Ikadalawampu't pitong Hiwaga

43 3 0
                                    

Alivia's POV

Nandito na kami sa classroom namin at sinasabi lahat ng impormasyon na nalaman namin kay sir Jeff.

"Hindi pwedeng mangyari ang plano na yon, hindi niya planong pag isahin ang mundo natin sa mundo ng tao, gusto niyang patayin ang mga ito" ramdam naming nagpipigil ng emosyon si sir Jeff

"Patayin?" Nakakunot noong tanong ko.

"Hindi kakayanin ng mga tao ang atmosphere sa mundo natin, pwede nilang ito ikamatay" sagot ni sir sakin. "Sa tagal tagal ko naging adviser ng klaseng ito sa wakas ay nalaman ko din ang plano nila, sana nga ay kayo na ang mag wakas ng lahat"

Sa hindi malamang dahilan ay para bang nakakagaang sa pakiramdam ang sinasabi ni sir Jeff na iyon.

"Kailangan ninyo mag ingat, mainit ang mata ng mga kalaban sa inyo lalo na at napatay ninyo ang isa sa pinakamalakas na miyenbro nila pero ang pinag tatakan ko lang ay bakit ganon ganon ninyo lang natalo ang Black Bird na iyon" nakakunot ang noo ni sir Jeff na animoy nag iinit ng malalim.

"Bakit sir, wala ba kayo bilib samin?" Tanong ni Jake sa kanya.

Medyo na ngiti si sir. "No, malaki ang tiwala ko sa grupo na to at alam kong malalakas kayo pero kung iisipin mo sa kabilang banda ay baka trap ang nangyari"

"Trap?" mahinang sambit ko. Anong ibig sabihin ni Sir?

"Yes, trap" sabi ni sir na animoy narining ako. "Sinakripisyon ng isang miyembro ang buhay niya para malaman ang mga kakayahan ninyo, posibleng ginawa nila iyon para malaman ang kaya ninyong gawin para mapaghandaan nila kayo, sigurado akong hindi nila sasayangin ang buhay na nawala"

Medyo kinabahan ako sa sinabi ni sir Jeff. Siguradong pinaghahandaan na nila kami. Class Eye kami kaya laki kaming handa.

"Idismiss ko na kayo para makapaghanda kayo para sa Lunar Ball bukas at hmmm... Hindi pa kayo naliligo?" Tanong ni sir na para bang nag iisip na may halong pang aasar

"Grabe ka sir, mahirap kaya iligtas yung mundo nato" reklamo ni Abi.

Nagulat ako ng tumawa si sir Jeff, first time namin narining na tumawa siya. "Biro lang, proud ako sa inyo" binigyan niya kami ng matamis na ngiti. "So ano, kita nalang tayo sa Lunar Ball bukas, nasa dorm ninyo na ang susuotin ninyo at sigurado naman na may date na kayo sa Ball diba"

"Ikaw ang date ko at ako ang date mo, wala ng iba, akin ka lang" nanlaki ang mata ko ng bumulong sakin si Ian. Bakit ko nakalimutan na katabi ko pala siya, haynako Alivia.

Medyo sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito ng mahina. "May magagawa pa ba ako" medyo magsusungit ko. Hindi na rin naman bago sakin na maging partner ko siya dahil nakasama ko na siya nung pageant.

"Ok, Class Dismiss" nauna ng lumabas si sir at ilang minuto lang ay lumabas na din kami.

Naglalakad na kami papunta sa kanya kanyang dorm, napag usapan din na mag kita kita mamaya sa Cafeteria at sabay sabay kumain. Humiwalay na kami sa boys dahil mag kaibang building kami. Kapansin pansin ang excitement sa muka ng dalawa dahil daw makikita na nila yung susuotin nila.

Pagkatapat na pagkatapat namin sa pinto ng dorm namin ay agad nilang binuksan yon at nagmamadaling pumasok. Para silang bata na excited bumili ng candy.

"OH.MY.GASH! Ang gaganda!" Tuwang tuwang sigaw ni Jasmine.

Sumalubong samin ang tatlong gown. Emerald Green, Dark Red, at Dark Violet ang mga kulay nito. Sobrang gaganda nga ang mga ito.

"Hoy! Akin yung Emerald Green!" pag aangkin ni Abi.

Medyo pinanliitan ko siya ng mata. "No! akin yun! gusto ko yung kulay, Please Abi akin nalang!" Pag protesta ko. Kahit kailan talaga same kami ng gustong bagay o kulay ni Abi. Sayang lang at hindi na niya naaalala yung dating pag sasamahan namin bilang matalik na mag kaibigan.

Ang Mahiwaga Kong Mundo (UNDER EDITING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon