One

14.7K 351 9
                                    


Samantha

Nasa isang sulok lang ako ng madilim na kwarto, ang mga paa ko at kamay ay tinali gamit ang isang lubid.  Kakatuyo lang ng luha ko sa pisnge na tila ba ay wala na akong luhang mailalabas pa. Hayop na lalaking yun, pinambayad ako sa ang isang sindikato.

Marami kaming mga babae'ng nandito sa iisang kwarto. Katulad ko ay ganoon din ang ginawa nito sa kanila.

Abala sila sa pag uusap na hindi ko maintindihan, at mas gusto kong mag-isa sa sulok, hinihintay ang kapalarang darating sa akin.

Sa tantiya ko, ang iba ay mukhang matagal na dito, dalawang araw palang simula ng ipambayad ako ng walang hiyang lasingero at sugarol kong tito.

Dahil nagkandapatong-patong kasi ang mga utang niya kaya heto ako ngayon ginawang pambayad. Namatay ang mama ko noong isang taon, nag kasakit siya dahil sa hayop na yun na laging umuuwi ng lasing. Minsan maiinit pa ang ulo at saamin ni mama ibubuntong yung galit niya. Hindi ko nakilala ang papa ko sabi sa akin ni mama iniwan niya na daw kami simula ng bata pa ako. Naikoyom ko ang kamao sa ala-alang iyon, kung hindi sana niya kami iniwan ay hindi sana nagkaganito ang sinapit ko, at kung nanatili siya ay masaya sana kami ni mama ngayon at buhay pa siya. Sa stress at problema, kaya siguro nagkasakit si mama na humantong sa ganito.

Unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata, na akala ko na tuyo na ay meron pa palang ilalabas. Halos wala na yata akong maiiyak sa pesteng buhay na ito! Bakit sa akin pa nangyari ang bagay na ito? Bakit? Nangitngit akong napabuga ng hangin at kaagad na pinunasan ang luhang kumalas sa pagkakatago. Napansin ko ang paglapit sa akin ng babaeng nangangalang Kath. Isa rin siya sa binihag ng sindikato at isang lingo na siyang naroroon simula ng ibenta siya ng kanyang Papa na halos sa karamihan sa amin roon ay binenta or hindi kaya ay pinambayad utang.

"Samantha," tawag niya sa akin na nagpakuha ng atensiyon ko sa kanya.

"Bakit?" tanong ko, sa lahat ng babaeng naririto ay mas komportable ak sa kanya.

"Na pag usapan namin na tatakas kami. Gusto mo ba sumama?" sagot niya, at hindi ko iyon inaasahan. Sa ideyang iyon ay natatakot ako kung anong pwedeng mangyari sa amin kapag ginawa namin iyon.

"Sumama kana Samantha, Gagawin ka nilang parausan or di kaya ipag bibili ka nila sa mga matatandang lalaki," singit ni Shane. Sa narinig ay nagsitaasan ang balhibo ko.

"Si-sige," nag-aalinlangan kong sagot. Bahala na basta makaalis ako sa lugar na ito ay ayaw komangyari angn sinabi ni Shane.

"Meron akong nakuhang spray. Pag pasok ng bantay gagamitin natin to pero bago yun. Kailangan muna nating matanggal yung tali sa kamay at paa natin," paliwanag ni Shane sa gagawin namin. Tumungo naman kaming lahat.

Agad naming ginawa ang sinabi niya at nagtulongan kami sa pag kalas ng mga tali. Mabilis ang tibok ng puso ko at ang sama g pakiramdam ko, at narinig namin ang papalapit na yabag. A hindi pa natatanggal ang tali sa aking kamay maliban sa aking paa. Pinag papawisan na rin ako habang naririnig ang pagpalapit ng yabag at mukhang marami sila, at kunwari namin ibinalik namin ang mga tali.

May bumukas na ng pintuan, at nag-siayos kaming lahat. Hindi nga ako nag kamali nasa lima silang lalaki ngayun. Dalawa sa kanila ay matandang mukang mayaman. Siguro ay pipili sila ng babae'ng bibilihin saamin. Biglang nguminig ang aking mga kamay.

Pinatayo kaming lahat at buti na lang at nasa likod yung mga tali namin kaya di halatang nakatanggal na ang iilan sa amin. Nasa pito kaming babae'ng pagpipilian at napalunok na lang ako nang unang lumapit yung isang matandang lalaki sa akin.

Hinawakan niya pa ang pisnge ko at napa pikit ako ng amuyin nya yung leeg ko at biglang lumambot ang tuhod ko sa ginawa niya.

Gusto kong murahin siya sa ginaw pero natatakot pa rin ako pagginawa ko iyon.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon