Ikalabing apat na Hiwaga

24 7 0
                                    

Alivia's POV

Hindi pa din ako makapaniwala na nakalimutan ako ni Abi, ang bestfriend ko ang tinuring kong kapatid.

Naglalakad na kami ni Migs papunta sa classroom ng The Eye. Medyo inaalalayan niya ako dahil parang ng hihina ang tuhod ko sa mga nalaman ko. Nasa pang limang build at nasa apat na palapag daw classroom namin. Napangiwi ako. Aakyatin namin ang ganyang kataas. Napansin ko na ang bawat hagdan ay madaming maitang

"Aakyatin natin ang ganyang kataas?" tanong ko kay Migs. Lalawit ata dila ko makarating lang sa room

"Oo" seryoso nitong sabi. Ano! Buhay nga naman, napakasaklap!

"Tara na, kaya ko t-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumawa ng malakas si Migs. Ano nakakatawa don?

"Biro lang, ipapakita ko sayo kung saan tayo dadaan" tumingin na to sa pagtawa at muli nanaman akong kinaladkad

Nangmakalapit kami sa hagdan, kapansin pansin ang nasa gawing gilid nato. Doon ako dinala ni Migs. Ano ito? Puting liwanag na parang hangin at umaalon alon paitaas. Teka isa pa tong..

"Portal" bigkas niya. Namangha ako ng makumpirma ko ang hinala ko. Portal nga! Ngayon lang ako nakakita ng portal sa totoong buhay, kadalasan ko lang to na papanood sa mga fantasy movies. "Tanging taga The Eye Section lang gumagamit nito, noong nag aaral palang ako rito at hindi pa parte ng section na yon, lahat kami ay napapaisip kung ano ba ang pakiramdam na dumaan diyan, matagal na din hindi nagagamit to simula noong nawalan ng balita doon sa nakaraang batch, ayaw na din pag usapan ng mga guro dito ang tungkol don" paliwanag niya. "May kumalat din na balita na naghahanap daw ng bagong The Eye kaya ang lahat ay puspusan sa pag aaral at umaasa na mapasama sa sinabing grupo. "Dahil parte na rin naman tayo ng The Eye Section, bakit hindi nanatin gamitin, diba" dagdag pa niya. Bakas sa muka niya ang pagkaexcite

"Tara" aya ko. Maski ako ay excited na magamit yon. Ngayon lang ako nakakita non at magagamit ko pa!

Aaminin ko may kaba ang na nararamdaman hindi lang dahil first time ko makakagamit ng portal kung hindi makikita ko nanaman si Abi tsaka na rin si Ian. Talaga nga naman na mapagbiro ang tadhana, kami na magkakasama noon ay hanggang dito rin yun nga lang ay madaming nagbago.

Lumusot na kami sa portal, akala ko ay masaya pero parang iniikot ang sikmura ko! Inabot ng 5 seconds at ng maramdaman naming ok na ay lumabas na kami. Nandito na kami sa ikaapat na palapag. Ganon pala ang pakiramdam ng nakapasok sa portal, parang hindi ako tatagal na laging ganon pero baka sa una lang ganon

"Ayos ka lang?" tanong ni Migs. Sabay kaming napatawa ng mahina. Nahawa na nga to sakin. "Handa ka na ba ulit?" tanong pa ulit na to. Tumango nalang ako. Kailangan ko magpakatatag, malalagpasan ko din lahat ng ito

Nag nasa tapat na kami ng room ay medyo na pahinto ako at huminga ng malalim. Tinignan ko si Migs at ngumiti na nag sasabing kaya natin to. Pagkatapat ko ng pinto ay unang bumungad sakin ang nakaupong si Abi, nagkatitigan kami, umaasa na sabihin niyang biro lang ang lahat. Siya na ang unang umiwas ng tingin. Tangina!

Inaya ko si Migs na sa likod nalang kami umupo, tumango naman ito. Anim lang ang upuan sakto lang kung ilan lang kami sa klase. Ang lahat ay nakaupo at tahimik na pinapakiramdaman ang bawat isa. Kapansin pansin ang isang upuan na hanggang ngayon ay bakante pa. Saan na siya?

Ilang oras na din kaming na kaupo at hinihintay na magsimula ang klase. Wala pa ding nagtatangkang magsalita kung meron man ay kami ni Migs yon, nag bubulungan, HAHAHA.

Akma sana akong may ibubulong sa kanya ng maagaw ng pansin ko ang lalaking nakatayo sa pintuan, mukang pagod na pagod to. Naglakad na siya papasok at umupo sa natitira upuan. Umaasa ako na lilingunin niya ako pero hindi, dirediretso lang siyang pumasok at umupo ng hindi manlang tumitingin sakin. 'Ian' gusto kong isigaw ang pangalan niya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko

Bakit ba ako umaasa na papansinin niya ako, eh ganyan naman talaga siya, tahimik at gusto lang lagi na mag isa. Ano meron kami para pansinin niya ako? Wala... Oo tama walang dahil para pansinin niya ako

Mga ilang minuto din ako naging tahimik at patingin tingin kay Ian, umaasa na mapansin niya. Hindi ko na rin nagawang kausap si Migs at alam kong nagtataka na din siya. May biglang pumasok na lalaki sa room namin, kaming lahat ay umayos sa pag upo. Pagpunta ito sa harapan at sinumulang tignan kami isa isa. Ang seryoso nitong muka ay napalitan ng ngiti

"Matagal ko kayong hinintay, Class Eye" banggit nito. Palagay ko ay nasa 30+ na siya, matangkad, at maganda din ang pangangatawan.

"Hayaan ninyong magpakilala ako sa inyo, ako si Sir Jeff ang adviser ng Class Eye" pagpapakilala nito. "Sabihin nanating matagal ko na kayong kilala at hinihintay, pero ngayon ninyo lang ako nakilala maliban nalang kay Migs" binigay naman niya ng kaunting ngiti ni Migs. Bakit parang ang weird ng teacher na to

"Minsan ninyo na bang napansin na nag iba ang kulay ng mata ninyo?" tanong nito. Bigla kong naalala noong nasa pageant ako ay sinabi ni stacy na nagiba daw ang kulay ng mata ko at nag blue, sinabihan na nga akong demonyo. Abay malay ko ba na totoo pala yon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalala yung ibang parte na nangyari sa pageant.

"Pinanganak palang kayo ay nakita nanamin yon, ibinalita saaking ng iyong mga magulang ang bagay na yon, kaya bata palang kayo ay parte na kayo ng klaseng ito" paliwanag nito. "Napagdesisyunan namin na dalhin kayo sa mundo ng mga tao upang pangalagaan kayo dahil batid ko na itong batch na ito ang tatapos ng lahat pero may iniwanan kami na isa rito para kapag dumating ang araw na ito at may mga misyon na kayong gagawin ay may isa sa inyo ang may kabisado ng lugar na ito, at ikaw iyon Migs" ang lahat ay tumingin kay Migs. Planadong planado nila lahat pero naguguluhan pa din ako

"Ang magulang mo ang nagdesisyon na ikaw ang maiiwan dito pero kahit ganon ay hindi kami nagkulang na pangalagaan ka, hindi mo lang na papansin pero may mga tao o minsan ako na lagi nagmamanman sa lahat ng pupunta at gagawin mo upang protektahan ka sa lahat ng bagay at sa lahat ng kalaban, kaya rin na pagdesisyonan namin na paunahin kana sa kanina pakuhanin ng kapangyarihan upang kaganon ay maprotektahan mo ang iyong sarili sa lahat ng oras" paliwanag nito kay Migs. "At ito na dumating na ang araw na pinakahihintay ko, nabuo na nga kayo, ang grupong inaasahan kong tatapos ng lahat" masayang sabi nito.

"Madami pa kong kailangan ipaliwanag sa inyo pero hindi muna ngayon, hindi tayo pwedeng mag aksaya ng panahon, sumunod kayo sakin" tumayo na kami at sumunod kaming anim sa kanyan. Dadaan ulit kami sa Portal. Pagkatapos namin doon ay mula nanaman kaming nasa baba.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan na marinig nga mga bulong bulungan sa paligid

'Sila ang bagong the eye?'

'Ngayon ko lang sila na kita, papaano sila napasok agad sa grupo na yon'

'Muka namang mahihina'

Nagpantig ang tenga ko sa huling na rining ko. Tinignan ko ng masama ang babaeng ng sabi na yon at akmang pupuntahan ng may humawak sa braso ko. "Wag, wag mo nalang silang pansinin" walang buhay na sabi ni Ian. Pinansin niya ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, nakatabi na rin sakin si Ian at sa kabi naman ay si Migs, so ano body guard?

"Akala ko ay wala ka ng balak pansinin ako" sabi ko at lumingon sa kanyan. Seryoso lang itong naglakad at diretso ang tingin sa paglalakad

"Hindi naman talaga kita dapat papansin pero naramdaman ko na hindi ko pala kaya"wala buhay na sabi nito. Hindi manlang siya tumingin sakin. Napansin ko na tumingin na sila sa paglalakad. Nasa labas kami ngayon ng isa malaking room at ang pinto nito ay gawa sa bakal, wala ding bintana to

"Ito ang training room ng Class Eye, Hindi tayo pwede mag aksaya ng panahon kaya sa lalong madaling panahon, gigising natin ang kaya ninyong gawin, tara pumasok na kayo" paliwanag ni sir Jeff. Pinauna ko na sila, ng ako na ang susunod na papasok ay may humawak sa balikat ko at inilingon ako sa kanyan, si Ian

"Ba-bakit? Tara na puma-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at may ibinulong

"Alivia, baliw na baliw nako sayo, hindi na kita papakawalan... Sakin ka lang"

-----*-----

Pasensya na kung medyo sabog yung chapter na to, HAHAHA.

ANONG TEAM KA?
TEAM MIGS O TEAM IAN

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon