Chapter 24 - What a secret!

372 24 1
                                    

Karl Andrie Salvador POV

[past 2 weeks]

Buwan na rin ang lumipas nang nag karoon kami ng bonding ni blake kasi nilalayuan ko sya dahil ayaw ko syang saktan tulad ng pinapagawa ng ate ko sakin. Kaya dina rin ako pinapansin ni blake, at lagi syang abala sa mga kaibigan nya which is ok lang naman sakin pero kay ate hindi. Gusto kasi ni ate na mapalayo si blake sa mga mag kakaibigan na sila kaizer,aivan,aaron at meron pang isa na diko alam kung anong section. Na hindi ko naman kayang gawin kasi mabait naman si blake at masaya sya sa mga kaibigan nya. Sino ba naman ako para pigilan ang kasiyahan ng isang tao?

Lumalayo narin ako sa kanya hindi lang dahil sa pinapagawa ni ate kung hindi takot akong mafall sa kabaitan nya dahil hindi sya mahirap magustohan. Lalo't isa akong bi-sexual pero ako lang nakaka alam ng kasarian ko dahil hindi ako nag oopen kahit kanino.


"Andrie! Bakit hindi mo magawa yung pinapagawa ko sayo? Ang tagal tagal na noong pinapagawa ko pero hanggang ngayon wala ka paring nagagawa! Ano bang problema! Sagutin mo nga ako!" Mainit ang ulo sakin ni ate.


"Dahil hindi ko kaya ang pinapagawa mo!" Natatakot akong lumapit at mapalapit lalo kay blake kaya diko kaya ang pinapagawa mo.



"Ate naman! Diko naman magagawa yang pinapagawa mo sakin! Diba kaibigan mo naman sya?" Kung hindi ako nag kakamali may gusto to sa isa mga mga kakaibigan na yun kaya gusto nyang mapalayo si blake sa mga mag kakaibigan.



"Bweset! Kung hindi mo kaya ako nalang gagawa letche!" Huli nyang sambit bago lumabas ng aming bahay.


—————————————

Present.


Nandito ako sa mall ngayon kasi pinapapili ako ng bagong sapatos ni daddy para sa darating Sports Fiest sa school dahil kalahok ako sa badmintoon sport. Btw kami ang may ari ng shoe store dito sa mall.

"Dad' i want this white rubber shoes. i don't like that its very colorful ang OA pag sinuot ko Ito nalang akin color white simple lang yung kulay pero maganda" sabi ko kay daddy na nasa tabi ko lang.


"Sige ikaw bahala dahil ikaw din naman mag susuot nyan. Nasan na pala ate mo? Mag kakaklase naman kayo diba pero bakit wala pa sya?" Tanong ni daddy sakin. Oo kaklase ko si ate pero ayaw nyang ipaalam na mag kapatid kami kasi nga may plinaplano sya na hindi ko naman kayang gawin.


"Ah nandyan narin yun dad antayin lang natin" pag sisinungaling ko. Ang tagal naman kasi ni ate.

Lumipas lang ang ilang saglit salamat at dumating narin.


"Kanina pa ba kayo?"  iritadong muka ang isinalubong nya samin ni daddy.


"Medyo! Ang tagal mo nga ih! Mamili kana raw ng sapatos mo para makakain na tayo" masungit kong sagot! At isa pa gutom na ko hahaha


"Stephanie ayusin mo nga yang muka mo' halos dina mapinta ang itsura" pamumuna ni daddy kay ate.

"Tsk! Kumain na tayo dahil hindi naman ako kasali sa sport at isa pa wala ako sa mood kaya kumain na tayo" bakit nanaman kaya badtrip to?

kasama nya si blake kanina sa pag kakaalam ko dahil tinawagan ko sya so baka ayun ang dahilan ng pag kabadtrip nya. Dahil galit to sa kaibigan nya.


"Oh sige, mabuti naman dahil gutom na ko" sabi ko


"Patay gutom" sarkastikong sabi sakin ni ate sabay ng pag rolle up ng kanyang mata.


Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon