Chapter 23

18K 371 4
                                    

Marahas kong tinulak si Kiefer palayo sa akin. Umiwas ako ng tingin sabay kuha ng bag ko na nasa tabi ko lang. Nabigla ako sa halik na 'yun kayat hindi kaagad ako nakagalaw, ngunit kailangan kong dumestansya sa kanya, kailangang hindi magkalapit ang loob namin. Ayos na sa aking huwag niya akong pansinin sa labas ng mansyon, huwag lang humantong ulit sa ganito. I can't afford to lose him; I can't lose them. This is so hard for me, but it needs to be. 

Humarap ako sa kanya. Hinayaan kong lumandas ang aking luha galing sa mga mata. Gamit ang isa kong kamay hinawakan ko ang pisnge niya sabay ngiti sa kanya. Honestly, kayang-kaya ko naman 'yong lalaking 'yon, hindi ko lang talaga matanggap na niligtas niya ako at kita ko ang labis na galit nito. Ayoko nang maulit pa 'yun, baka iba na ang kahahantungan.

"Thank you for saving me, Kiefer. You can go now, may pupuntahan lang ako. Hindi naman ako tatakas." Mahinang sabi ko.

"No. You will come with me, let's go home now, Riley. You're not going anywhere, unless I'll come with you." Malamig na sagot niya at hinuli ang kamay kong nasa pisnge niya. Binaba niya ito at hinila ako palabas ng bahay.

"Please, Kiefer, hayaan mo muna ako ngayon, babalik naman ako sa mansyon mo! I can't leave my son alone, you know that!"

"Then! Take me with you!" galit na sigaw niya sabay bitaw sa akin. Kaharap na naman 'yung sasakyan niya.

"You can't." Bulong ko at winaksi ko ang kamay niya. Nagtagis ang ngipin niya at natigilan ito sandali sa ginawa ko.

"Yes I can, Riley." Matigas na sagot niya na naman. Umiling ako habang mariin kong pinikit ang mga mata ko, kay tigas naman talaga ng bungo ng lalaking 'to. Gagawin ko 'to mag-isa. Hindi siya pwedeng sumama sa akin dahil paniguradong walang po-protekta sa anak namin. Argh just listen to me, Kiefer. This is not for me, this is for us. I'm risking my life for this.

"You don't understand me, Kiefer. Please go home, take good care of our son. Promise babalik ako. Hindi ako tatakas, do you trust me?" this time ay nag-mamakaawa ako sa kanya na tigilan niya na 'to at hayaan niya na akong umalis. Pero base naman sa mga mata niya, wala siyang balak na payagan ako sa gusto ko, mas nanaig 'yung kagustuhan niyang samahan ako.

Umiwas ako ng tingin. Ginala ko ang tingin ko sa buong paligid, malakas ang simoy ng hangin, wala ng mga sasakyang dumadaan sa hallway na 'to tanging ang kotse na lamang ni Kiefer ang nakaparada at umiilaw pa.

"I trust you, alright! Let's go home." Akma niya na sana akong hihilahin ulit ang kamay ko nang iniwas ko ito mula sa kanya. Umatras ako ng ilang dangkal, paulit-ulit akong umiiling sa kanya hanggang sa may nakita akong motor na papalapit sa amin. Ngumiti ako ng mapakla kay Kiefer.

"May pupuntahan lang ako babalik ako, okay!" huling sabi ko at tumakbo ako papalapit sa motor na paparating, hinagis ko ang bag sa driver at sumampa na sa likuran ng lalaki. Binigay niya naman sa akin ang helmet at walang pagda-dalawang sinuot ito.

"RILEY!" Mag-iingat ka, Kiefer. Wait for me, tatapusin ko lang 'to.

"How are you, my queen?" tanong niya. Inismiran ko naman siya bago binaling ang tingin sa kotse ni Kiefer, nakita kong nagmamadali itong pumasok sa kanyang sasakyan. Oh shit!

"Can you make it faster, Caleb?!" sigaw ko dahil paniguradong hindi niya ako maririnig.

"Are you running from someone now?" natatawang sigaw niya pabalik. Tumingin siya sa side mirror at sa tingin ko ay alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Oh! Gotcha! Sisiw lang ang ito sa akin, si Montefalco ba 'yan?"

"Will you please shut the fvck up at magmameho ka na lang!" iritado kong sigaw muli. Tumawa naman siya ngunit mas lalo niya pang binilisan. Hindi na ako muling tumingin sa likuran ko, alam kong sumusunod parin siya, hindi ko kayang makita si Kiefer. Damn.

Lumiko si Caleb sa isang masikip na eskinita, pinilit niya talagang ipasok ang motor kahit na sumasayad na sa pader 'yung siko namin. Tangina ka talaga, Caleb!

"Ano ba! Bakit dito mo pa naisipang pumasok!"

"Maniwala ka sa akin, hindi na makakasunod ang Montefalco na 'yon sayo!"

"Gago ka talaga! Matatagalan pa ba tayo?" tanong kong muli. Tumawa lang ng mahina si Caleb bago tumango. Hindi na lamang ako umimik, hinayaan ko siya sa planong gawin niya sa buhay namin. Lagot talaga siya sa akin kapag bumangga kami. Papatusin ko talaga siya.

"Ayan! Sumusunod pa ba siya?"

Lumingon ako sa likuran namin, umiling ako bilang sagot sa kanya. Tumango naman siya at lumabas na sa masikip na eskinita. Sumalubong sa amin ang panibagong hallway na naman, para itong shortcut na daan na alam ni Caleb. Hindi pa ako nakakadaan dito, ngayon pa lang.

Tinungo na namin ni Caleb ang pakay namin, sabay kaming bumaba ng marating na namin ang NightClub kung saan legal ang mga ginagawa. Bitbit niya ang bag na hawak ko habang ako naman, tinago ko ang pistol sa likuran ko.

"You can ask anything you want inside, Riley. Alam nila ang lahat tungkol sa mga sindikato, sa mataas na posisyon din."

Alam kong isang katrayduran 'tong ginawa ko kay Kiefer lalo na sa mga kaibigan ko, pero hindi ako mananahimik na walang alam, lalo na't sunod-sunod na ang patayan ngayon, hindi ako sigurado kung si Kiefer ba ang may gawa nito kaya kailangan kong gawin 'to.

Tuluyan na kaming pumasok ni Caleb sa loob ng club, tumambad sa amin ang makapal na usok, maingay na musika at hiyawan ng mga tao. Hinila niya ako papasok sa isang VIP na room, binuksan niya ang ilaw ng silid bago tinungo ang lamesa. Punong-puno ito ng mga makakapal na papel.

Sinuot ni Caleb ang kanyang salamin.

"Ano nga ulit 'yung tanong mo?" tanong niya sa akin sabay kuha ng limang folder sa ilalim ng lamesa.

Lumunok ako. "I want to know kung si Kiefer ba ang mastermind ng..."

"Kiefer?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya kilala si Kiefer? Pero kilala niya si Montefalco?

"Montefalco, Caleb." Irap na sagot ko. Humalakhak siya tsaka sumeryoso. Kinabahan naman ako pero pinatatag ko ang sarili ko. Hindi ako mananahimik hangga't hindi ko malalaman ang lahat.

"Kiefer Montefalco, you mean? Well alam naman nating lahat na mayaman si Montefalco pero tago ang taong iyon, mas mautak pa 'yon sa media, Riley. Mali yata 'yang iniisip mo tungkol sa kanya."

"PERO NAKITA KO SA MANSYON NIYA 'YUNG LISTAHAN NG MGA PINATAY NIYA!"

Tumikhim siya. "What? Are you fvcking serious? Paano mo naman nalaman na sa kanya nga 'yong listahan na 'yun? Maybe someone sent it to him para pagkamalalan siya." Saan ba talaga kakampi ang lalaking 'to? Sa akin o kay Kiefer.

"He killed them, Caleb. At may plano siyang patayin kami." Bulong ko.

"Nagkakamali ka..." mahinang sabi niya. Dahan-dahan niya ring inangat ang tingin sa likuran ko, nainis naman ako sa ginawa niya kaya lumingon din ako sa likuran ko. Tila nalaglag ang panga ko nang tuluyang makita ang taong nasa aming likuran. Kiefer...

"Let's go home, please..." mariing sabi niya. Tsaka tumingin sa gawi ni Caleb na ngayong nawalan na nang dugo ang mukha.

"Who gave you permission to bring my wife to this kind of place, Samonte?" malamig na tanong niya.

"Mr. Montefalco, siya po a..."

"DON'T BULLSHIT ME! AALIS KA BA O PAPATAYIN KITA SAMONTE!"

Bigla akong kinabahan sa galit na galit na boses ni Kiefer. Hindi na naman nag-dadalawang isip si Caleb at lumabas na lang kaysa naman patayin siya ni Kiefer, kapag talaga ito magsalita? Totohanin niya. Yumuko ako, shit!

"You want to know everything about me. Kahit sa mga pinatay ko? Yes you are right, Riley. I am the killer. I killed them using my own hands. Satisfied?"

"Bakit mo 'to inaamin sa akin?" pilit pinatatag ang sarili.

"Dahil ang tigas ng ulo mo! You can ask me instead going to this place, Riley! Napaka-simple ng tanong mo, sa iba ka pa pumunta!" iritadong sigaw niya at tinalikuran ako. Fvcking shit!

"I'm sorry."

****
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

BS02: The Mafia Boss Son(Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon