Ikawalong Hiwaga

24 7 0
                                    

Alivia's POV

Ilang araw na din na ganto ang set up namin ni Migs. Halos buong araw na kami pagkasama at pinapasyal ako, gusto daw niya kase na makabisado ang lugar na to, yung parang dito ako lumaki. Hindi lang naman yun ang dahilan ko kung bakit sumasama ako kay Migs sa araw araw, nagbabakasakali din ako na makita ulit siya.

Ilang araw na ang nakakalipas ng napunta ako sa lugar na to, nasasanay na din ako. Parang bang normal nalang sakin ang mga nakikita ko ngayon. Pero ilang araw na din na hindi na muli siya ng pakita, bakit ayaw mo magpakita? Nasaan kana ba

"Migs, Thank you" napalingon siya agad sakin at ngumiti, mukang hindi niya inaasahan ang pagpapasalamat ko

"Diba nga sabi ko sayo, tutulungan kita makapag adjust sa lugar na to" tugon nito sa sinabi ko. Ginantihan ko naman siya ng ngiti. Nasa bayan ulit kami, masasabi kong isa na to sa mga paborito kong lugar dito.

Habang nanonood kami ng mga nag lalive show, nadako ang tingin ko sa isang shop, ito ata ang bookstore dito sa bayan. Nakaramdam ako ng kaba, gusto kong pumunta dun, gusto kong mag baka sakali, pag nakakakita ako ng libro isa lang ang naiisip ko. Agad kong inaya si Migs na pagpunta sa bookstore, agad rin naman siyang pumayag.Pagkapasok namin, agad akong nag palingalinga at nag babakasakali

"May gusto ka bang bilin?" tanong ni Migs sakin. Hindi ako pakatugon sa kanyan, nanatiling nakatingin ang mata ko sa kabuoan ng bookstore. Sana nandito ka.
"May hinahanap kaba?" muli siyang nagtanong. Napahinto ako at tinignan siya, ang muka niya ay puno ng pagtataka

Hindi ko pa rin magawang sagutin si Migs, hindi ko alam kung bakit. Nagpatuloy ako sa paglalakad, malaki tong bookstore, halos kalahati naglaki ng SM. Nadako ang tingin ko sa mga taong nagbabasa, madaming tao dito, dahilan na din na hindi uso ang cellphone dito sa mundo na to. Naglakad ako sa pagitan ng mga lamesa kung saan ng babasa ang karamihan. Tinitignan ko isa isa ang mga nagbabasa, nanatili pa ding nakasunod si Migs sakin, sigurado akong takang taka na siya sa kinikilos ko

Habang tinitignan ang mga nagbabasa ay kapansin pansin ang isang lalaking na naka black hoodie jacket, hindi ko maaninag ang muka nito dahil nakayuko at abala sa pagbabasa. Siya ba to?

Dali dali akong tumakbo patungo sa lalaki, narining kong tinawag ako ni Migs pero niwalang bahala ko lang yun. Gustong gusto ko siyang yakapin, meron sa loob ko na parang sabik na sabik sa yakap niya, dun kase pakiramdam ko ligtas ako. Nagmakalapit ako sa lalaki ay dali dali kong niyakap kahit na walang kasiguraduhan.

"Ian" salitang lumabas sa bibig ko. Hinigpitan ko ang yakap sa lalaki, mabigla ako ng magpupumiglas siya at medyo tinulak pako

"Hindi Ian ang pangalan ko!" sigaw ng lalaki. Nakita ko ang muka ng lalaki. Hindi siya si Ian. Nakita kong nagtitinginan at nag bubulungan ang mga tao sa paligid namin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko sa hiya

"Pasensya na bro, pasensya sa inyong lahat" sabi ni Migs at dali dali akong hinila palabas ng bookstore. "Ano bang ginagawa mo? Ayos ka lang ba? Bakit ba biglang nalang nagiba ang kilos mo kani—" hindi na natapos ni Migs ang sasabihin niya nag bigla ko siyang yakapan at nag iiyak

"A-anong ba kase ang problema?" muling tanong niya. Hindi rin niya inaasahan bigla ko nalang siya niyakap at nag iiyak. Hindi ko na kase kaya. Bakit ba kase ayaw mo pagpakita, miss na miss na kita, Ian

Dinala ako ni Migs sa isang park malapit sa bayan. Nakaupo kami ngayon sa bench. Hindi pa din matigil ang pag luha ko

"Baka naman kase wala siya dito" natigilan ako sa sinabi ni Migs, tinignan ko siya na parang nagtataka. " I-i mean baka wala dito yung hinahanap mo" medyo pautal niya sabi. "Sino si Ian?" muli siyang nagtanong

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon