Chapter 29 - Pag alis

286 26 3
                                    

Blake POV


"Arayyyyyyyyyy"

Napasudsod ang aking likuran sa sahig dahil sa malakas na pwersang pag tulak ni kaizer sakin.


"GAGO KA!" galit na sabi ni kaizer kay aaron habang sinusuntok nya ito.


"MAS GAGO KA!" Sagot ni aaron sabay sapak sa muka ni kaizer.

Patuloy parin sa pag babanatan yung dalawa kahit na maraming umaawat prro hindi sila nag papatinag.


"Tama na yan aaron! Kaizer tumigil kana nga!" Pag awat ko kay sa dalawa pero sa tabi ako ni aaron pumunta kasi si maxine ang umaawat kay kaizer.


"TANG *NA! Ano bang problema mo" sabit ni aaron sabay punas sa labi nya na may sugat.


Tumingin lang sakin ng masama si kaizer na yung mga mata ay nanglilisik sa galit tapos titingin din sya kay aaron ng masama.


"Anong nang yayare dito Mr. Calleja? And Mr. Doersner?" tanong ng isang guro nangayon ay nasa gitna na namin.


Nakita kong inaasikaso ni maxine di kaizer. Parang gusto ko talaga syang pagbuholin dalawa tapos lampasuhin si maxine. Arghhhhh!


"Kaizer masakit paba? Tara na muna sa clinic" rinig kong sabi ni maxine kay kaizer.

Chill blake... Pigilan mo sarili mo!

"Mag punta na muna kayo sa clinic dalawa at pagkatapos linisin ng mga sugat nyo sumunod kayo sakin sa guidance" Si maam cosico ang teacher isa sa pinaka matapang na teacher dito sa campus.


"Yes po maam" duet na sagot ng dalawa.




Nandito na kami sa clinic nililinis ko yung sugat ni aaron kasi syempre si maxine ayun feel na feel ang pag hawak sa muka ni kaizer.


"Awtss!" Biglang inda ni aaron sa ginagawa kong pag lilinis sa sugat nya sa pisnge at labi.

Kasalan to ni kaizer! Di nya inisip na bukas na ang laban nya tapos rarampa syang may pasa ang muka. At isa pa kasalan nya rin naman kung bakit ako biglang nag ganoon kay aaron,inumpisahan nila akong dalawa ni maxine.


"Sorry, pero tiisin mo yung sakit para naman sayo ito e" Sabi ko sabay ngiti.


"Dahan dahan lang blake medyo masakit lang" seryuso nitong sabi sakin sabay pero.


"Ah okey sorry" naaawa ako kay aaron dahil sakin nasaktan tuloy sya ni kaizer. Btw si angelica nga pala inutusan ko munang bumili ng pag kain namin.


"Ahmmmm... blake" sabi nito habang nakaupo lang.


"Bakit masakit ba?" Tanong ko sakanya



"Medyo, Pero Salamat sayo" nakita ko syang ngumiti nakakagaan ng pakiramdam feel ko ok na sya.


"Wala yun, kulang pa nga ito sa mga itinulong mo sakin e. Kaya dapat ako ang magpasalamat sayo" kasalan ko rin kasi kung bakit nag away kayo ni kaizer. Kaya sorry aaron.


Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon