Sa pagmulat ng aking mga mata, sa simoy ng hangin mula sa bintana at sa amoy ng kumot na aking kinahihigaan. Marahil ako'y isang tanga, inakalang lahat ng tao'y patapon na. Subalit binago mo ang pag-iisip ko. Ako'y isang bituin, isang bituing walang kinang, walang pag-asa at walang buhay. Subalit kahit gaano kalayo ang bituing ito, ito'y inabot mo. At dahil do'n, naantig ang puso ko.
Ako'y napaupo mula sa aking pagkakahiga.
"Salamat!" Sa unang bukas ng aking bibig, ito ay siya kong binanggit. Napangiti ako na para bang siya ay hindi estranghero sa aking buhay. Napangiti ako na para bang nagbago na ang buhay ko. Ako'y napangiti dahil ito ang ninais ng siyang puso.
At siya ay tumawa.
Ako'y tumingin sakanya na para bang nagtatanong kung bakit siya humalakhak.
Subalit ang natanggap ko'y ang paglapit ng kaniyang mukha tungo saakin.
Siya'y ngumiti.
"Ako'y interesado saiyo." Mga binitawang niyang salita na nagbigay sa akin ng maraming tanong. Mga salitang hindi ko inaasahang kanyang bibitawan. At mga salitang nagtulak saakin upang aking malaman ang kanyang pangalan.
Cristina Reyes, ang pangalan ng isang babaeng nagbago ng aking mga pananaw sa buhay. At pangalan ng unang babaeng nagpatibok ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Pagbalik
RomanceIto'y kuwento ng isang magkasintahang pinaghiwalay ng isang trahedya ng kahapon at pinag-tagpo muli ng kasalukuyan. Maipagpapatuloy pa kaya ang naudlot na pagmamahalan?