Chapter 26

19.1K 366 6
                                    

Riley's POV

Maaga na naman akong gumising dahil may pupuntahan kami ngayon. Hinanda ko na 'yung mga gamit ko ganu'n din 'yung mga gamit ni Kiefer at Peyton, pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdanan. Kabu-bukas pa lang ng kwarto ni Kiefer, mukhang bagong gising din ang mga ito. Nilapag ko sa sahig 'yung bag na dadalhin namin tsaka ako umakyat papuntang kwarto ni Kiefer, nadatnan ko si Peyton na busangot ang mukha habang si Kiefer naman ay tinatawanan ang anak. Gago talaga.

"I want to swim, Papa!"

"Shh, your mom will get mad at us if we both don't hurry."

"But, she isn't here, Papa. Come on, Papa!"

"Nah! Let's go, son. Mag-bihis kana."

Ngumiti ako sa kanilang dalawa tsaka ako kumatok sa nakabukas na pintuan. Mabilis namang umarko ang kilay ni Kiefer at hinayaan niya 'yong anak naming pumunta sa akin. Hinalikan ko sa ilong si Peyton, ginulo ko din ang buhok niya. Lumalaki na talaga siya, at habang patagal ng patagal, nagiging isang ganap na Montefalco na siya like his Dad, of course, I can't deny it anymore. My son is a Montefalco kahit baliktarin pa ang mundo. Nag-iisang anak lang ito ni Kiefer, I hope so.

"Mama, where are we going?" kunot noong tanong ni Peyton.

"We're going to Boracay today, baby. Together with your Titas and Titos. So hurry up and change your clothes. I'll wait downstairs, make it faster, okay?" sabi ko bago hinarap si Kiefer na ngayong nakatingin sa amin. Hinayaan kong tumakbo papalapit sa kanya si Peyton, tuwang-tuwa naman ang bata habang hinihila ang laylayan ni nito papunta sa malaking closet niya. Umiling na lamang ako at nagpasya na bumaba na.

Nadatnan ko ang mga kasambahay na nagchi-chismisan, nang makita ako ay kaagad din silang umalis. Ganu'n din 'yong mga tauhan ni Kiefer, mabilis na umayos ng tayo. Tumaas ang kilay ko sa kanila, parang iniiwasan nila ako, o hindi kaya ay takot sa akin o nandidiri? Sabagay, noong dinakip ako ni Kiefer inubos ko lahat ang mga tauhan niya at mas lalong may pinatay akong kasambahay no'n.

Hindi na ako magugulat kung ganito na lamang ang reaksyon nila sa akin, mag-iisang buwan na kami rito ni Peyton ganu'n parin ang trato nila sa akin. Pero wala naman akong pakialam sa trato nila, kung gusto nila ang ganito, why not? Sarili naman nilang desisyong 'yan, wala akong pakialam.

Nang makita ko na ang dalawa pababa ng hagdan, nauna na akong lumabas sa kanilang dalawa. Nilagay ko sa likuran 'yung bag namin at hinintay ko na lumabas 'yong dalawa. Nagha-harutan pa sila habang tumatakbo papalapit sa kotse. Itong dalawang 'to wala na talagang tigil. Baka mamaya sa sasakyan magha-harutan na naman. But I'm happy for both of them. Marunong ng tumawa muli si Kiefer and he looks handsome even more, si Peyton naman naging masiyahin na hindi tulad noon na laging nakabusangot ang mukha at tahimik. Sa nasaksihan ko ngayon, kapag wala ang isa? Malulungkot ang isa. I don't want that to happen. I'm ready to face everything just for them.

"Is everything ready? Wala ka ng nakalimutan?" tanong ni Kiefer.

"Wala na, ikaw ba? Meron?" tanong ko pabalik at sinuot ko kay Peyton anf seatbelt niya ganu'n din sa akin.

"Wala." Sagot niya at sinimulan niya nang magmaneho. Tinungo namin ang airport, doon kami magkikitang lahat. Sabay-sabay daw kasi kaming pupunta sa Boracay. Hindi naman siguro nakakaumay 'tong bakasyon namin. Sana lang talaga walang mangyaring masama lalo na't may mga bata kaming kasama.

Nang marating na namin ang airport, sumalubong sa amin ang mukha ni Alfonso sa labas, mukhang alam niya kung kaninong sasakyan ito, ah. Nasa likuran niya si Penelope na malaki ang ngiti. Binuksan ko 'yung pintuan at ngitian din sila pabalik.

"Gosh. I miss you, Riley! Where's Peyton?"

"Inside, mukhang tinatamad na namang lumabas." Mahinang sabi ko. Ang totoo niyan, naghaharutan silang dalawa ni Kiefer sa loob. Kanina ko pa nga sinasaway ang dalawa pero tila wala yata ako sa tabi nila. Bahala na nga sila. Mapapaurong ka nalang talaga. 

"Peyton!" sigaw ni Alfonso nang tuluyan na ngang lumabas ang anak ko. Ngumiti si Peyton kay Alfonso tsaka tumango sa ama niyang may malademonyong ngisi. Ano na naman kaya ang pinaplano ng dalawang 'to?

"Tita Alfonso!" malakas na sigaw ng anak ko at hinawakan si Alfonso sa kamay. Umirap ng todong-todo si Alfonso roon at ginulo ang buhok nito. Mukhang hindi niya na talaga mapipigilan si Peyton na tawagin siya nitong Tita. At mukhang ito yata ang plano nilang dalawa ng ama niya. Mag-aama nga talaga. Ang hilig mag-hasik ng lagim.

"Wala na akong magagawa kalurkey! Alam mo nang bakla ako 'noh matagal na?" maarteng tanong niya kay Peyton.

"Yes, Daddy Alfonso, hindi ko lang inamin because I want you to be my Dad that day, even if you're not my real Papa. I love you, Daddy Alfonso."

"Ang drama drama nito ah! Manang-mana ka talaga sa nanay mong madrama din pero chaka, ah. Ang gwapo natin ngayon, Peyton. Manang-mana ka sa Daddy mo oh!" Umikot ang mata ni Alfonso hanggang sa tumigil ito sa akin tsaka humalakhak. Is he insulting me?

"Oh siya, tara na! Sumakay na tayo sa private plane ni Tito Vandeon. Jusko day! Ang gwa-gwapo ng mga kaibigan ng Daddy mo. Nakilala mo na ba sila?"

Umiling si Peyton. Nagsimula na kaming lumakad, kasabay ko si Kiefer na tahimik lang din sa tabi ko, ang anak lang namin 'yung pinagmasmasdan namin, mukhang aliw na aliw ito kay Alfonso.

"You raised our son so well, Riley. I'm sorry for pushing you out. I'm sorry for being a jerk to you; our relationship was ruined because of me. Will you forgive me if you know the truth behind this? I hope you will." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

"Will you explain then?" hamon ko sa kanya. Maybe I'll forgive him if he tells me the truth. I want to know his reason; I want to know everything about him. He's like a puzzle to me every time I look at him. Parang may kulang. It looks like I need to find the answer. Kailangan kong maka-buo ng salita. What are you really, Montefalco? Boyfriend ko naman siya noon pero hindi ako interesado sa mga ginagawa niya. Ngayon, parang gusto kong malaman ang lahat.

I suffered a lot.

"I won't explain it to you, Riley. You're going to solve the puzzles by searching for the truth. When the day comes and you have already completed it, You'll hate me and curse me to death. Swear." 

"Bakit ko naman 'yan gagawin? Para namang sinabi mong may mali kang ginawa." Sabi ko at pumasok na kami sa eroplano, ni hindi ko na pinansin 'yung bumabati sa amin dahil na kay Kiefer ang buong atensyon ko.

"Everything that happens has a reason, Riley. People make mistakes,  but they cannot change them. Just like in the past? You cannot change it anymore; you need to stand up and start over. And about my wrongs? I won't change it even if I have the chance." 

"What?"

"You are my master in this game."

"Hindi ako nakikipaglaro sayo, Montefalco." Kinakabahan ako sa maaring larong sinasabi niya. Every word he's throwing at me para may pinapahiwatig. What is it?

"Wherever you go, I'll still go with you."

"Is this a kind of prank?" Why is he telling me this?"

"This is a warning, Riley. Don't cross the fvcking lines. If you hit those lines, You'll be dead big time." Bulong niya at nauna na itong umupo. Kaharap namin si Alfonso at Peyton na nagha-harutan parin. Natulala ako sa sinabi niya, ano na naman kaya 'to?

"I am the villain of this story. Be careful being with me. I'm not a good person."

Narinig kong bumulong siya pero hindi ko na iyon narinig. Umupo ako sa gilid niya at malalim na nag-isip. Wala akong maintidihan sa mga pinagsasabi niya.  Ano ba kasi 'yun, bakit ang layo-layo na nang narating ng mga salitang 'yun. Kasing layo ng mansyon niya sa Boracay. Arghh, this is so frustrating!

"Don't think about it. Its frustrating."

"Bwesit naman kasi. What is it ba?"

"You'll know the answer if you try thinking about it, but this is not the right time to think, you see? We had our vacation today. Stop thinking."

"How should I stop? Sa mga sinabi mo parang wala akong balak tumigil."

"Tss. Don't make this hard for you; I know you already knew the answer, but you keep running away from it." 

W...What?

****

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

BS02: The Mafia Boss Son(Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon