(Chapter 4)

10 0 0
                                    

Makalipas ang ilang araw abala ang lahat para sa darating na Junior at Senior Prom Night maging ang mga guro namin ay abala din!
Excited ang lahat pati mga kaibigan kong sina Alexander, Jhonny, JA, Nicolas, Louris, May, Marika, Jasmine, Geez, Jeorgina at John oo sila-sila na lang yung mag pa-partners kase mag kakaibigan naman daw yun nga lang si Louris may girlfriend sa Senior kaya buti na lang kase kung nag kataon siya yung partner ko! HAHAHA. Kase last year siya partner ko wala pa siyang girlfriend nun at diko pa ganun kagusto si Drey noon!

Yung kaibigan ko ay kaibigan din ni Drey hindi nga lang halos lahat yung mga lalaki lang. Hay nako mga lalaki nga naman daming kaibigan!

Masaya kong tinitingnan mga kaklase ko kase after ng Prom ay Final exam na namin at mag hihiwa hiwalay na kami kase may ibang mag se-senior sa Manila may iba namang dito na lang din pero ako? Diko alam at wala pa akong alam!

"Bessyyy kamusta yung gown natin? Anong oras daw kukunin?" at bigla ko naputol ang pag iisip ko ng tinabihan ako ni Jeorgina "ah sa Friday daw ng umaga bessyyy baka pakuha ko na lang sa driver yung akin" dalawang araw na lang pala at prom na! Buti hindi kami nag cotillion kase sabi ng Principal ay dagdag lang daw sa oras yun!
"Ah okay bessyyy excited nako sobra!!" HAHAHA "halata nga bessyyy HAHA" nagulat ako ng tumabi si Drey sakin at tinanong kung ayos na ba ang aking mga gagamitin sa Prom "oo naman okay na lahat uhm btw? I will text you na lang kapag okay nako sa Friday ah" kumindat siya "Okay My Kaila!" haha tumawa ako ng bahagya "ang corny mo! HAHA" tumawa lang kami parehas at napatigil ng napansin na tinitingnan kami ng mga kaibigan namin!

Pumasok si Ma'am na siyang nakuha ng atensyon nilang lahat ipinaliwanag ni ma'am kung anong oras kami kailangan pumunta sa venue namin dahil sa isang sikat na Hotel & Resort ito gaganapin dito sa Batangas..
"Okay class I will distribute all your invitation cards and wala na kayong dapat alalahanin dahil andyan na lahat ang pro-problemahin niyo na lang ay ang nga susuotin at mga date niyo sa Prom" at biglang nag sigawan sila na tila ba'y sobrang excited at parang masaya ang darating na prom namin! Maging ako'y natutuwa dahil isang Drey lang naman ang date ko HAHAHA!

Maaga kaming dinismiss ng aming teacher dahil nakapag bigay na din sila ng aaralin namin da darating na Final exam next week pero bago iyon ay ang prom night muna! Hays..

"Margarette hatid na kita pauwi?" matipid akong ngumiti at sumunod sa kanya sa parking ng aming paaralan.

"Drey? Can I ask you uhm something?" nakuha ko agad ang atensyon niya "ano yun? About what?" Ito na yun! Dapat klaruhin ko na kung ano dapat kami!

Never sa buong buhay ko na nag kagusto ako sa iba, dahil iba si Drey sa ibang lalaki na nakita at nakilala ko! Oo sabihin na nating malapit siya sa babae pero balita ko ay hindi pa siya nagkaroon ng girlfriend ayun ay kung kailan niya ba balak manligaw? At kung ano ba talaga ako sa kanya?...
Diko namalayan tulala pala ako sa kanya "ah Drey ano ba ako sayo? This past few days kase iba ako sayo. I mean iba yung trato mo sakin. Iba yung-" di niya ako pinatapos na kinagulat kong sagot niya...
"Margarette iba ka sa lahat kung gusto mo malaman ang sagot ay mag hintay tayo ng prom! I will tell you that okay?"

Tulala ako buong byahe at biglang pinawisan pero bukas naman ang aircon diko alam, di ako makagalaw sa kaba! Siguro nabigla lang ako? Siguro naunahan lang ako ng takot na baka mag kaibigan lang talaga kami? Ako lang at sakin lang may malisya ang lahat???

Nakarating kami sa bahay at inimbitanan ko siyang mag meryenda ngunit may tatapusin pa daw siya.

Andito ako sa balkonahe ng aking kwarto tulala at iniisip lahat ng sinabi ni Drey kanina. Ano kaya iyon? Gusto niya din ba ako? Kung gusto niya ako bakit ngayon lang? HAYS! Ang dami kong gusto itanong sa kanya!
Kailangan ko lang siguro ng pahinga ngayon!

Naggising akong wala man lang message si Drey siguro ay dahil may gagawin siyang importante pero nakakapag taka lang na hanggang ngayon wala pa din siyang messgae!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag message kay Marshall baka alam niya kung anong ginagawa ni Drey gayung mag kasama sila sa bahay.
Me to Marshall:
"Umuwi na ba si Drey? After niya kase akong ihatid galing school dipa siya nag te-text e. Nag aalala lang ako."

Ilang minuti bago nag reply si Marshall ay agad kong tiningnan ang reply niya.
"Yes, kanina pa siya dumating nasa kwarto siya abala sa ginagawa."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng pinsan niya at agad akong nag reply "Thanks Marshall. Sorry sa abala! Nag alala lang talaga ako"

Bumaba ako para kumain ng dinner at alas nueve y media na pala tapos na silang lahat kumain pati si Lala nasa kwarto na dapat pala ay nag padala na lang ako kay manag dito sa kwarto pero mas maganda na ding bumaba ako.

Kumakain ako mag isa ng biglang dumating si Lala sa kitchen "Oh apo bakit ngayon ka lang bumaba? Sabi ni manang ay tulog ka daw kanina." uminom ako ng orange juice "Opo lala nakatulog po ako kase uhm Lala I think I'm in love with Drey" nalungkot ako kase alam kong bawal pa.

"Dalaga ka na talaga margarette! Pero alam mong bawal pa diba? Parte na ng pag laki nating lahat na dadaan tayo sa ganyang bagay. Kung mahal mo si Drey apo marunong dapat siyang mag hintay dahil hindi lahat ng bagay ay minamadali apo. Masyado pa kayong mga bata para sa ganyang bagay" hinaplos ni Lala ang ulo ko at niyapos ko siya. Naiiyak ako kase naiinis ako kay Drey ilang oras na simula nung umamin ako sa kanya pero wala siyang paramdam. Umiiwas ba siya? Natakot ba siya? Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib diko mapigilang umiyak sa braso ng aking Lala.

"Okay lang yan apo kung anong meron kayo ni Drey ay makukuha niyo din sa tamang panahon dahil mas mahalaga ang mag-aral muna yun lang ang kayamanang kaya mo dalhin bago ka magkaroon ng asawa apo" at lalo akong naluha mahigpit kong niyap si Lala at nag pasalamat sa kanya. Mahimbing akong natulog ng naihatid ako ni Lala sa kwarto.

Maaga akong nag ayos at pumasok sa school ng hindi maintindihan ang nararamdaman masakit pa din kase kapag nakikita ko si Drey ang sakit never siyang tumingin sakin at napapansin ko ang pag iwas niya..
Pano na lang bukas? Wag na lang kaya ako umattend? Pero ano yung sinabi ni Drey na sa prom ko malalaman ang sagot niya? Kung gayong umiiwas siya? Hays! Bahala na..

Ikaw noon, hanggang ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon