Ilang araw na ang nakalipas mula noong ako'y nanaginip. Marami nang mga nangyari sa aking buhay, at sa mga oras ding yaon ay nagsimula na ang pasukan.
Kahit labag sa kalooban ko'y obligado akong mag-aral, sapagkat ako lamang ay isang hamak na wala pang kayang gawin kundi maging isang laruan ng kanyang mga magulang. Mahirap mang lunukin subalit ito ang katotohanan.
Maingay, magulo, at higit sa lahat walang ni isang gustong humalik sa sapatos ng isat-isa. Walang sasantuhin sapagkat lahat sila'y santo. Dito ko maikukumpara ang klase na aking pinasukan.
Mula sa aking pagpasok, nakarinig ako ng mga bulong-bulungan na kahit kailanma'y walang may pakialam. Dahil isa itong bulong-bulungan tungkol saakin at tungkol sa aking walang hiyang pamilya.
Walang ni isang gustong lumapit saakin sa takot na magkamali't mabaril. Takot silang lumapit sa isang tulad kong may apilyedong nakakasakal. Takot sila sapagkat ako'y isang anak ng isa sa mga pinakamakapangyarihan. At dahil do'n ay natatawa ako. Sapagkat ako rin man ay takot dito. Para sa aking mga magulang, ako lamang ay kanilang isang laruan. Wala silang pakialam kahit masakal nila ang kanilang laruan hanggat nakikita nila ang gusto nila. Walang hiya? Lubos pa sila roon. Subalit wala akong magawa, pilit kong nilulunok itong katotohanang mayroon ako.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. At mula sa aking pag-upo, isang ordinaryong klase ay lumitaw, mga utak ay lumilipad at ang mga estudyante'y walang may pakialam sa mga pinagsasabi ng guro. Isang ordinaryong klase na tumatalakay ng isang hindi pangkaraniwang paksa. At sa pagiging hindi pangkaraniwan nito, ako ay napukaw.
Ang paksa'y reinkarnasiyon.
Sinasabi na ang reinkarnasiyon ay ang muling pagkasilang ng isang kaluluwa sa isang bagong katawan. At kahit sinasabi na ito ay hindi totoo at hindi pa naaprubahan ng siyensiya, sa hindi mapaliwanag na pangyayari, ang puso ko'y bumilis ng tibok. Sa mga oras na iyon ay nagkaroon ako ng dilema kung anong mayroon sa aking sarili. Hindi ako makahinga, hindi rin ako makagalaw. At higit sa lahat, hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa kung anong nangyayari sa akin sa mga oras na ito, pero dahil ito sa takot kong tumawag ng tulong. Ako'y naging pipi. Hindi bulag, hindi lumpo, subalit naging pipi na tumawag ng saklolo.
Ako ay bumagsak mula sa aking kinauupuan, at satingin ko'y ang lahat ng mga mangyayari ay isa nalamang kasaysayan sa bawat isa. Inakala ko na ang lahat ay maagiging takot na magpahiram ng kamay sa isang tulad ko. Subalit hindi maiiwasan na ang pipi ay magkamali.
Walang makita subalit nakaririnig. Ako'y pipi subalit hindi bingi.
Hindi naging bingi sa mga linyang ibinigkas ng isang babae. Mga linyang umangat sa kaingayan ng mga bulungan ng madlang walang simpatsiyang tumulong. Mga linyang bumalot sa puso kong puno ng takot.
"Ayos ka lang ba?"
"Tulungan na kita diyan."Mga linyang nagpaalala sakin ng isang babae mula sa aking panaginip. At mga linyang nagbigay daan upang aking mapagtanto na ang isang pipi ay kailanmay hindi magiging bingi.
BINABASA MO ANG
Pagbalik
RomanceIto'y kuwento ng isang magkasintahang pinaghiwalay ng isang trahedya ng kahapon at pinag-tagpo muli ng kasalukuyan. Maipagpapatuloy pa kaya ang naudlot na pagmamahalan?