Sa mga araw ng pagpasok, nagkaroon ako ng rason upang magpatuloy. Rason na kahit ako man ay hindi sigurado. Subalit nagpapatuloy parin ako sa kabila nito.
Pinagpatuloy kong tahakin ang daang aking sinimulan.
Kahit na ito'y madilim at kahit pa ang destinasiyon nito'y isang misteryo.
Aking tatahakin ito.
Sapagkat gusto kong malaman kung saan ako dadalhin ng damdaming ito."Pag-ibig na nga ba ito?"
Tanong na bumabagabag saakin sa gitna ng aking pakikipagsapalaran sa rutang aking tinatahak.
Hindi na umalis sa aking isip ang mga linyang kanyang binitawan. Hindi alam ang kanyang tunguhin, kaya't heto, nalilito. Nalilito kung dapat na bang umasa. Nalilito kung dapat na bang gawing mundo ang 'siya'. At nalilito kung ang dati bang ako ay nabago na dahil lamang sa pagpasok ng isang 'siya' sa buhay ko.
Natawa ako.
Alam ko kung gaano ka mala-impyerno ang buhay ko. At alam ko rin kung gaano mala-basurahan ang isang tulad ko. Kaya ang damdamin na ito ay hindi karapatdapat pang manatili para sa isang tulad ko.
Wala ako sa posisyon upang umibig.
Hindi ko kayang umibig.
Damdaming nag-iwan saakin sa kinakatayuan ngayon.
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng landas na ito. Na para bang andito na ako sa puntong nalilito kung saan nga ba liliko, sapagkat ang daang aking tinatahak ngayo'y nahahati na sa dalawang magka-ibang ruta.
Maaari ngang matatawag itong isang krisis. Krisis na hindi ko pa kayang harapin, at hindi kailanman kakayanin.
"Kaya...
--tatakbo nalang ba ako pabalik?"
Tanging solusyong mayroon para sa isang tulad ko. Tulad kong duwag. Tulad kong takot na magkamali kaya't kailanma'y hindi sumusugal. At tulad kong gago, na kailanma'y takot sa pakiramdam ng pagsisi. Sapagkat ito ay isang pangako sa aking sarili...
, pangako na kailanma'y hindi na ako masasaktan...
--Muli.
BINABASA MO ANG
Pagbalik
RomanceIto'y kuwento ng isang magkasintahang pinaghiwalay ng isang trahedya ng kahapon at pinag-tagpo muli ng kasalukuyan. Maipagpapatuloy pa kaya ang naudlot na pagmamahalan?