V. Ang Kabiyak

24 0 0
                                    

Nakadungaw sa labas ng bintana, amoy ang halimuyak ng kasarinlan. 

Tayo ay nagwagi mula sa labanan!  Ang aking ngiti ay hindi na mapapanis sa lubos kong tuwa, sapagkat ang aking iniirog ay magbabalik na mula sa digmaan laban sa mga Hapones. 

Lagi kong ninanais na maging mas maganda kaysa sa mga huli naming pagkikita sa tuwing haharap ako sa kanya. Bagamat lagi niyang sinasabi na ako'y maganda kahit walang kolorete sa muka, heto ako sa tapat aking ng salamin, nagpapaganda gamit ang ibat-ibang mga kolorete na ibinigay sa akin ng aking ina na mula pa sa bansang Pransiya.

Sa kabila ng napagkasunduang kasalan sa pagitan ng aking mga magulang, ako ay napalaking mabuti sa ilalim ng aking ama na isang Gobernador-Heneral dito sa Cavite. Samantalng ang aking ina, na nakahiwalay mula sa amin mag-ama  dahil sakanilang bi-bihirang pagkakasundo, ay hindi nakakalimot  na bumisita buwan-buwan at kung hindi man siya nakakabisita ay pinipinilit niyang magpadala ng regalo mula sa mga bansa na kanyang pinupuntahan.

Sa aking paglalagay ng kolorete sa aking muka, naalala ko ang aking iniirog. Naalala ko ang mga araw ng aming paglabas. Lagi siyang naghihintay sa eskinita sa tapat ng pansiteria upang magtago mula sa aking ama. Ako'y laging natatawa sa ekspresiyon ng kanyang muka tuwing siya ay nagtatago, kaya minsan na kahit ako'y handa na, akin muna siyang pinapanood at kaylanma'y hindi ako nadismaya dito.

Habang ako ay naghahanda para sa kanyang pagbabalik, isang kasamahan ng hukbo ang maagang nagbalik at sinasabing siya ay naatasan para mag-abot ng isang sulat. At sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari, ang dibdib ko'y bumigat na para bang pasan na nito ang mundo. At sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari ako'y nagkakaroon ng masamang kutob sa balitang aking maririnig. 

Sapagkat ang sinasabing sulat ay para saakin, sulat na para kay Selya. Tiyak na para lamang kay Monterodondo, Selya Luisita.

Nagsimulang magsalita ang mensahero.

"Ito ay isang sulat galing sa isang nasawing opisyal sa labanan. Siya ay isang magiting na opisyal na nag-sakripisyo ng kanyang buhay tungo sa kasarinlan ng ating bayan. --

-- Ito ay si Heneral...

Alvares, Lucario Magsaysay."

Sa una ay hindi ako naniwala, na umabot sa puntong nakalimutan ko na ako ay anak ng isang Gobernador-Heneral. Nasariaan ako ng bait. Ako'y nagsisisigaw sa lahat ng pilit akong  pinapakalma. Lahat ng pwede kong ihagis ay akin nang naihagis. At lahat na ng pwede kong sabihing palusot, upang lamang maniwala sila na buhay pa ang aking irog, ay akin naring nang nabigkas.

Subalit...

ang kyuryosidad ko'y binabagabag ako. Na kahit ako'y hindi naniniwala. Ako'y namumutla, nanginginig, at natatakot na inaabot ang sinasabing liham na para lamang saakin. 

At bagamat ako'y takot, aking binukasan ang liham. 

Liham na huli kong matatangap mula sa aking kabiyak.

Ang mga luha saaking mga mata ay pumatak nang hindi ko napapansin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang mga luha saaking mga mata ay pumatak nang hindi ko napapansin. 

Hindi ko inakalang ang pangakong aking pinanghahawakan ay magiging isang palamuti, palamuti na kung saan pwedeng ipako sa pader. 

Ang mundo ko'y nagunaw, lahat ng mayroon ako'y nawala na parang isang bula.

PagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon