Prologue

66.6K 816 30
                                    

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

"I'm pregnant, Kiefer at ikaw ang ama ng dinadala ko," naluluha kong amin sa kanya habang siya naman ay nakatutok lamang sa mga taong nagpapatayan sa labas ng kanyang mansyon.

"Do you hear me! I said I'm pregnant with your child, Kiefer! Panagutan mo ako!"

"Why would I do that?" malamig na tanong niya na kinabigla ko. Isang lingo na ang lumipas since I came here and made love to him. I sacrificed my time for him because I love him, but what did he do? Akala ko pananagutan niya ako kasi nabuntis niya ako but I was wrong! Hindi niya tatanggapin ang batang nasa sinapupunan ko at hindi ako makakapayag na ganu'n-ganu'n na lamang iyon. My parents will hate me once they find out. I'm such a big disgrace for them.

"Nabuntis mo ako at pananagutan mo 'to!" sigaw kong muli and this time he faced me and grabbed my wrist. Tsaka niya ako sinakal sa leeg habang mariing nakasandal sa pader. Habol ko ang hininga ko at pilit siyang pinapaalis ngunit wala talaga siyang sinasanto, mariin niya lamang akong tiningnan habang unti-unti nang lumalandas ang luha galing sa mga mata ko. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba gusto niya na ng anak?

Bwesit na AKALA 'yan.

"Let...me go..."

"I'll let you go if you shut your damn mouth!" galit na sambit niya tsaka ako winaksi kaya't bumangga ang likod ko sa kama. Mabuti nalang ay hindi naman gaano kasakit. Argh my, baby, I dont want to lose him/her.

"Aalis ka sa mansyon na 'to. Siguraduhin mo lang na isasara mo 'yang bibig mo kung kanino 'yang anak kung hindi? I'll make your life miserable, Miss Ladeo, or worse kill your damn parents!"

Nanlaki ang mga mata ko. Umawang pa ang bibig ko. He can't do this to me!

"Hindi mo gagawin 'yan. Hinding-hindi!" please don't do this to me.

"I can. Now choose! You shut your mouth or I'll kill your parents?" tanong niya sa akin. Yumuko ako para pigilan ang luhang tutulo na naman galing sa mata ko. Bakit ganito siya? Bakit parang kinamumuhian niya pa ang pagkakaroon ng anak. Nandidiri ba siya na sa akin siya nagkaroon ng anak? Am I not worth it? Am I not enough to make him happy?

Ginawa ko na ang lahat! Lahat pero hindi pa sapat. And now? Gusto niya pang patayin ang parents ko kapag hindi ko isasara 'tong bibig ko. Ayaw niyang may makakaalam na may nabuntis siya. Sabagay, sino ba naman ako sa buhay ni Kiefer Stan Montefalco?

"You want me to shut my mouth? Sure! Gagawin ko 'yon. Walang makaka-alam kung sino ang ama ng anak ko. But do me a favor?"

"How dare you ask me a favor after..."

"Hindi ko aaminin sa anak ko kung sino ang ama niya. If you bump into him at nakita mong magkamukha kayo? Huwag mong sabihing ama ka niya and don't claim my child as yours dahil sisiguraduhin ko ring tatanggalan kita ng karapatan." Dahan-dahan akong tumayo.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero ngumiti lamang ako. Tinungo ko 'yung drawer kung saan nakalagay 'yung PT na positive ang result pati na rin 'yung result ng pagpap-acheck up ko, nilapag ko lahat 'yon sa kama at agad kong kinuha 'yung coat ko na nakasabit.

"Kung iniisip mo na niloloko kita? Tingnan mo lahat ng 'yan. Iyon lang at aalis na ako, hindi na ako magpapakita pa sa'yo at tatahimik ako, Mr. Montefalco." For the last time? Pinunasan ko ang luha ko at padabog kong sinara 'yung pintuan ng kwarto niya, pero bago pa man ako tuluyang makaalis. May narinig ako.

Isang malakas na tunog na nanggaling sa kwarto niya. Gusto ko siyang takbuhan baka kung ano na ang nangyari sa kanya, but nangako ako na hindi na ako magpapakita sa kanya.

"Fvck this! Fvck all of you!"

"You ruined my life! All of you ruined me!"

"Damn you to hell!"

Bumaba na ako ng hagdan habang nagmamadali. Alam kong may nagpapatayan sa labas ng mansyon pero sa tingin ko naman ay may naghihintay sa aking sasakyan sa labas.

"Miss Ladeo, nasa labas na po ang kotse na pinatawag ni Mr. Montefalco kanina." isang lalaking naka tuxedo ang lumapit sa akin. Tumango ako at sumunod na sa kanya.

Ito ang huling apak ko sa mansyon mo, Montefalco. Kapag aapak ako ritong muli? Luluhod kana sa akin.

"Sabi nga po pala ng Ina niyo na lilipad daw kayong States ngayon, Miss Ladeo, dahil bumabagsak na ang negosyo ninyo sa ibang bansa."

"Ano?!" gulat na tanong ko.

"Ngayon lang po namin nalaman, kapag hindi po 'yun naagapan agad? Maaaring maniningil ng malaki 'yung mga nag-invest sa kompanya ninyo at sa mga hotel ninyo." Hinilot ko ang sentido ko.

Dumagdag pa sa problema ko ang isang 'to. Hindi pwedeng malaman nila Mommy na buntis ako kundi lalo lang lalala ang sakit niya at dagdag problema na naman 'to.

College pa ako ngayon, na buntis na walang ama. Imposible! Kingina.

"Take me to the nearest pharmacy, bibili lang ako ng gamot," usal ko. Tumango naman siya pero bago 'yun? May ginawa pa siya sa cellphone niya tsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Sumasakit ang ulo ko sa mga tambak na problemang dumadating sa buhay ko.

Pagkarating namin sa isang pharmacy, lumabas ako at tinungo ang loob. Bumili ako ng gamot at tubig, tapos ay dumaan na din kami sa malapit na palengke dahil nagugutom ako. Parang gusto ko ng melon ngayon, 'yung wala sanang mga buto dahil naiirita ako sa mga butong 'yun.

"Miss Ladeo, wala pong ganu'n na mabibili rito sa palengke at lalo na sa groccery mall," lintanya niya habang humihingal pa itong pumasok sa driver seat.

"Bumili ka! Tanggalan mo ng mga buto! As simple as that," iritado kong sabi tsaka ako sumandal sa upuan. Ka-bwesit! Sinanay kasi ako ni Kiefer sa prutas na 'yon. Kabwesit talaga.

"Sige, Miss," hindi na siya umangal pa at pinagpatuloy niya na naman ang pagmamaneho patungo sa bahay namin. Kailangan ko talagang paghandaan 'yung paglipat ko sa ibang bansa. Tambak na problema ang haharapin ko ngayon.

"Hello, Miss Ladeo, may schedule ka ngayon sa Roswell Modeling."

Hinilot ko ang noo ko. Hinayaan ko ang driver na sumagot sa tawag ng Manager ko, isa pang problema 'to. I need to quit.

"Ipapa-kansel na po ni Miss Ladeo ang kontrata niya sa mga Roswell, Manager Archea."

"ANONG PINAGSASABI MO?! MALAKING KOMPANYA ANG ROSWELL AT SISIKAT KA LALO SA PAMAMAHALA NILA, RILEY SARIAH LADEO!" binanggit niya na naman ang buong pangalan ko at alam kong sa mga oras na 'to galit na galit na siya. Sumenyas ako sa driver na ilahad sa akin ang cellphone.

"Meet me at the James restu."

***

"What the fvck are you saying?!" galit na sigaw ni Archea at halos lalabas na ang ugat mula sa leeg niya. Nyeta ang ingay niya talaga kausap, inaantok tuloy ako.

"Will you please lower down your voice?" inis na tanong ko. Pero ang gaga padabog niyang nilapag sa harapan ko ang folder ng resignation letter ko sa Roswell Company.

"Dahil sa kagagahan mo! Hindi ka na kukunin ng Roswell Company."

"I told you earlier that I was pregnant. Bawal ang mga buntis na model sa kompanyang 'yun," sabi ko.

"Gaga ka kasi! Saan ang pruweba na buntis ka! Saan 'yung papel na naka-confirm ka sa hospital ha!"

Jusko ang sakit na talaga ng ulo ko.

"Miss Ladeo, bilin ng boss ko ihahatid ka na sa mansyon niyo dahil nagdidilim na rin nakakasama po ito sa kalusugan ninyo."

End of arguing.

***

BS02: The Mafia Boss Son(Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon