Someone's POV
"Where is she? She's not answering my calls! May plano pa ba siyang sumipot sa laban na 'to!" iritableng sigaw ng Boss namin. Even me kanina pa ako naiirita, hindi niya parin sinasagot ang tawag ko. Balita ko na magbo-boracay daw sila kaya't inunahan na namin sila. Hindi pwedeng ganito lagi, hindi pwedeng maging palpak ang lahat.
"Sa tingin ko...oo. Why don't you chase her instead?" tanong ko. Sinamaan naman ako ng tingin ng Boss namin. Tinatago niya lang talaga ang malalim na pagtingin niya sa queen namin, galit na galit nga ito ngayon dahil hindi ito sumasagot at sa tingin ko mas lalo itong magagalit kapag malaman niyang kasama nito ang ama ni Peyton.
"Why don't you call her again, INSTEAD?" mariin na tanong niya. Umirap na naman ako at hinarap muli ang monitor. Kasama ni Riley ang punot dulo nito, kasama niya ang mga taong dapat noon ay patay na. Maswerte lang talaga sila dahil pinalampas naman ito noon, ngayon hindi na.
"She's with Montefalco, right?" tanong ng isa naming kasamahan. Inismiran ko si Ali tsaka binalik na naman sa monitor ang tingin. Hindi pa ba halata? Can't he see this? Si Montefalco ito! Kasama ni Riley. Buwesit, bulag yata 'to.
"I'm just asking, Queenie. Galit agad?"
"Just shut up, okay! Just fvcking shut up!"
***
Riley's POV
Kanina pa umiikot ang mata ko dahil sa dalawang taong nasa harapan ko. Kanina pa sila nagba-bangayan kung sino ba ang tatabi sa akin, nakisali na nga rin sa kanila si Hanna pero tila hindi yata magpa-paawat ang dalawa. Si Alfonso tila naging lalaki bigla habang kaharap si Kiefer na ngayong umiigting ang panga at masama ang tingin sa kanya. Kita ko pa ang panginginig ni Alfonso pero sadyang matigas ang budhi ng bakla. Nakipaglabanan pa kay Kiefer.
"Mr. Montefalco, hindi naman yata makatarungan kung kayong dalawa lang ang tatabi 'diba? Kawawa naman 'yong mga kasama mong boylet kung iiwanan mo sila. Malaki pa naman 'yung space doon sa room niyo kaya hindi na kailangang tumabi kay Riley since we both girls, okay lang na tatabi ka..."
"Are you fvcking serious? Don't test my patience, Alfonso! I can kill." Mas lalong nagtimpi ngayon si Kiefer kay Alfonso. Miski ako ay kinakabahan na sa kanilang dalawa. Nakakaloka. Sa totoo lang, hindi ako sanay na may lalaking tumatabi sa akin. Kahit na si Alfonso ay hindi ko pinapayagang tumabi. Ewan ko nga bakit humantong sa ganito ang pagtatalo nila.
"Tama na 'yan, Kiefer. Ikaw, Alfonso tatabi ka sa mga lalaki." Sabi ni Hanna pero mali yata ang sinabi niya dahil kaagad na umasim ang mukha nito.
"No way! Babae ako, Hanna! Hindi ako ganu'n kababa! Paano na lang kung ma- rape ako? Ayoko pa magkaanak, 'noh!"
Sinapak ko siya sa noo kasi nag-aasume na naman ang Lolo niyo. Inangat ko ang tingin para salubungin 'yong titig ni Kiefer, sinamaan niya ako ng tingin sabay hila sa kwelyo ni Alfonso mula sa likuran.
"Ano ba! Harassment ito,bMontefalco! Bawal hilahin ang mga babaeng dyosa! Ano ba!"
Umiling na lamang ako sa kaartehan ni Alfonso. Tumingin ako kay Hanna at sabay kaming natawa. Noong una sobrang seryoso nila, akala ko nga hindi na sila titigil pero mukhang nagkamali ako, pakulo lang yata 'yon ni Alfonso para galitin si Kiefer. Bwesit na bakla.
"Daming arte! Ang totoo naman niyan gusto niya lang talagang makahipo kay Kace, eh!" humalakhak muli ako sa sinabi ni Hanna kahit hindi ko kilala kung sino si Kace duon sa mga kaibigan ni Kiefer. Lahat sila gwapo pero mas angat si Kiefer sa kanila para sa akin. Tsk, bakit ko naman iniisip ang lalaking 'yon. Kakaimberna.
Nang sumapit na ang gabi, kani-kanya na kaming pumunta sa cottage na kinuha namin. Hinayaan ko muna si Peyton na makasama 'yong mga pinsan niyang naglalaro. Honestly, hindi naman dapat sila mag-pinsan kasi kaibigan ko lang naman sila, but since naging pamilya ko na sila wala nang bago roon. Still, they're cousins. Bitbit ko ang macaroni sa kamay habang kasama ko namang naglalakad si Alex na may dalawang karne. Mula sa kinaroroonan namin rinig na rinig namin 'yung hiyawan ng mga kasamahan namin, may kumanta pa nga sa videoke, hindi ko nga lang alam kung sino iyon.
"Nag-usap na kayo? Ayos na kayo?" tanong ni Alex.
"Yeah. I already forgive her; we're just humans, Alex. We make mistakes, and I'm sorry."
"Nah, Ayos lang 'yun, ano ka ba!" tumawa kami hanggang sa narating na namin ang nireserba na cottage. Nilapag namin sa lamesa ang dala tsaka tumingin sa mga kasamahan naming basa na.
Naka two piece na puti si Penelope, hapit na hapit ito sa kanyang katawan, hindi siya mataba sa halip ay para parin siyang dalaga, ganu'n din si Carmela at Hanna na nasa likuran niya, naka blue na two piece si Hanna at pula naman ang kay Carmela. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganyan ang mga balat at katawan nila, dumaan naman 'yan sa pagmomodel kaya't hindi na kataka-taka.
Si Alex at ako ay naka suot na ng two piece ngunit natatakpan ito ng roba. Wala pa ako sa mood ngayong maligo lalo na't sobrang lakas ng hangin, sobrang lamig. 'Yung mga kasama naming mga lalaki basang-basa na at napagtanto kong si Kiro pala iyong kumanta kanina. Kaya pala, boses babasagin.
"Oh Riley, hindi pa kayo maliligo ni Alex?" pansin ni Penelope sa aming dalawa ni Alexandra. Inangat ni Alex ang mukha niya at sumenyas siya kay Penelope na mamaya na, ganu'n din naman ang ginawa ko. Mukhang naintindihan niya naman.
"I'm dying to see your body, Riley! It's been what? It has been years since I last saw your body! Kyah!" hiyaw ni Hanna. Tumawa kaming dalawa ni Alex at hinayaan siyang mag-histerikal.
Busy kami ni Alex sa ginagawa. Kami ang nagluto at nag-prepare ng mga pagkain sa lamesa, habang 'yong mga kasama namin ay lumalangoy na. Tinakpan ko ang kanin at mas lalo kong diniin ang roba sa katawan ko, sobrang lamig na kasi talaga. Grabe naman 'yung hangin! Ang lakas.
"Where's Peyton?" muntik akong napa-talon dahil sa gulat. Hinarap ko si Kiefer sa likuran. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Beach, naliligo. Why don't you join him?" tanong ko. Mukhang wala rin yatang balak na maligo ang isang 'to. Hindi pa basa ang katawan niya pero ang bango bango niya. Infairness! Mas lalo siyang gumwapo ngayon sa paningin ko.
"Let him enjoy." Bulong niya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at du'n ko na naamoy ang alak sa kanyang bibig. Umirap ako ng palihim bago siya nilingon muli, pero mali yata 'yung ginawa ko dahil sobrang lapit na ng mukha namin. Ang matangos niyang ilong ay tumama sa ilong ko, isang dangkal na lang maghahalikan na kami. Gusto ko siyang itulak pero tila umaasa ang mga mata ko na hahalikan niya ako. Shit, Riley! Ang harot harot mo naman.
"Ah, you smell so good, Riley." Bulong niya muli sa akin at naramdaman ko ang kamay niyang dahan-dahang pumasok sa robang suot ko. Nanigas ako sa ginawa niya subalit hindi ko pinansin iyon. Hinayaan ko lamang siyang gawin 'yun. Argh Fvck!
"I want you so bad, Riley. I want this lips smash into mine." Bawat salitang binibitawan niya, siya namang pagbaba ng kanyang kamay. Naging sanhi iyon ng pagtaas lahat ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa marahan niyang haplos sa aking hita. Kay-bigat din ng kanyang mga binitawang hininga. Gusto kong umiwas, kaya lang... nag-paubaya na ang buong katawan ko.
Mas lalong nilapit ni Kiefer ang kanyang labi sa labi ko at huli na... nahalikan niya na ako. Bawat galaw ng kanyang labi sa labi ko nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko mapigilang hindi tumugon, ang lambot ng kanyang labi, nakakalunod. Tangina.
Ginapang niya ang kamay niya sa hita ko pataas na naman sa tiyan ko. Suot ko pa ang two piece na itim ngayon, huhubarin ko ito mamaya kapag gusto ko ng maligo. Tangina naman kasi Kiefer. Tila gusto kong nang maligo ngayon dahil sa init na naramdaman.
"Hmm...Sweet." Bulong niya na naman at ang isang kamay niya ay nilagay niya na sa ulo ko. Akmang hahalikan na sana muli ako sa leeg nang may taong tumikhim sa likuran namin kayat naitulak ko siya palayo sa akin tsaka inayos ang sarili, ganu'n din ang roba kong nabuksan na.
"The fvck is your problem, Santford!" galit na sigaw nito sa lalaking barkada niya. Wala itong pinakitang emosyon sa amin, blanko ito. Siya ang pinaka-seryosong lalaki sa magbabarkada.
Iritadong tumayo si Kiefer mula sa upuan.
"Don't you dare take this off," sabi niya habang hawak ang roba. "I don't want any man staring at you except for me." Malambing na sabi niya tsaka binigyan ako ng halik sa labi bago umalis.
Natulala ako sa sinabi niya. Sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Arghh ano na naman kaya 'to? Anong pakulo na naman 'to, Kiefer Montefalco?
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!