(Chpter 7)

6 0 0
                                    

Malungkot akong bumaba kinabukasan sa kitchen, habang kumakain ay madami akong iniisip si mommy, ang Manila at si Drey. Pano na?? "Kaila ano ba talagang meron sa inyo ni Drey?" seryosong tanong ni Lala sakin. Open ako kay Lala at first time ko mag kwe-kwento sa kanya about my love life.
"La, alam mo naman pong first suitor ko si Drey at yes we're dating na po. Lala mahal ko po siya e at ang hirap lang po na malayo sa kanya." nasasaktan ako sa bawat bigkas ng aking bibig at tinatapangan ko para maiwasan ang luhang gusto ng pumatak.

"I know apo at mukhang seryoso siya sayo nakikita ko yun nung nakausap ko siya. Pero apo naiintindihan ko din Mommy mo kung bakit siya ganon ka protective sayo."

So ako hindi nila ako naiintindihan? Why this is so unfair? Bakit hindi na lang nila ako hayaan maging masaya! At anong nakausap ni Lala si Drey? Kailan??

"Lala I don't know what to do 2 months na lang ay aalis na ako after my moving up at ayokong malayo kay Drey alam mo yan La."

Sa dami kong iniisip ay hindi ko na naisip na i text si Drey o di kaya'y tingnan ang aking cellphone. Practice lang ang gagawin namin ngayon sa school kaya isang plain white shirt at black pants lang ang suot ko at white Nike sneakers ang pang baba. Halos wala akong dalang gamit dahil wala na din kaming klase. Pumasok ang kotse namin sa parking ng school at agad naman akong bumaba.

Natanaw ko agad ang isang lalaki na mas matangkad sakin naka plain black shirt at black maong pants nakatitig siya sakin na para bang galit o di kaya'y may tampo sa mga mata. Gusto ko sana siyang iwasan ng bigla niya akong hinatak sa gilid ng puno sa may open field malapit sa parking buti na lang at wala masyadong estudyante ngayon!

"Bakit hindi ka nag memessage? Kagabi ka pang walang paramdam Kaila. Bakit?!" nagulat ako ng medyo tumaas ang boses niya na parang ilang taon akong nawala!

"Drey I'm sorry." yun lang ang nasabi ko at bumaba ang tingin sa sapatos ko.
Hindi siya nag salita at ganun din ako ramdam ko ang pag hinga niya ng malalim na tila ba'y galit na galit!
"Kaila I was worried. I tried to call you pero dimo sinasagot. Akala ko iniwan mo na ako."

Lalo akong napako sa aking kinakatayuan at parang may kirot sa aking dibdib. Pano na lang kapag lumayo ako? Baka mas grabe pa dito ang gawin niya! Pinipigilan kong maiyak sa harap niya.

"Drey I said I'm so—" hindi pa ako natapos ay dinampian niya ako ng mainit na halik na siyang ikinatunaw ko. Para akong nawalan ng problema sa halik niya.

Nakalimutan kong aalis ako, nakalimutan ko si Mommy ang lahat ay nakalimutan ko dahil sa ginawa ni Drey.

"Babe please don't do that again okay?"

Tumango ako at bigla niya akong niyakap at hinalikan sa aking ulo.
Drey is my first crush and I can't imagine na dumating na agad kami sa point na ito gayong hindi pa naman kami! He hold my hand and gave me a ring. Na parang nalaman niya kung ano ang iniisip ko.

"From now on Kaila you are mine okay? Hindi na ako makapag hintay na buuin ang pangarap ko kasama ka. Alam kong mabilis ang lahat pero Kaila noon pa man kahit may ibang babae akong nakakasama" he chuckled "ikaw ang nasa isip ko palagi na torpe ako kase baka ma reject ako sayo."

Lumuha ako sa tuwa dahil sa mga sinasabi ni Drey. Tinitingnan ko ang singsing na may diamond sa gitna at may nakaukit sa loob na dalawang puso na nasa loob ay "K&D" parang sinadya talaga! Niyakap ko si Drey ng mahigpit lahat ng lungkot ay isinang tabi ko. Ayoko muna malaman niyang aalis ako. Sasabihin ko pero di ngayon.

"I love you" he whispered and gave me a quick kiss on my lips.
"I love you too Drey" sabay ngiti sa kanya at kumalas sa yakap para mayakag na siya sa building kung saan kami mag titipon tipon.

Buti na lang ay maaga pa at nasa faculty pa daw ang teacher na siyang MC sa aming moving-up. Mag ka holding hands kami ni Drey habang papalapit kila Jeorgina at ang bestfriend ko at ngising ngisi na parang alam niya ang nangyare kanina.

Niyakap niya agad ako "congrats bestyyy! Finally may boyfriend ka na!" Nagulat ako dahil hindi pa ako nag sasalita. I look at Drey na napakamot sa ulo at ngumite! Omyy! Talagang sinabi niya muna kay Jeorgina bago ako pasagutin! "I told her na gusto na kita maging akin kaya naman huminge ako ng basbas pati na din kay Lala hehe" he smirked na parang! Omyyyy! Pati si Lala??! Hay nako iba talaga mag plano si Drey! Alam din ng mga kaibigan ko ang plano niya! As usual lagi naman kasabwat mga yun.

Hinawakan ni Drey ang waist ko at inilapit sa kanya "Babe I'm hungry hindi ako nakakain kagabi dahil kakaisip sayo. Can we go to Caf first? Before we attend to the practice please?" uminit ang pisnge ko sa "please" niya e kase naman ang lapit lapit ng mukha niya sakin!

"Sure" tipid akong sumagot at nag paalam saglit kila Jeorgina.

"Thank you bestfriend! Hays dipa din ako makapaniwala e. By the way kakain lang daw si Drey sa Caf then balik agad kami." Bago kami umalis sa room ay nakita ko ang email ni mommy about sa papasukan kong school. Tinago ko ang cellphone ko at binalewala yun.

Habang kumakain kami ni Drey ay hindi nawawala ang ngite sa kanyang mga labi na para bang nanalo sa lotto!

"I'm still shocked haha" pambasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"I know and you're so cute kase everytime I stalking you here in school tawa ka lang ng tawa with Jeorgina o di kaya'y nag-aaral sa library tapos kapag PE sobrang pula mo lagi hays! I'm so inlove with you talaga Kaila." HAHAHA! Stalker! Parehas pala naming gusto ang isa't isa noon pa man pero sabi niya kanina ay parang wala siyang pag-asa sakin bakit kaya?

"Bakit hindi ka pa noon lumapit sakin kung ganon?"

Naging seryoso ang kanyang mga mata at tumitig sakin. "Wala akong lakas ng loob dahil alam kong wala kang nagugustuhan at nababasted lahat ng nanliligaw sayo! Natakot ako." HAHAHA! We are both laughing until we finished our food.

Buong araw kami mag kasama ni Drey at para bang hindi matatapos ang tawanan namin na parang ilang taon na kaming nag sasama. Hays.

Nag simula ang practice ay naka tatlong ulit kami doon dahil may ibang pasaway na na la-late o di kaya'y hindi nakakasabay sa sinasabi ng teacher. HAHAHA! Seing my classmates, friends and Drey walking to the stage ay parang ka'y sakit dahil sa apat na taong naming pagsasama ay para na din kaming isang pamilya. Nasa pangatlo sa likod ng chair ko si Drey dahil alphabetical at medyo malayo siya. Kinuha niya ang cellphone niya at may tine-text

"Bakit ka tulala? Iniisip mo ba ako?" Ang kapal talaga ng isang to! Tumingin ako sa kanya na naiinis at nag reply ng.
"Wow! Hindi no!" Sabay belat sa kanya! Huh! Kala mo ha HAHAHA!
"Ang sweet talaga ng girlfriend ko kaya mahal na mahal kita e" biglang uminit pisnge ko doon! Bawat galaw at salita niya ay siyang nag palakilig sa akin. Napangite ako at nagulat ng may humawak sa bewang ko. Alam ko na agad kung sino dahil sa pabango!

"Babe you want to go to the mall?" maaga pa nung natapos ang practice at ang nandun na lang ay ang mga kaibigan ko si Jeorgina ay pupunta kila John dahil dumating daw ang magulang nito galing States.
Naisip ko si Mommy. Hindi siya uuwi dahil busy siya. Si Lala mag hahatid sakin sa stage. Nag tatampo ako kay mommy dahil kapag birthday ko lang siya nariyan o kaya'y kapag may business siya dito sa Pilipinas.

"Tulala ka na naman. May problema ba? Napapadalas na yan nahahalata ko." seryosong tanong niya habang binuksan ang pintuan para sakin.

Ayokong mag isip siya at umaktong ayos lang ang lahat. Kailan ko ba sasabihin kay Drey? Maybe after moving up.

"Wala babe I'm just thinking kung ano kakainin ko sa Mall hehe." sabay pasok ko sa kanyang kotse. Inayos ko ang seatbelt ko at umalis na kami patungo sa isang Mall.

Pag uwi ko sasabihin ko kay Lala lahat ng ito at alam kong gusto niya din makinig sa kwento ko tungkol sa amin ni Drey.

Mahirap man para sakin ang sitwasyon namin ni Drey masaya pa din akong pinag landas pa din kami ng tadhana kahit imposible na maging akin siya.
Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay ang maging masaya kasama si Drey at bumuo ng mga memories namin habang dipa ako umaalis..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw noon, hanggang ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon