Chapter 30 - Message 1/2

348 26 14
                                    

Blake POV

~FLASHBACK~

"Ano bang gusto mong gawin ko para edelete mo yung video?" Nakikiusap ako kay maxine na edelete nya yung viral video ni kaizer.


"Isa lang naman gusto kung gawin mo" sagot nito habang umiinom ng wine dahil nandito ako sa bar dahil matapos ang aming klase sinundan ko sya papunta dito para kausapin sa kumakalat na video ni kaizer.



"Sabihin mo lang maxine, Hindi na makakain ng ayos si kaizer, hindi makalabas ulti mo pag hawak ng cellphone nya natatakot narin sa mga taong nag sesend ng masasakit na salita kaya sana naman burahin ko na yung video. May pinagsamahan naman kayo ni kaizer" pag mamakaawa ko sa kanya.



"Kung gagawin mo yung gusto ko lahat ay magiging clear" simpleng sagot sabay inom ng alak.



"Fine, sabihin mo lang" ayuko lang nakikitang nahihirap yung taong mahal ko.



"Good, i give you time para umalis sa bahay nila kaizer don't worry blake dahil ako na ang mag hahanap ng apartment mong lilipatan. Yun lang ang gusto ko kaya mag sigasiw kana at mag pakasaya habang kasama mo sila dahil i swear na babalik sakin si kaizer" di man ako pabor sa kanyang kagustohan pero ayun nalang ang paraan para matigil na ang problema ni kaizer.

~END FLASHBACK~



Yung laman nga pala ng sobre na ibingay ni maxine ay yung address ng apartment kasama na yung susi sa loob ng sobre.

Wala akong magawa para pigilan si maxine sa gusto nya lalo na pag naaalala ko yung sinabi nya sakin na

"Kung may gusto ka kay kaizer ay wag mo nang ituloy baka paliparin din si kaizer ng daddy nya papunta ng amerika"

At naalala ko ring yung sinabi sakin ni kaizer nung naging kami na kahit kami lang ang nakakaalam.

"Dipa ako handang sabihin kila mommy at daddy dahil napaka strict ng daddy ko"

Tumutugma ang sinabi ni maxine sa sinabi sakin ni kaizer kaya natatakot ako na baka mangyare yun, dahil sakin malalayo sya sa pamilya nya at nga kaibigan nya kaya mas mabuting lumayo narin ako sa kanila lalo't pinag mumuka ni kaizer sakin na mahal nya parin si maxine at wala na syang pakialam sakin kaya nagagawa nyang landiin si maxine harap harapan kopa.


Pasado alas dos na ng madaling araw ng marating namin ang apartment na tinutuloy ni maxine. Maganda at maayos naman kaso medyo malayo sa school lalo na sa bahay nila kaizer. Maganda narin ito para makapag simula na ako kaso ang problema ko kung sino mag babantay kay junior sa tuwing papasok ako sa school dahil si jeremaiah nag aaral din di tulad dati na si renzo at yung mama nya ang nag aalaga kay junior. Hayst!

Tapos bukas na yung intrams mukang hindi ako makakaattend dahil sa walang mag babantay kay junior at walang mag lilinis nitong bahay siguro maganda na yun para diko makita sila kaizer kasi nandito parin yung sakit pero kailanagn mag pakatatag lalo't sakin nalang umaasa yung mga kapatid ko kaya titiisin at mag papakatatag kahit masakit.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kaizer POV

Alam kong nasaktan si blake sa mga nangyare lalo na ng sinabi kong girlfriend kona uli si maxine alam kong mali akong sinabi yun pero ayun lang ang nakita kong rason para hindi nila malaman na may relasyon kami ni blake. Hindi sa ikinahihiya ko sya pero kay daddy ako natatakot sa mga pwede nyang gawin samin lalo na kay blake tapos isa pa si maxine nakakahalata samin ni blake.


Why I Choose YOU? (Bxb story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon