chapter 23 - FO

443 31 1
                                    

Kaizer POV

Umaga akong umalis ng bahay para pumasok dahil ayaw kong kasabay yung gagong aaron na yun. Bigla biglang umiinit ang ulo ng walang dahilan nakakapanibago tuloy sya. Ang kilala kong aaron mabait at maunawa pero yang ugali nyang yan! Tsk diko sya kilala ulol at hindi ako ang makikipag ayos sa kanya dahil sya naman may kasalan bigla syang umangas!. Btw napaaga ata ko ng dating 6:30 palang 7:15 pa time namin,siguro punta muna ako sa canteen dahil hindi pa ako nag aalmusal. Naglakad na nga ako papunta sa canteen at nag hanap ng mapwepwestohan dahil maraming studyante ang nakatambay dito sa canteen.


"Ate isa nga pong omelet at rice" order ko sa kay ate Sissy ang may ari ng canteen ng campus. At tita sya ni xander kaya minsan nakakalibre kami ng pag kain dito.




"Uy, kaizer ang aga mo atang pumasok? Nasan mga kaibigan mo?" Nako tita ayaw kong kasabay! Kung pwede ko lng sabihin sayo.


"Ah may aasikasuhin pa po ako kaya po maaga akong pinapasok ni daddy" Pag sisinungaling ko kay tita sissy.



"Ah sige upo kana muna doon dadalhin ko nalang sayo yung omelet mo" sabi nya sakin at tumungo na sya sa kusina para mag luto at ako naman ay umupo sa bakanteng upuan sa canteen.



"Hi,pwedeng makiupo? Puno na kasi yung ibang table" Bati sakin ng isang magandang babae at nakikipo sa table ko.



"Sure," sabi ko at dinukot ang cellphone ko para mag social media muna habang inaantay yung pag kain ko.



"Hmm? Kaizer right ?" Biglang banggit nya sa aking pangalan.


"Yes? Bakit mo ako kilala? " Sino ba to? Diko naman to kilala.


"Sikat ka kasi dito sa campus, lalo sa basketball ang galing mong maglaro nakikita kita pero hindi pa kita nalalapitannkasi nahihiya ako na baka madedma mo lang ako. Btw My Name is Zoe de leon student from cevil engineering" pag papakilala nya sakin. Ang ganda ng isang ito.


"Thank you btw Nice to meet you" sabi ko at inabot ang aking kamay.


"Nice to meet you rin" shit ang lambot ng kanyang kamay.


Habang mag kahawak ang aming mga kamay nakita ko sila blake,aivan,xander at kaizer na nakatingin samin at papalapit kaya binitawan kona yung kamay nya.


"Kaya pala ang aga mong pumasok hah" pang aasar ni xander sakin.


"Sino naman yan? Hahaha" pag tatanong ni aivan .



"Ah si zeo student from engineering" pag papkilala ko kila aivan at xander pero si aaron at blake tahimik lang na nakatingin.



"Hello po, Zoe de leon po from engineering. Naki upo lang po ako kasi wala napong vacant table" pag papakilala nya sa kanilang lahat.



"Ah ganoon ba akala ko kadate ka ni kaizer hahaha" biro ni aivan samin . Gagontong aivan na ton.



"Hahahaha di po,sige na po una na ako sa klase ko bye kaizer see you again." sagot nya at kumaway sakin bago umalis.




"Aba! Mukang may gusto sayo yung babaeng yun ah. In fairness maganda sya dika kana luge." Hayop talaga tong aivan na ito.


"Ah una na ako sa room titignan ko kung nandoon na sila angelica at stephanie" biglang pamamaalam ni blake samin.


"Sabay na ako. Gusto kong pumasok sa room kesa tumambay muna dito." Edi mag sama kayo ulol! Akala mo naman aaron gusto kitang makita!?


"Sige mabuti pa nga kesa pag mulan na naman ng away" sabi ni xander at umalis na yung dalawa. Nakaka badtrip pota. Gago kang aaron ka sarap mong suntukin sa muka.



Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon