Ikadalawampu't siyam na Hiwaga

13 3 0
                                    

Abi's POV

Sobra ang pag aalala ko habang tinitignan si Alivia na naghuhumiyaw sa sakit ganon din si Ian. Dinala nanamin sila sa Room namin. Binuhat sila ni Jake at Migs. Kitang kita naming lahat dito ang pag iiba ng kulay ng mata ng dalawa. Red ang kay Ian at Blue naman ang kay Alivia. Hindi namin kung bakit sila nagkakaganyan.

Hind ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mata ko. Sobrang sakin ang nararamdam ko habang tinitignan si Alivia na hirap na hirap ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman, feeling ko ay nasa panganib ang kapatid ko, ganong ganon ang nararamdaman ko.

Nung dumating ako dito, sa lugar na to, sa mundo na to. Wala akong maalala, pakiramdam ko ay maraming nawala sakin. Sa tuwing na nanaginip ako ay nasa isang kwelahan daw ako, may kasama ako pero hindi ko maaninang kung sino, para lamang siyang hangin sa pananginip ko, hindi maaninag ang muka.

"AHHHH!!!!!" Nabalik ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Naghuhumiyaw sila sa sakit. Hindi ko nararamdaman ang nakiramdam nila pero parang sobrang sakit nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya lumapit ako kay Alivia at niyakap nito. Kahit na pinagbawalan kami ni sir Jeff kay ginawa ko pa rin. "Alivia, hindi ko na kayang nakikita kang nasasaktan, hindi ko alam kung bakit pero sobrang ang pag aalala ko ngayon na nakikita ka sa kalagayan na yan" hindi ko alam kung naririning o na iintindihan ba niya ako.

Nabigla ako ng itulak niya ako, sobrang lakas niya. "Abi!" Sigaw ni Jasmine at agad agad akong tinulingan tumayo. "Hindi nila alam ang ginagawa niya, kaya sana maintindihan mo" paliwanag niya. Nanlilisik ang asul na mata niya sakin.

Hindi ko makuhang magalit kay Alivia kahit na minsan nag tatalo talo kami nila Jasmine. Ang pakiramdam ko kase ay parang normal lang samin yon na sobrang close namin kahit na halos kakikilala ko lang sa kanyan.

"Sir, hindi kaya dahil sa eclipse kaya sila nag kakaganyan?" Tanong ni Jake kay sir.

"Posible, wala munang lalapit sa kanila hanggat wala akong inuutos" bilin ni sir samin.

Posible ngang yung eclipse ang dahilan dahil nung nangyari sa kanila ito nasa kalagitnaan na ng eclipse non. Napansin kong nakadungaw sa bintana si Migs at tinatanaw ang eclipse. Bumalik na ito samin.

"Sir malapit na po matapos ang eclipse" sabi naman nito kay sir. Napatango nalang si sir.

Nagulat nalang kami ng biglang tumayo si Alivia at Ian. Nababalutan ng itim na liwanag si Ian na nanggagaling sa dalawang palad niya, teka gabi lang gumagana ang kapangyarihan niyang iyon ha.

Makikitang asul na asul ang mata ni Alivia, halos nakakasilaw ang mga mata nito at bahagya siyang nakalutang.

"AHHHHH!!!" Hiyaw nilang dalawa na puno ng sakit.

Hindi na namin alam ang gagawin ng maramdaman naming lahat na parang mag rerelease ng malakas na enerhiya ang dalawa. "Class Eye, lumapit kayo sakin, ngayon na!" Sigaw ni Sir kaya dali dali naming sinunod ang sinasabi niya

Nasa tabi namin si sir habang nakatingin sa dalawa. Naghalo ang puti at itim na liwanag na bumalot sa buong classroom. Napapikit nalang ako dahil sa nangyari. Rining na rining ang pagbagsak at pagkasira ng mga gamit dito sa room. Ilang minuto ang lumipas bago mawala ang ingay. Idinilat ko ang mata ko. Nakakulong kami ngayon sa napakalaking metal shield. Ito ba ang ability ni sir?

Unti unting bumukas ang metal shield at sumalubong samin ang makapal na usok. Ginamit ni Jake ang Air element niya para wala ang usok. Unti unting umaliwalas ang paligid at tumambad samin ang nakahandusay na katawan ni Alivia at Ian.

"Alivia!!!"

Alivia's POV

Pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang pagtulog, sobrang sakin ng ulo at katawan ko. Wala akong maalala sa nangyari.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon