Chapter 19

18.6K 386 2
                                    

Third Person's POV

Nakatitig lamang sa kawalan si Riley habang ang kanyang anak naman ay nakipaghabulan sa kuting. Labag man sa kalooban niya na bumalik sa mansyon ni Kiefer ay walang na siyang magagawa, kung ano man ang plano ni Kiefer sa kanila dapat niya 'yung malaman. Alam niyang hindi ito gagawin ni Kiefer na walang dahilan, ni wala nga itong reaksyon sa drama niya, wala talaga itong pakialam kahit kailan.

"Mommy! Sari is so big na! Look at her, Mommy! She's pretty like you." Hindi maipagkaila ni Riley na masaya ang kanyang anak sa poder ng ama nito. Ni hindi na nga binanggit ni Peyton ang ama-amahan. Tila nakalimutan niya na ito.

"What is her name again?" nagkunwari si Riley na hindi narinig 'yung pangalan ng pusa. Panay kasi ang iwas niya sa pigura ni Kiefer na ngayong papalapit na sa kanila. Wala itong pang itaas na damit at mukhang kaka-exercise pa lang nito. Tumutulo din ang pawis niya habang tinatamaan ng araw ang balat.

"Sari po, Mommy!" Masiglang sigaw ni Peyton at nakipagtakbuhan na naman ito sa pusa. Mabuti na lang walang asong alaga si Kiefer kundi magkagulo talaga.

Ngumiti si Riley sa inasal ng anak, tumikhim rin siya tsaka tumingala na naman sa langit. Suot niya na ang shades. Hindi niya pinagtuunan ng pansin si Kiefer na ngayong sobrang lapit na sa kanya, naamoy niya na ang pabango nito. 

"Have you eaten?" malamig na tanong nito. Nagkunwari naman si Riley na hindi narinig si Kiefer kahit na sobrang lapit lang naman nila. Wala lang talaga siyang pakialam sa lalaki, at galit na galit parin ito sa kanya. Umirap siya ng palihim.

"I know you can hear me, Woman. Kumain ka na ba? Or may plano ka pa bang kumain? Kung wala naman. Itatapon ko lahat ng 'yun." Halata na sa boses ni Kiefer ang pagkairita ngunit hindi parin gumalaw si Riley.

Dahan-dahan siyang ngumisi, sinusubukan niya kung hanggang kailan ito magtitimpi sa kanya. Siniswerte naman siya kung susundin niya ang salita nito. Sino ba siya sa inakala niya.

"Fvck! If you don't want to eat, just tell me! Hindi na kita papakainin pa!" galit na sigaw nito at padabog itong umalis sa tabi niya. Unti-unti namang binaling ni Riley ang tingin niya sa papalayong pigura ni Kiefer, palihim siyang napamura tsaka tinanggal ang shades. Mukhang totohanin nga ni Kiefer 'yung sinabi niya na hindi niya papakainin si Riley.

Umasim ang sikmura niya. "Damn you Montefalco! Hindi mo ako madadala dyan sa bait-baitan mo!"

***
"Again, Stan! You let that woman be with you, again? Are you out of your mind?" hindi makapaniwalang tanong ni Vandeon sa kanya. Pero imbis na sumagot, nilapag niya lamang sa mesa 'yung tatlong folder.

"What is this?" naguguluhang tanong ni Vandeon. "Open it and read it." Matigas na sagot ni Kiefer tsaka sumandal sa kanyang kinauupuan. Naalala niya parin si Riley hanggang ngayon, ang tigas tigas naman kasi ng ulo ng babaeng 'yon, kaya tinapon niya talaga ang pagkain at inutusan niya ang mga katulong na itago lahat 'yung stock nila sa ref at huwag papakainin si Riley. Ganyan siya ka demonyo. Mukhang mas natutuwa pa siya sa isiping galit na galit ito ngayon at nag hehestirikal na sa gutom. Hindi niya naman intensyon na gutomin ang babae, sadyang nag-iinarte lang ito at sinusubukan siya kung bibigay ba siya o mamimilit pa.

But he's a Montefalco, walang arte arte sa kanya. Kung ayaw? AYAW.

"Where did you get this? Bakit na sayo 'to?" kunot noong tanong ni Vandeon.

"Ask my mansion." Wala sa sarili niyang sagot at nauna na itong lumabas sa opisina niya. Tinungo niya ang parking lot, pinaharotrot niya ito pauwi sa mansyon niya. Nang makarating, binuksan siya ng mga katulong, tumango pa siya sa assistant niya bago nilamon ng kadiliman ang parking space niya. Lumabas siya at pumasok ng bahay.

"Where is she?" referring to Riley. Tinuro naman ng katulong 'yung direksyon ni Riley, nakipag-harutan ito ngayon sa kanyang anak. Napakagat labi siya, sumandal siya sa hamba ng pintuan.

What a nice sight to see.

Pero agad din siyang napatayo ng tuwid nang makitang lumingon sa kanya si Riley at tumakbo papalapit sa kanya si Peyton. Tawang-tawa pa ito habang lumalapit sa kanya, hawak-hawak nito ang kuting na ngayong may headband na pink.

"Papa Kiefer!" sigaw ni Peyton at niyakap siya. Ngumiti naman siya pero hindi niya pinakita iyon sa mga taong nakapalibot sa kanila, lalo na kay Riley na ngayong mariing nakatitig sa kanila. Ginulo niya ang buhok ni Peyton.

"How's my boy?" tanong nito.

"Fine, Papa! Look at Sari! She have a new look. Mommy place this thing to her, is she look lovely, Papa?"

Tumango si Kiefer. Hindi niya maiwasang matuwa pero kaagad ding tinatago iyon, alam niya na anak niya talaga si Peyton. Magkamukha sila at pareho 'yung mga mga mata nila, may dimples din si Peyton gaya niya kaya hindi niya maipagkaila na Montefalco ang anak niya at anak pa nila ni Riley.

"Yes, son, are you hungry? Your mom? Kumain na ba?"

Nag-pout si Peyton. Tumawa naman ng mahina si Kiefer. "She hasn't eaten yet, sabi niya wala daw foods kasi tinapon mo daw, Papa, is that true?"

Umigting ang panga ni Kiefer. Such a stubborn woman, kung sana kumain ito kanina hindi ito gugutomin, it seems na siya pa ang may kasalanan sa harap ng anak niya.

Damn bitch!

"We will eat, tell to your Mama." Sagot nito. Tumango naman ang bata at agad na tumakbo papunta kay Riley. Pinasok niya naman ang dalawang kamay sa bulsa tsaka walang lingon-lingong lumakad papuntang kusina. Alam niyang pinapanood siya ni Riley pero hindi niya ito pinansin, galit ito sa pag iinarte niya. Kung sa tingin niya makakalabas siya dito. Nagkakamali siya.

"Do you think you can kill me, Riley?
You can't."

Pinagmasdan niya ang mga katulong na naghahanda na ngayon sa lamesa, umupo siya sa gitnang upuan. Walang emosyon niyang tinapunan ng tingin 'yung mga tauhan nyang nakapaligid sa buong mansyon, mas naging alerto ito ngayon dahil takot silang mabangisan na naman ni Kiefer dahil sa mga tauhan nitong palpak noon sa pag bantay kay Riley.

Maya-maya pa ay naamoy niya na ang pabango ng babae na tumatama sa ilong niya, mahigpit niyang hinawakan ang tinidor. Tumikhim pa siya para iwasan ang amoy nito pero tila hindi yata mawawala. Kaya mabilis siyang tumayo.

"I'll take my bath first, you should eat first." Walang ganang sabi niya tsaka ito umakyat patungong kwarto niya.

"Damn that witch!"

Pero bago pa man siya tuluyang maka-akyat, narinig niya ang halinghing ng babae.

"Is he mad at me, baby?" tanong ni Riley sa malambing na boses.

"Nope! Papa is not mad at you, Mommy. Why?" tuwang sagot naman ng anak nya.

"I think he is, he's avoiding me."

"WAIT? Ano tawag mo sa kanya?" gulat na tanong ni Riley na mukhang natauhan. Ngumisi naman si Kiefer ng palihim. Hindi niya na hinintay na sumagot si Peyton, hinakbang niya ang mga paa papasok sa kanyang kwarto.

***
So guys! Wassup😂chour keep reading.
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

BS02: The Mafia Boss Son(Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon