Chapter 6 - Meet ati choda

572 38 0
                                    

[Blake POV]

Sunday na ngayon at mabuti ako nadischarge na si junior kagabi kaya ayun medyo ok na sya at nandito sya ngayon sa kwarto kakagising lang. Buti at hindi iyakin ang isang to kaya di mahirap alagaan. Bukas lunes may pasok ako at mukang malaki ang aking hahabulin dahil 3days na akong di napasok sa school. Pero makapasok kaya muna ako sa coffeeshop? Tutal wala naman akong ginagawa dito sayang yung kikitain dahil nasaid rin yung pera ko dahil sa mga gamot ni junior isabay pa itong renta ng bahay baka mapalayas kami ng tuluyan ng aking mga kapatid dahil yung pera ay nagastos kona rin pero may tira pa naman ako para incase of emergy may madudukot parin.

Nasa hapag kainan kami ngayon pasado 7:30 ng umaga. Nakapag saing narin ako kanina sa labas sa kalan di uling at nag priti rin kami ng itlog. Kaya ito may pag kain na kami para ngayong umaga .

"Kuya pray mona bago kumain" sabi ni jeremaiah at nagsimungala na nga kaming mag dasal ng matapos ay sinandukan kona sila ng mga pagkain nila at si jr. Sinusubuan kopa.

"Kuya busog pa ako kadede kolang" sabi ni junior at naglakad na papunta sa kwarto nya

"Sige dyan ka muna wag kang lalabas dyan isasama ko kayo sa coffeeshop ni kuya jeremaih mo"

"Ok po" sagot ni junior at humiga na sa higaan.

"Talaga kuya? Sama ulit kami?" Tanong ni jeremaiah

"Oo kaya mag bihis kana mamaya mng 9 punta tayo doon"sabi habang nag iimis ng pinagkainan namin.

————
Nandito na ako sa trabaho at kasalukuyang nag wawaiter dahil medyo marami ang tao kaya puro work lang. Yung dalawa kong kapatid ay nasa gilid habang nanunuod ng mga cartoons sa cellphone ni angelica. At nandito ako ngayon sa bake room para mag bake ng cake dahil apat nalang yung stocks at humingi ako ng tulong sa aking bagong kaibigan si stephanie para tulungan ako sa mga gagawin para mas mapadali ang aming pag babake ng cake. Habang nag babake kami ay nag kwekwentohan kami

"Alam mo ang cute nyong mag kakapatid . Lalo ng yung bunso nyo hahaha" banat ni stephanie na tuwang tuwa .

"Kaya nga ang daming gustong umampon doon tapos yung napaka bait pa noon" sabi ko habag nag babake

"Halata naman napaka tahimik nga nila habang nanunuod sa phone ni angelica at di sila umalis doon di man lang nag liligalig di tulad ng ibang bata na napaka likot"

"Hahaha syempre mana lang yan sakin" pag bibiruan namin.

"Nako ok na ito?" Tanong sakin sa kanyang ginagawang icing.

"Oo,diba madali lang" saad ko

"Hahaha ganoon lang pala yon"

At ilang oras na ang ulipas at tuluyan na kaming lumabas at dali dali kong pinuntan yung mga kapatid ko at ang nadatnan ko nalang doon ay si Angelica na mukang may inaantay na costumer.

"Angelica? Nasan yung mga kapatid ko?" Tanong ko kay angelica habang nakatayo at mukang may inaantay na costumer.

"Ahh ikaw blake nasa.. dina natapos si angelica mag salita ng may nagsalitang lalaki na aking likoran kaya agad akong humarap sa kanya.

"Inakyat kona sa kwarto ko sa taas nakatulog na kasi si junior sa kakapanuod ng cartoons at jeremaiah ayun naglalaro. Kalaro ko nga kanina sa taas " Biglang sabi ni Sir Alexander na nakangiti at mag lalong nag mukang gwapo ngayon si sir dahil sa suot nyang T shirt na pink at nakantokong lang at top sider na sapatos . Mukang may pinopormahan si sir hahaha.

"Pasensya na po sir sa abala,Sige ko kunin kopo muna si junior ilipat kolang po sa staffro....." Diko natapos yung sasabihin ko ng sumabat si sir alexander.

Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon