Chapter 21 - I like You

434 31 1
                                    


May SPG na magaganap dito,kaya kung dika aware skip mo nalang hahaha. Sorry nag momodule na kasi ako kaya matagal mag Update . Sorry po GeorgeAlfonso6 at salamat din😘🖤



Kaizer POV

Nakita kong gulo at kalat kalat lahat ng gamit ko, mukang may nangalkal sa aking closet at sa aking ibang aparador. Sino kaya ang may gawa nito? Kayat tinawag ko ang aking mga kasamahan sa bahay.

"XANDER! AIVAN! AARON! TARA DITO!!!" Sigaw ko sa kanila.



"KAIZER!!!!" Balik tawag sakin ng mga kasamahan ko.


"Hala! Anong nangyare sa kwarto mo?" Tanong ni Xander sakin.

"Dito nga galing yung mga lalaking sabi ni manong" Anong sabi ni aaron? Dito galing!?


"Anong mga lalaki!?" Nilooban ako? Takte naman!


"Pumunta si manong guard kanina sa baba at may nakita daw syang mga kalalakihan na nakataklob ang muka na tumatakbo galing daw dito sabi ni manong" Pagpapaliwanag ni xander samin.

"Lintek naman! Samahan nyo nga ako sa livingroom tignan natin yung cctv" sino naman kaya ang gagawa ng ganto sakin?

"Ayun na nga yung problema natin kasi pinutol nila yung mga kable na komokonekta sa cctv kaya walang nairecord pero si aivan gumagawa ng paraan para makilala kung sino yung mga yun kaya pumunta si aivan sa guard office kung may nakuhang clip sa nangyare kasi may cctv din doon na hagip ang bahay natin.

"Ano bang nangyayare?" Sino namang gagawa ng ganito sakin! Mukang ako ata yung target dahil ang dami daming kwarto pero kwarto kopa talaga ang napagdiskitahan.



"Anong nangyayare dito? Bakit ang gulo ng kwarto mo kaizer" biglang pumasok si blake, siguro pinatulog nito ang mga kapatid nya sa kwaro ni xander.


"May nangloob ng bahay at kwarto ni kaizer ang napagdiskitahan" paliwag ni aaron kay blake.

"HUH? May nawala bang gamit sayo kaizer? tignan natin sa cctv kung sino yun" wika ni blake samin.

"Sinira nila parang planado talaga at diko pa alam kung may nawala dahil hindi kopa naman chinecheek" sagot ko kay blake.

"May nakakita ba kung sino yun?"


"Meron si manong guard pero nakatakip ang muka kaya di nya kita kung sino yun,pero sa tantsa nya mga kalalakihan daw"sagot ni xander kay blake.


"Baka may palatandaan si kuyang guard na nakita baka may clue tayo kung sino"


"Ang sabi lang ni manong guard may nakita sya sa isa sa mga yun na may tattoo daw na compass sa tagiliran noon dahil mukang sumabit daw yung damit kaya nakita yun ni manong guard" may tattoo na compas tagiliran? Parang wala naman akong kilala.


"Bukas ipapaimbestigahan ko sa ngayon ayusin na muna natin tong kwarto at tulungan nyo ako" aayusin na muna namin tong kwarto at ichecheek ko kung may nawawala bang gamit ko.

"Tara ayusin na natin tong kwarto mo" sambit ni aaron na tinugunan naman ni xander at nag umipasa na nga yung dalawa pero si blake may may iniisip.


"Blake! Bakit nakatunganga ka dyan? May problema ba? Dapat nga ako yung maging tulala kasi ako yung may problema ih" ano kayang iniisip ng isang to.

"Ah wala, sige tara linisin na nating tong kwarto mo" sagot nya kaya tinanguan ko nalang sy at nag umpisa na akong tignan yung mga gamit ko kung may nawawala ba.



Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon