I. Panaginip

68 1 0
                                    

Malabo, madilim, maingay.
Dito ko maihahambing ang aking paligid habang ako ay inilulubog sa lupa.
Puno ng hinagpis ang paligid na para bang ito na ang katapusan ng sanglibutan.

"Mahal!" "Ako ay iyong isama!" Isang pagtangis mula sa isang babae habang ako'y pinipilit iangat mula sa aking pagkahukay. Isang pagtangis na umangat mula sa lahat. Ito ay isang pagtangis na hindi lamang sa kadahilanang may yumao, subalit ito ay isang pagtangis na may iba pang kahulugan.

Pinilit kong sinisilayan ang kanyang mukha subalit ito'y nanatiling malabo kahit na ito ay nasisinagan na ng araw.

At habang natatakpan na ng lupa ang aking mga mata, ako'y napatanong,

"Gano'n ba ako kahalaga?"

Mula sa aking pagkakatanong, ako ay nagising.

Isang panaginip. Panaginip na kung saan kabaligtaran ng siya kong buhay. Subalit kahit na ako ay natatatawa dahil sa ironiya nito. Ako nanaman ay nagtatanong,

"Gano'n ba ang gusto kong buhay?"
"Gusto ko ba ng kulay-rosas na buhay?"

Pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata, hindi dahil namatay ako sa aking panaginip subalit napagtanto ko na may nagmahal pala saakin.

"Mahal--

nasaan ka na?"

PagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon