Napansin ko ang pag iwas ni Drey sakin sa school maging ang mga kaibigan ko ay hindi niya kinakausap at napansin ni Jeorgina ang pagiging malungkot ko sa araw na iyon "Margarette are you okay? Lagi kang tulala ah. Diko gusto yan! Mag sabi ka sakin makikinig ako" ayan na naman ang luha ko babagsak na naman sila! Kailangan kong pigilan kase andito kami sa school!
"Bessyy I am falling madly and deeply to Drey! I don't know what to do! I ask him yesterday kung ano ba ako sa kanya ang naging sagot niya lamang ay sa prom ko daw malalaman! Naiinis ako sa kanya bakit niya ako iniiwasan ngayon? Baka kaibigan lang talaga ang turing niya sakin?"
Diko napigilan ang sarili ko naiiyak na ako niyapos lang ako ni Jeorgina pinapakalma niya ako dahil alam na alam niya kung pano gawin yun."it's okay bessyyy baka naman sa prom mo talaga malalaman yung sagot niya? Nag overthink ka lang siguro" kumalma ako sa sinabi niya siguro tama siya I shouldn't be stress like this! Margarette ngayon pa ba? Kailangan mo maging matapang diba!
Nag smile ako kay Jeorgina at kinalimutan na lang yung iniisip ko baka tama siya baka nag overthink lang ako sa mga bagay-bagay dahil ganun ko kagusto si Drey..Nag lalakad ako papuntang parking dahil nag pasundo ako kay Manong Driver at andun si Drey nakatingin sakin parang may hinihintay. Teka ako ba hinihintay nito? "Kaila uhm sorry kase hindi ako nag paramdam sayo kahapon alam kong nag worried ka sakin. Sorry talaga" malapit kami sa isa't isa hindi ako makagalaw natutulala na naman ako pero naiinis ako sayo Drey! Bakit kailangan mo gawin yun? Bakit hindi mo agad nasagot ang tanong ko? Ang tanging nasagot ko na lang ay "Okay lang naman sana man lang nag message ka hindi yung pinag-alala mo pa ako tapos umiiwas ka pa sakin" yun na lang ang tanging naisagot ko! "Don't be mad at me Kaila please alam kong galit ka at naiinis sa ginawa ko pero please don't be." Naiiyak na naman ako! Bwisit na luha to! Diko mapigilan!!
"Okay lang Drey ahm bukas? Ikaw pa din ba date ko or hindi na?" matapang kong sinabi ng nakataas ang kilay na siyang kinagulat ni Drey!
"Oo naman ako pa din! Ako susundo sayo bukas okay?" Napansin kong dumating na si Manong Driver at agad naman akong pumasok sa Xpander namin.Kinaumagahan ay nasa sala na pala ang aking gown at nakahanda na ang breakfast pinakuha na ni Lala kay manong ang aking gown at napakaganda ng design talaga! Isang elegant sweetheart mermaid gown ang napili ko dahil ayoko ng masyadong bongga pero napakaganda ng isang ito! Iba sa picture dahil mas simple doon sa personal at masyadong maganda!
"Kumain ka na Apo at ng makapag beauty rest ka na mamaya andito na si Gwen para ayusan ka!" natawa naman ako kase si Lala mas excited pa sa akin! HAHA! "Nga pala apo si Drey? Anong oras ka susunduin?" nawala sa isip ko si Drey siya nga pala ang date ko! Juskooo!"Good Morning Kaila ko! Wag ka ng magalit okay? Around 6:00 pm kita susunduin. Dimo na kailangan mag pa ganda kase masyado ka ng maganda!" Masyado kang bolero! Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin ha! Pero at least napangite naman ako! Hay nako!
Nag shower ako at nag basa ng konti sa libro nag tanong din ako sa group chat namin kung okay na ba sila at kahapon pa daw! HAHAHA!
Andito lang ako sa kwarto at ng nadinig kong andyan na si Ate Gwen sa baba ay nag suot ako ng shorts at white polo para madali na lang mamaya hubadin. 3:30 na nung dumating siya nag beso ako sa kanya at pinag meryenda muna kami ni Lala bago ako simulan ayusan. Si Ate Gwen ang personal make-up artist namin kaya gamay na niya ang mukha ko kung paano ayusan gayung wala akong alam sa pag aayos dahil lipstick at powder lang ang everyday routine ko sa school.
Nag simula na si Ate Gwen mag lagay ng kung ano-ano "Hindi ka naman mahirap ayusan dahil maganda ka na Kaila HAHA for sure ikaw pinaka maganda doon!" natawa naman ako sa sinabi ni Ate Gwen!
Habang may inilalagay siya sa matangos kong ilong at tapos na niyang lagyan ang aking mabilugang mga mata at maninipis kong labi naman ay pulang lipstick! Inayos niya ang akin mahabang brown na buhok para kulutin at ang gusto ni Lala at nakapusod sana para malinis tingnan. Nag bihis na ako suot ko ang mga binili kong accessories at humarap sa salamin. All is perfect!
Andyan na daw si Drey sa sala sabi ni Lala ng pinuntahan ako sa kwarto ko."Damn! You look perfect Margarette!" agad akong sinalubong ni Drey para tulungan dahil medyo mabigat ang gown ko. "Thanks" tipid akong ngumiti sa kanya. Nag bless si Drey kay Lala ng paalis na kami. Wow napakabait ah! "Ingat kayo Apo ha! Drey ingatan mo si Kaila." at umalis na kami ni Drey sakay sa kanyang Pajero.
Kinakabahan ako diko alam kung bakit! Habang papalapit kami ay biglang nag salita si Drey "Flowers for you Kaila" napa smile naman ako e! "Nahihiya ako kanina ibigay kase andun si Lola mo haha" grabe kinakabahan ako diko alam kung bakit!
Dumating kami sa venue at napaka perfect naman ng prom na ito! May photographers agad na humarang samin sa entrance at lalo akong nanlamig ng hawakan ni Drey ang aking bewang! Shit! Kalma Kaila!
Nakita ko na agad mga classmates namin pati mga kaibigan ko! Lahat sila ang gaganda at ang gwa-gwapo! Naks! "Okay kumpleto na tayo guys so let us take a picture na agad!" Sabi ni Geez na ako na lang pala ang kulang samin! Nag beso ako sa kabilang lahat at binati din sila ni Drey "akala namin ibang hotel na pinuntahan niyo ang tagal mo kase Kaila" uminit ang pisnge ko sa sinabi ni Alexander! Grrr!
"Sana nga kung papayag si Kaila" seryosong sabi ni Drey na siya lalong ikinahiya ko! "Ewan ko sayo Drey!" Galit kong sambit sa kanya at tumigil ang biruan ng nag simula ng mag speech lahat ng Faculty Members, Principal at mga President ng Organisation. All is well naman!
Habang tumugtog ang live band ay siyang ikinatuwa namin! Lahat ng Senior ay masayang masaya kagaya namin!Hinigit ako ni Drey papuntang labas at andito kami sa garden ng hotel biglang may umilaw! May ayos ang garden! Nawala si Drey nasaan siya? Puro kandila at roses na ang bawat gilid papuntang isang mesa at andun din mga kaibigan ko nakangite sila! Si Drey nasa harap ko na din at nag simula siyang mag salita... Shit ito ba yung pinag kaabalahan niya??
"To my Kaila Margarette alam kong matagal mo na akong gusto pero alam ko ding may gusto ako sayo pero wala akong lakas ng loob! It's been a year ng simula kitang pantasyahin at titigan araw-araw sa ating klase sa cafeteria sa gym! At Diko inexpect na aabot ako dito! Yung tanong mo na ano ka sakin? Margarette..." hinawakan niya ang kamay ko..
"you are my girl, my dream and my future" naiiyak ako! hindi pwedeng masira ang make-up ko pero huli na! "Ikaw ang babaeng gusto ko at kahit kailan man walang makakapantay! I will wait Margarette handa kong hintayin ang panahong pwede ka na na pwede na tayo" he gave me a ambush gold heart necklace! I was speechless! "I love you Drey!" ayun na lang ang nasabi ko at bigla niya akong niyakap!
All my close friends are there kami lang ang andito sa garden! Nag sigawan sila na kumuha ng atensyon namin ni Drey.
This prom was a memorable night I ever had!! Sobrang saya ko!
Drey is officially courting me! Masaya kami at alam kong hindi kami nag mamadali! Pero pano si Mommy? Pano ko sasabihin sa kanila to? Bahala na...This night was so memorable! Nag pasukan kami ng hinanap kami ng teacher namin at nag party sa loob ng hotel. Masaya kami ni Drey at masaya ako ngayong gabi! Walang makakalapit nun. "Iuuwi kita ng maaga baka hinihintay ka na ni Lola mo" may message na nga galing sa bahay at agad nakong mag paalam sa mga kaibigan ko at kay Jeorgina "besssyyyy ingat kayo ha! I'm happy for you! Basta Drey ingatan mo bestfriend ko ha! Wag mo papaiyakin yan!" HAHAHA loko talaga ni Jeorgina "oo naman mamahalin ko yan araw-araw" uminit ang pisnge ko sa sinabi ni Drey!
"Gawin mo wag ka puro salita" may badyang pag hahamon sa sinabi ko! HAHAHA!
BINABASA MO ANG
Ikaw noon, hanggang ngayon
JugendliteraturNaranasan mo na bang ma in love? Tapos kapag in love ka na iiwan ka na niya! Oh yung tipong mahal mo siya pero nag hanap pa siya ng iba? Matatapos ba itong storya niyo ng magkahiwalay kayo? Ipag lalaban niyo ba ang pag-ibig na inyong sinimulan? Oh...