Chapter 25

10.8K 276 5
                                    

Riley's POV

Wala akong reaksyon sa binulong ni Alfonso. Na kay Kiefer lang ang titig ko na ngayong madilim ang tingin kay bakla. Lumunok ako sabay baling kay Peyton na ngayong nilalaro 'yung damit ni Kiefer sa likuran, sinipat ko siya ng palihim, mabuti na lang at napansin niya. Ngumiti sa akin si Peyton at tumakbo papalapit sa akin.

"Magandang umaga, Sir Montefalco. Ako nga pala si Alfons..."

"I don't care." Supladong sagot ni Kiefer. Hindi pa pinatapos si Alfonso, tila nalaglag naman ang panga ni Alfonso sa inasal ni Kiefer. Totoo namang walang pakialam si Kiefer, kahit saan yata 'yan magpunta hindi mo mahanap pake niyan.

"Mommy, can we go inside now?" ngising tanong ni Peyton. Nagdadalawang isip naman akong tumango, pero kalaunan naman ngumiti ako ng pilit. Shit!

"Ay naku, girl! Tara pumasok na tayo! Pakilala ko sayo 'yong bagong model ko, ganda niya eh!"

Akmang hihilahin na sana ako ni Alfonso nang tumikhim si Kiefer kayat naagaw niya ang atensyon namin. Lumingon ako sa gawi niya, humakbang siya papalapit sa amin at hinawakan sa kabilang kamay si Peyton kayat kaming dalawa na ngayon ang nakahawak sa anak namin.

Umiwas ako ng tingin.

"Alis." Taboy ni Kiefer kay Alfonso. Umirap na lamang ako, gusto ko siyang sumabatan kaso may malaki pa pala akong kasalanan ngayon sa kanya kaya mas mabuting pahuhupain ko muna 'yon tsaka ko siya sumbatan ng todong-todo.

"Hays grabe! Ang init init ng panahon ngayon, kakainis!" maarteng pumadyak si Alfonso. Nauna na itong pumasok sa building, kasunod naman ay kami.

Habang papasok kami, si Peyton at Kiefer lang ang nagsasalita. Habang ako naman nanatiling tahimik, minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero umiiwas din naman. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako baka makasalubong ko ang mga taong iniiwasan ko. Napaka-imposibleng wala sila rito ngayon.

"You looked bothered again, what's wrong, Riley?" Huminto si Kiefer sa paglalakad kasabay nito ang pagkawala ni Peyton sa kamay namin.

"TITA ALEX!" tawag niya. Humarap naman 'yong mga babae at lalaking nagkukumpulan. Unang tumama sa mata ko ang mata ni Penelope, nilandas niya sa akin ang tingin papunta kay Kiefer tsaka kay Peyton na tumatakbo papalapit sa kanila. Gusto kong umatras ngunit kahiyaan 'yun. Sinalubong nila ng yakap ang anak ko, tumatawa pa sila Sendrix at Zain sa kakulitan ni Peyton, habang 'yong mga anak naman nila ay may kani-kanyang nilalaro. Pansin ko ring wala gaanong empleyado ang kompanya ni Sendrix ngayon. Mukhang sarado ito ngayon, pero bakit?

"Nothing." Sagot ko sa tanong ni Kiefer. Hinarap ko siya at pilit akong ngumiti. Pero nanatili paring seryoso ang mukha niya.

"I know you're not, so stop pretending. Face it, face them, and show me how brave you are."

"Why are you saying this? You hate me, Kiefer. Why are you helping me out?" kunot noo kong tanong. Ngunit inirapan niya ako at hinila ang beywang ko na kinagulat at kinalaki ng mata ko, pilit akong kumawala kaya lang masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa beywang ko.

"Let me go." Inis na bulong ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon pero tila wala yatang pakialam si Kiefer sa mga nagmamasid, argh! Kiefer, what the hell are you doing.

"I hate you so much." Bulong niya at binitawan ako. Kumirot ng puso ko dahil sa sinabi niya, pinalakas ko ang loob ko para pigilan ang luhang tutulo na galing sa mata ko, everyone hates me! Damn it.

"You're always meddling in my own business; that's why I'm starting to hate you." 

"Don't make this too hard for me; my plan is going to end someday, so you need to be brave, you need to face them, and you shouldn't think of anything." 

BS02: The Mafia Boss SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon