Ikalabing limang Hiwaga

29 7 0
                                    

Alivia's POV

"Ito ang training room para lang sa klaseng The Eye, kayo lang pwedeng gumamit nato" sabi ni sir Jeff. Ang laki nga nito, iyon nga lang walang laman maliban nalang sa mga button na nasa dingding. Kulay puti lang ang makikita mo sa buong room

"Bakit wala pong laman?" tanong ng isang babae naming kaklase. Kung hindi ako nag kakamali, Jasmine Ashley Ventura. Tatlo lang namin kaming babae sa klase at tatlo lang din ang lalaki

Medyo na pangisi si sir Jeff. "Merong laman ito pero hindi na muna natin pagtutuunan yon, ang kailangan ngayon ay malaman ninyo na ang kaya ninyong gawin, tignan natin kung anong kayang gawin ng bagong Class Eye" paliwanag nito. "Pumunta na kayo sa gitna, sumama kana Migs para may mag protekta sa ilan sa kanina" utos nito. Nagpunta na kaming anim sa gitna at hinihintay ang mga susunod na mangyayari. "Papanoorin ko kayo, goodluck" huling sabi nito at nakita kong pinindot niya ang pulong button

Tumingala ako at napansin ang isang transparent na salamin na unti unting bumaba. Maya maya ay napuno ng usok ang paligid. Napapikit at medyo na paubo dahil sa usok.

"Ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Migs sakin

"O-oo ayos lang"

Pagkadilat ko ay nagulat ako sa nakita ko. Wala na kami sa training room, sana parang gubat na kami. "Na-nasan tayo? pano tayo na punta dito?" tanong ko sa kanina. Napapikit lang ako saglit naiba na agad ang lahat

"Nasa training room pa din tayo, isa itong real life simulator, mag ingat kayo sa mga posibleng mangyari dahil kahit simulator lang to mararamdaman ninyo padin ang sakit" paliwanag ni Migs sa amin. Nakakatakot naman itong gubat na to, nagtataasang puno at iba't ibang huni ng mga hayop habang tirik na tirik ang araw

Lahat kami ay nagmamasid lamang sa paligid at nag iingat sa mga posibleng mangyari. Nanlaki ang mata ko ng nakita ang isang malaking puno na paparating samin. "Migs! Yung puno!" tawag ko rito.  Siya lang naman ang alam kong makakatulong samin ngayon dahil siya lang ay may alam sa kapangyarihan niya.

Agad kinontrol ni Migs ang punong dapat ay babaksak samin at inihagis sa gilid. Agad siyang tumakbo patungo samin at tinanong kung ok lang kami. May biglang humila sakin

"Dito ka lang sa likod ko" walang emosyon na sabi ni Ian. Hindi ko pa din makalimutan yung sinabi niya sakin bago kami pumasok dito sa training room. Ganon nga ang ginawa ko nanatili akong nakatabi sa kanya at nakita ko naman na poprotektahan niya ako

"Yabang wala pa namang kayang gawin" mahina pero rining na sabi ni Migs. Sinong bang pinaparinggan niya? Nakita kong kumuyom ang kamao ni Ian, dali dali ko tong hinawakan at tinignan siya sa mata na wag-hindi-oras-para-sa-ganyan-look. Hanggang ngayo ay hindi niya makontrol ang galit niya

Napayuko at napasigaw kaming mga babae ng narining ang sunod sunod na pagsabog. Nilingon ko si Abi, takot ang mababakas sa muka niya.

"Dito lang kayo, poprotektahan ko kayo" Sabi ni Migs samin habang nakaabang sa paligid. Lahat ng lalaki ay pinalibutan kami

"Wag ninyo pigilan ang sarili ninyo! Kailangan ninyong mapalabas ang kapangyarihan ninyo!" nagulat nalang kami ng biglang sumigaw si sir Jeff. Hindi namin siya makita pero alam naming pinanonood niya kami. Tama si sir kailangan mapalabas agad agad ang kapangyarihan namin

"Tara, wag kayong matakot kaya natin, tama si sir, kailangan nating ilabas ang kakayahan namin" sabi ko kina Abi at Jasmine, tumango naman sila na kinangiti ko

"Sama sama tayo" matapang na sabi ni Abi. Nginitian ko naman siya. Kahit papano ay nakikita ko pa din sa kanya ang Abi na matapang at walang kinatatakutan

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon