(Chapter 6)

8 0 0
                                    

Masaya ako habang pauwi sa aming bahay hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Lala ang lahat at paano na si Mommy? Buti na lang ay open ako sa aking Ate kaso busy siya ngayon madami siyang tina-trabaho doon.
"Tulala ka na naman. Anong iniisip mo?" sabay hawak sa aking kamay.. "ah wala Drey" sabay ngiti sa kanya..

Mabilis ang naging gabi naming dalawa at mabilis ang lahat ng nangyare hindi ko akalain na nasa akin na nga si Drey parang nabigla pa din ako sa mga nangyayare. Pero masaya ako at mahal ko si Drey..

Dumating kami sa bahay nag paalam ako sa kanya "Ingat ka pag uwi ha! Wag mo na uulitin yung ginawa mo!" ngumite siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin "opo hindi na mauulit tsaka surprise yun kaya kalimutan mo na yun. Okay?" Paano ko kakalimutan yun? Eh natakot ako ako dun! Akala ko tuluyan ng malalayo sakin si Drey!
"Basta wag mo ng uulitin! Thank you Drey sa gabing ito" and I gave him a smile bago tuluyang umalis sa sasakyan niya. "Pumasok ka na wag mo ng hintayin na makaalis pa ako Kaila." kumaway ako at pumasok na sa aming gate ng naka ngiti!

Naligo ako at tuluyan ng nahiga sa aking kama. Tulog na si Lala nang umuwi ako..

"Nasa bahay na ako tapos na din maligo, gising ka pa? Tatawag ako" agad akong napabangon! Kinikilig na naman ako! Inayos ko ang sarili ko at agad sinagot ang tawag ni Drey.

"Hello" malambing kong sabi ng sinagot ang kanyang tawag "Hey dika pa ba pagod?" Inayos ko ang buhok ko at di matanggal nag ngite sa aking labi! "Hindi pa naman" pero sa totoo lang ay pagod at antok na ako! Pero gusto ko pa siya kausap!
"Mag pahinga ka na tumawag ako para madinig boses mo" I bit my lower lips to avoid the smile! Ugh Drey bakit ka ganyan?? "Uhm okay-okay ikaw din mag pahinga ka na ha." Gusto ko ng sumigaw sa kilig!!
"Opo! Good Night Margarette."

Diko alam pero napapangite ako hbanag binabanggit niya ang pangalan kong iyon! Hindi ako sanay HAHAHA!

"Good Night Steve! Hahaha!" Tumawa siya bago patayin ang tawag at mahimbing akong natulog.

Lumipas ang mga araw at nag daan ang aming Final Examination nagiging abala ang lahat dahil sa darating na Moving-Up next month at maging kami ni Drey ay nag susulit na mag kasama dahil kaunting araw na lang ay bakasyon na!

Nasa cafeteria kami ni Drey dahil busy si Jeorgina at John at ay kami muna ang kumain dalawa. "San ka mag Se-senior High?" Agaran niyang tanong na napa isip din ako kung saan nga ba?

"Diko pa alam wala pa akong pinupuntahang school." tumango siya na umagaw ng atensyon ko. Bakit niya tinatanong? "Bakit mo tinatanong nga pala? Matagal pa naman ah" sabay kain ko ng sandwich.
"Wala naman, pano pag lumayo ka? Eh hindi naman ako aalis dito. Edi mag kalayo tayo?"

Naisip ko na din iyan noon may posibilidad na lumayo ako dahil yun ang gusto ng aking Mommy pero parang gusto ko na lang siya pilitin na wag na lang na gusto ko dito dahil andito si Drey!

"Diko pa alam Drey wag na lang muna natin isipin yun." ngumite ako sa kanya at siya naman ay nanatiling seryoso ang tingin..

Last day ngayon ng amin pagsusulit buti na lang ay nag-aral kami ng mga kaibigan ko. I'm always on the Honor List pero hindi nangunguna! Minsan ay pangatlo o padalawa halos hindi lumalayo ang average namin ni Jeorgina iyong si Marika naman ang laging Top 1 since we're Grade Seven! Galing diba?

"Class I have some announcement nga pala sa mga incoming grade eleven ngayon na dito papasok ay mag fill-up na ng form doon sa Registrar Office natin para magkaroon kayo ng Slot at makapamili na agad ng mga kukuhanin niyong Strand!"

Napa isip na naman ako siguro ay maiging sabihin ko muna mamaya kay Mommy na dito ako pumasok para dina ako lumayo! "Bessyy saan ka papasok ng Senior High?" out of nowhere kong tanong habang nag aayos ng gamit para makalabas na ng classroom. Si Drey ay laging nauuna sa labas at doon na lang ako hinihintay kasama si John.

"Hindi ako dito bessyy e nakausap na ni Mommy si Tita sabi niya ay baka daw ikaw din ay hindi dito?" Bigla akong nalungkot ng hindi nga ako dito papasok hays. "Diko pa nakakausap si Mommy pero kung ako papapiliin ay gusto ko dito. Alam mo na HAHA" tumawa na lang ako para maiwasan na ang pagka lungkot sa aking mukha "ay sabagay bestfriend kase kami ni John baka mag kasama pa din e sa college na siguro kami mag kakaiba ng school! Hahaha"

"Ang sasaya niyo girls ah!" Napansin ni Drey na tumatawa kami habang papalabas ng room. "Mauna na ako bessy ha!" Sabay beso sa akin. Kumaway naman ako.
"Tara na? Baka hapunin ka masyado magalit na naman si Lala HAHAHA" hinampas ko siya ng mahina sa balikat at tumawa! Pero sa totoo lang ay nahihirapan na agad ako kung saan ako papasok ng Senior High!

"Nakapag fill-up na ako sa Registrar kanina habang hinihintay kita sa labas buti na lang ay umabot ako sa office hour haha!"

Napaisip na naman ako! "Anong pinili mong Strand kung ganon?" Sabay tingin sa kanya para hindi niya mahalata ang aking pag-iisip. "Engineer sana ang gusto ko ang pangalawa naman ay sa pag bi-business" hindi na ako nagulat dahil alam ko namang matalino siya at mayaman! Kayang kaya niya yun!

"Wow buti ka pa alam mo na ang gusto mo pero ako wala pa din HAHA!"

Iniiwasan kong itanong niya ulit kung saan ako papasok dahil alam kong masakit man isipin kapag nag kalayo kami ay alam ko ding madaming nagbabago. Kahit may tiwala kami sa isa't isa ay iba pa din yung mag kasama kami! Hays...

"Thanks Drey. Ingat ka pag uwi ha?"

Paalam ko sa kanya at lumabas na ng kanyang sasakyan. Madalas nakong hindi nag papasundo kay Manong dahil gusto ni Drey na siya na nga ang mag hatid sa akin.

Pagpasok ko ay kausap ni Lala si Mommy sa IPod niya "Hello Mommy. Good Afternoon po!" bati ko sa kanya habang tinitingnan siya sa kabilang linya. "Good Afternoon nak. Nakapag decide ka na ba ng Strand mo sa darating na Senior High?"
Ito na parang gusto ko na sabihin kay Mommy pero nag salita ulit siya "inaayos ko na papers mo para sa Manila ka sana mag-aral ng Senior High kasama ni Jeorgina" agad bumagsak ang dalawa kong balikat at nalungkot. Sabi ko na nga ba eh! Hindi ko ikinatutuwa na doon ako papasok dahil malalayo ako kay Drey. Masyadong malayo ang Maynila dito sa Batangas!

"Uhm mommy hindi po ba pwedeng dito na lang din ako pumasok sa Batangas?" lakas ng loob kong sinabi at tumingin kay Mommy. Binaba niya ang ballpen at papel na hawak niya na ikinagulat ko. Natatakot ako sa susunod niya lang sasabihin.

"Bakit Kaila? May boyfriend ka na ba dyan? Kaya ayaw mong umalis? Kung meron ay sino? Bakit hindi mo ipakila-" pinutol ko siya sa inis ko!

"Mom wala. Okay? Gusto ko lang dito dahil hindi ako masyadong sanay sa malayo" mas naging seryoso si Mommy ngayon. "No. You are going to Manila after 2 months Kaila! Whether you like it or not. Ako ang masusunod" nag iwas ako ng tingin at pinipigilang pumatak ang mga nag babadyang luha sa aking mga mata.
"Tataas na po ako pagod po ako sa school dahil madaming ginawa"

Umalis ako at mabilis na tumaas sa aking silid. Pag pasok ko ay agad akong umiyak at naisip na mapapalayo nga ako kay Drey. After two months aalis na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko pero sa ngayon ay gusto ko munang makasama si Drey gusto kong sulitin ang mga oras na kasama siya bago ako lumayo para mag aral sa Maynila.

Ikaw noon, hanggang ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon