Ikalabing dalawang Hiwaga

22 8 0
                                    

Alivia's POV

Kakauwi lang namin sa mahaba nanaman naming byehe. Pagod ang nararamdaman ko dahil na din sa mga nangyari at sa mahabang byehe, sakit ng buong katawan ko! Nagpaalam nakong pupunta na sa kwarto at matutulog na dahil pagod na ang buong kaluluwa, maygahd.

"Saan ka pupunta?" natigil ako sa paglalakad ko ng tanungin ako ni lola.

"Maypapahinga na po, sakit na po ng katawan ko. Matutulog na po ako" tumalikod ako para mag patuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ko pero muli nanaman akong pinigilan ni lola

"Hindi pwede, hihintayin natin ang kabilugan ng buwan" pigil niya sakin. Kumunot ang noo ko. Ano naman meron sa full moon. "Halika rito apo, ipapaliwanag ko sayo" sumunod nalang ako, wala din naman akong magagawa. Hindi ba uso ang salitang pahinga sa mundo nato. Naupo kami sa sofa sa sala

"Ano po bang meron sa full moon?" tanong ko ng makaupo kami agad.

"Ang nangyari kaninang pagdiriwang ay hindi basta basta" panimula niya. Nakatuon naman lahat ng atensyon ko at hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni lola. "Itinataon iyon sa tuwing araw na mag fu-full moon. Natatandaan mo ba ang kapangyarihan nakuha mo kanina" tumango na lamang ako. "Kasalukuyan ngayon na hindi pa gising iyon, magigising lamang iyon sa oras ng kabilugan ng buwan" pagpapaliwanag ni lola

Kaya pala walang nangyayari noong nag tatry ako noong nasa byehe kame. Hindi pa nagactivate ang power ko. Sinubukan kong mag paalam na magbibihis nalang kase kanina ko pa suot ito pero pinigilan nanaman ako kase ito pa din daw dapat ang suot ko pag dating ng full moon. Init na init nako! Pagod na pagod na ang katawan ko! Jusmiyo naman!

Nandito ako ngayon sa sofa nakaupo lang habang pinagmamasdan ang lahat na aligaga sa pag kilos. Nag hahanda sila sa pagdating ng  kabilugan ng buwan. Si lola at ang mga kasambahay namin ay busy sa kakaluto ng mga pagkaing ihahain mamaya pero sila mommy at daddy hindi ko pa din nakikita simula ng dumating kami. Tumayo nako sa sofa dahil nakakapagod din naman upo at tumunganga. Kung may cellphone lang sana ako edi may paglilibangan ako.

Naglakad lakad ako sa bahay. Dinala ako ng paa ko sa garden, doon nag lakad lakad ako. may mahabang mesa silang inilagay, dito ata gaganapin ang salo salo. Habang nag lalakad ako ay may naaninag akong dalawang tao na parang nag uusap. Unti unti akong lumapit kase alam ninyo naman dakilang chismosa ako. Nangmaaninag ko kung sino iyon, si Mommy at Daddy lang pala kaya napagdesisyunan ko na puntahan nalang sila. Habang papalapit ako ng papalapit ay unti unti ko ding naririnig ang pinag uusapan nila

"Kailangan mo ba balak itagol ito, hindi natin mapipigilan ang tadhana, mangyayari ang dapat na mangyari kaya habang maaga pa ay sabihin nanatin sa kanya" mahina ngunit mariin na sabi ni mommy kay daddy. Nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita

"Masyado pa siyang mahina, hindi pa niya kaya, hindi ako papayagan na ang anak natin ang napapahamak" sagot ni daddy. Inilagay ko ang aking kamay saaking bibig na mapagtanto na ako yung pinag uusapan nila. Ano yung dapat kong malaman?

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa ating anak, hindi ko kakayanin" narining kong umiiyak na si mommy. Sinilip ko naman sila at nakita kong kayap kayap ni daddy si mommy na kasalukuyan umiiyak.

Mahina akong napasigaw ng may humawak sa balikat ko. "Migs?" mahina kong sabi. bakit to nandito

"Sinong nandiyan?" nagulat ako ng marining si daddy. Hala patay na

"Hindi ako dapat mahuli dito, pano na gagawin ko" natataranta kong sabi kay Migs. Kung hindi ba naman nanggugulat to edi sana hindi kami maririning

"Tara sumakay ka rito" itinuro niya ang isang carpet na nasa sahig. Ito ba yung ginamit niya papunta dito?

"Pero..."

"Dali na mahuhuli tayo, hindi din maganda tignan na mag kasama tayo ng gantong oras at tayo lang ang nandito" pagmamadali niya sakin. Dali dali akong sumakay sa carpet at mabilis niya itong pinalutang. Aba Aladdin lang akong peg, iba den. Kulang nalang kumanta kami ng A whole new world, HAHAHAHA.

Buti nalang talaga hindi kami nahuli. "Bakit ka ba naman kase naggugulat!" sabay sampas sa braso niya. Medyo tumagiri naman yung carpet sanhi na muntik nako mawalan ng balance

"Gusto mo bang magpakamatay, alam mo naman na kamay ko ang nagkokontrol na to" pag aalala niyang sabi sakin. Oo nga pala kinokontrol lang pala niya to

"Sungit naman to, ikaw na nga tong nanggulat sakin" sumimalmal ang muka ko. Nagulat naman ako ng tumawa siya ng tumawa. "Oh anong nakakatawa"

"Wala, naalala ko lang yung muka mo kanina" tuloy pa din siya sa pagtawa. Aba siya pa mag ganang tumawa. Bahala ka diyan.

Habang nasa ere kami kapansin pansin ang ganda ng view. Napamangha naman ako sa nakita ko. Ang lahat ay masaya na naghahanda at nagsasama sama para sa darating na full moon

"Kayo ba, may paghahanda pa din ba kayo sa dadating na full moon kahit na namay kapangyarihan kana?" tanong ko sa kanya. Na curious lang ako. Napangiti naman siya at tumango

"Oo naman, kung kayo ang pinaghahandaan ninyo ay ang paggising ng kapangyarihan mo, kami naman ay naghahanda na may mga bago nanamang estudyante napapasok bukas sa Luna Academy" masaya niyang pagpapaliwanag sakin. Ngayon ko lang ulit narining ang Luna Academy mula ng mabasa ko iyon. "Gusto ba na ikwento ko sayo kung bakit Luna Academy ang pangalan ng paaralang iyon" tanong niya. Tumango naman ako kase nag curious ako.

"Ang Luna Academy ay ipinangalan sa ating buwan, si Luna" panimula niya. "Dahil sa tuwing ipagdadaos ang hall of magic ay pagkatapos nun at hihintayin na lahat ang kabilugan ng buwan. Pagkatapos ng full moon ay kinabukasan may mga bago nanamang mga estudyante na mag aaral doon" paliwanag niya. Napakaganda pala ng kwento ng Academy na iyon. Unti unti na ibinaba ni Migs ang carpet. Sa garden niya ako ibinaba para naman daw hindi mahalata ng mga magulang ko

"Sabay tayo pumasok bukas ha, susunduin kita bukas ng umaga" sabi niya pagkababa niya sakin at syempre hindi mawawala ang killer smile niya

"S-sige" sagot ko. Dali dali na niyang ipinalipad ang carpet ng marining ang boses nila daddy. Pumasok nako sa bahay

"Saan ka ba nag pupunta bata ka" pag aalalang tanong ni daddy. " Pinag alala mo kami" dagdag pa nito. Ngayon lang ulit ako pinansin ni daddy mula kanina sa byehe. Alam kong ng tatampo siya kase hindi ko sinunod ang utos niya noong nasa field kami

"Na-nandyan lang po ako sa garden, nag iikot ikot" palusot ko. Nakita ko naman na nawala ang pangamba nila

Tinulugan ko sila na mag ayos ng mga dapat ayusin. Inilagay din namin sa garden lahat ng pagkaing niluto nila. Noong una panga ay pinipigilan nila ako at ang mga kasambahay na daw ang bahala doon pero hindi ako nag papigil dahil mas tinatamad lang ako na nakaupo. Ilang oras na kaming na kaupo sa long table habang sila ay nag kukwentuhan sa mga nagyari kanina

"Alivia, iyan na" masigla nilang sabi sakin.

Napansin kong unti unti ng natatanggal ang ulap na nakatakip sa buwan. Ang ilan ay nag hihiyawan sa tuwa at ang ilan naman ay masayang nakatingin sa buwan. Unti unti na nawala ang ulap sa buwan at natatamaan na kami liwanag nito. Nagtamaan ako ng liwanag ay bigla nalang ako ng ilaw, rosas na ilaw gaya ng kanina. Napansin ko din na ang ilan sa mga kapitbahay namin ay ganon din ang nagyayari

"Nagising na ang kapangyarihan mo, masaya kami para sayo" niyakap nila ako ng mahigpit. Nagsigawan ang lahat sa saya

"Pero hindi ko po alam ang kaya ko pang gawin" sabi ko sa kanila

"Huwag kang mag alala, matutuklasan mo din iyan, kaya nga mula bukas ay papasok kana sa Luna Academy, sila ang bahala na magpalabas ng kapangyarihan mo" sagot ni mommy

"Talaga po? papasok nako bukas?" masaya kong tungon sa kanina. Kahit pa alam kong hindi ordinaryong paaralan iyon ay masaya akong muli nanaman akong mag aaral

"Halika na at kumain, maaga pa ang pasok mo bukas" masayang sabi ni mommy. Masaya kaming nagsalo salo

Bukas bago na ang lahat. Hindi na nga ako ordinaryong tao. Ganap nakong taga rito.
Masaya din ako napapasok nako sa Luna Academy dahil posibleng nandoon si Ian at posible ko ding makita si Abi doon

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon