tatlo  kaming mag kakapatid ako yung panganay 18 anyos na sumunod sakin ay 9 years old na lalaki si Jeremaiah Barcena  at yung bunso ay Jared Barcena jr. 3 years old.

Nandito na kami ngayon sa hapag kainan at si junior kalong ko habang na dede at kumakain kami ngayon. "Wag kang mag papakapagod ha! Ingatan mo yang sarili mo,wag kang mag papkapagod kung gusto mo mag laro nandyan si renshey kapatid ni renzo maglaro kayo pero wag mong papagudin katawan mo at wag mong pababayaan si junior hah?" Bilin ko sa kanya kahit alam kong naglalaro sya sa labas at si junior na kila renzo nachuchutan sila sa bata na yun gusto nga nilang amponin at doon yun lagi tapos ang isang to naman si jeremaiah ayun naglalaro daw sa labas kasama yung mga kapatid ni renzo at pinsan.

"Opo, di naman ako nag papakapagod kasi alam kong mag aalala ka sakin ih.

"Buti naman at alam mo"

"Kaya nga po" sinuklian ko nalang sya ng ngiti at kumain na kami ng hapunan .

Sumapit ang hating gabi pasado alas 3 na ng madaling araw,si junior umiiyak ng diko malaman ang dahilan kaya dali dali ko syang pinuntahan at binuhat, "nako! Junior ang init mo!"sabi ko habang buhat ko sya at medyo natataranta na ako kaya iniwan ko sya sa kama nya dahil mag katabi silang dalawa ni jeremaiah ako ay sa sala natutulog dahil isang kwarto lang naman ang meron dito sa apartment. 

Agad akong bumili sa labas ng bahay ng yelo dahil meron ditong tundahan na bukas sa gabi sarado sa umaga. Agad akong umuwe at Pinunasan ko sya ng towel na malamig at binantayan kosya mag damag at kinuha ko yung wallet ko para tignan kong mag kano nalang yung laman.
"300 hundred nalang yung pera ko at nukang magagastos ko yung perang naitani ko sa drawer na pangbayad ng bahay ?"sabi ko sa aking isip habang nakatingin sa loob ng wallet.

"Kailangan kung pumasok sa trabaho bukas at mag oover time ako para malaki yung makuha kung sahod."

Medyo humupa na ang lagnat ni junior at ngayon pasado alas 5:00am na ng umaga gagayak na ako para makapsok sa school. Iiwan ko muna si junior at jeremaiah kila renzo na kaibigan ko.

"Renzo? Ihahabilin ko muna sayo yung dalawa kong kapatid lalo na si junior nilalagnat sya kagabi ih,ito to tanggapin mo muna yang 200 na yan kasi wala pa akong sweldo yaan mo pag sweldo ko dadagdagan ko yan." Pakikiusap ko kay renzo habang nandito sya apartment ko

Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon