"Mr. Trinidad!" Isang galit na paggising ng aking guro saakin na natutulog sa klase.
"Patawad po, hindi na po mauulit" Aking tugon sa aking guro.
Hindi maikakaila ang mga ganitong pangyayari sapagkat ilang araw na ako walang pahinga, ito'y dahil sa kakaisip ko tungkol sa krisis na aking kinahaharap sa kasalukuyan. At dahil wala akong mapagsabihan ni ang aking mga magulang, akin na lamang itong pinagdadaanan mag-isa.
Pagdadaanan mag isa. Iyan din ang akala ko noong una...
Tumunog ang senyas na nangangahulugang tapos na ang mga klase.
"Oh bakit nakadukdok ka nanaman?" Supresang tanong ng isang babaeng nasa aking gilid. Ito'y isang babaeng may boses na pamilyar sa boses ng babaeng nagbibigay sakin ng paghihirap ngayon.
Inalis ko ang aking ulo sa pagkakadukdok sa upuan upang aking makita kung sino ang nagsasalita.
Subalit nakita ko lamang ang babaeng nagbibigay sakin ng paghihirap ngayon.
Heto nanaman siya. Sa isang linggo naming hindi pagkakamustahan. Heto nanaman siya. Mag-iiwan ng maraming katanungang hindi ko kaylanman masasagot.
Ngayon, wala akong ideya kung ano ang mga maaari niyang gawin saakin. Hindi ako handa para sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inakalang mag-uusap pa kami, akala ko'y doon na natatapos ang lahat sa klinika. Subalit hindi pa pala doon natatapos ang lahat ng iyon.
Kung aking masasabi, hindi parin ako handa para sa karagdagang krisis na maaaring ibibigay sakin ngayon ng babaeng kaharap ko. Higit sa lahat, hindi ko na kakayanin pa kung mayroon mang maidadagdag.
Siya ay nagulumihanan sa aking biglang pananahimik pagkatapos ko siyang harapin .
Natawa nanaman siya.
Sa puntong ito, magagalit ako. Hindi ko alam kung bakit. At mas lalong hindi ko alam kung saan nanggaling itong bugso ng damdamin ko tungo sa kaniya. Subalit alam ko sa sarili ko na dapat na ako ngayong magalit . Kaya naman...
"Pwede bang tama na!" Sigaw ko.
Nagulat siya sa bigla kong tugon sa kanyang pagtawa.
Alam kong wala ako sa posisyon upang magalit. Subalit alam ko sa sarili ko na dapat na akong magalit sa pagdurusang inihahain niya. At higit sa lahat--
Gusto ko nang bakudan ang aking teritoryong sinasakop mo.
Yinuko ko sa pangalawang pagkakataon ang aking ulo.
Yinuko ko ang aking ulo, ito'y sapagkat ito nalamang ang naiisip kong angkop na gawin para sa mga ganitong sitwasyon.
Hindi ko na kayang harapin pa, ngayong binakuran ko na.
Akala ko'y natatapos na doon.
Akala ko ang mga linyang aking binitawan ay magbibigay ng bakod sa ninanais kong bakuran.
Subalit ako nanamay nagkamali. Hindi bilang isang pipi. At mas lalong hindi bilang isang bingi. Subalit ngayo'y isang bulag. Bulag na pilit ipinipikit ang kanyang mga mata sa katotohanan kaya't ngayo'y naliligaw. Bulag na takot imulat ang kanyang mga mata sa katotohanang inihahain sakaniya. At bulag na kaylanma'y hindi naging bulag, subalit isang duwag na nagbubulag-bulagan.
Ako'y nagkamali.
Sa aking reyalisasiyon. Minulat niya ang aking mga mata sa kanyang tunguhin.
"Gusto kong makipagkaibigan." Linyang kanyang binitwan nang walang binabahala.
Hinarap ko siyang muli.
"Nakita kong wala kang kaibigan." Awang dagdag nito.
Inalok niya ang kanyang kamay.
At sa mga oras na ito, ang salamangkero'y wala ng handang baraha sa sakanyang bulsa. Wala nang maisip pang pwe-pwede gawin upang maiwasan ang lahat ng pangyayaring ito.
Kayat ang salamangkerong iyon ay tumanggap na lamang ng kaniyang pagkatalo.
Inabot ko ang kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Pagbalik
RomanceIto'y kuwento ng isang magkasintahang pinaghiwalay ng isang trahedya ng kahapon at pinag-tagpo muli ng kasalukuyan. Maipagpapatuloy pa kaya ang naudlot na pagmamahalan?