Three

6.4K 229 8
                                    

Samantha

"Samantha!"
Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko.

Hindi ko naman ito pinansin dahil inaantok pa ako, at ang sarap matulog muli lalo pa at ang lambot ng kama. Tila ako hinihili nito.

"Samantha!" tawa uli nito ng kung sinuman.

"Ano ba natutulog pa yung tao oh!" inis kong sabi, binuka ang mata at tiningnan kung saan nanggagaling ang boses.

Teka? Napamulat ako ng mata. May lalaki sa kwarto ko? Agad naman akong bumangon nang maalala kung nasaan ako.

"B-boss L-Lexus..." nauutal kong sabi. Taee, para naman akong kamatis ngayun sa kahihiyan.

"Did you forget? Ang sabi sa contract ay maaga ka dapat na gigising, tama ba?" may bahid na babala sa boses niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hehe, napasarap lang 'yong tulog," dahilan ko sabay hawak sa aking batok at hindi makatingin ng deritso sa mga mata niya. Nakakahiya ka Sam, pano kung ibalik ka niya uli doon?

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Mag bihis ka may pupuntahan tayo, In 30 minutes ay dapat nasa baba kana. Huwag mo akong paghintayin," saad niya tsaka umalis sa kwarto.

Naka hinga naman ako nang maluwag at mabilis na tinungo ang banyo ng makaligo kaagad ako.

Mabilis lang ang ginawa kong pag aasikaso sa sarili. Sout ang isang maong pants at rop top. Nang makuntento nako sa sarili nag desisyon nakong bumaba

Nakita kong Nasa sala si sir Lexus, naka-upo sa couch ang mga mata ay nasa hawak na magazin.

"Uhm..." tikhim ko upang makuha ang atensyon niya.

"Tsk!" aniya at tsaka tumayo, deriderutso ang lakad palabas sa double door ng mansyon. Kaagad naman akong sumunod sa kanya.

Sumakay kami sa isang sasakyan, at iba ito sa sasakyan na ginamit niya kagabi, kulay pula iyon at itomg sinasakyan ngayun ay kulay itim at may driver.

Nasa likod kami pareho ni sir, at naiilang ako sa sarili ko, feeling ko kaksi artista yung katabi ko ngayun. Anytime na ma-ubo ako ay mahahawaan agad siya nang virus.

Nakatitig lang siya sa labas ng bintana at mukhang malalim ang iniisip, habang ako ay pasimple'ng tinititigan siya. Sinusuri ang bawat sulok nang mukha niya.

Shit! Parang minamanyak ko yata siya sa ginagawa ko.

Nawala ang kaharutan ko nanag biglang tumingin siya sa gawi ko. Nagmaang-maangan ako na wala akong ginawa at tinuon ang tingin sa labas.

Ramdam ko ang pagkasimangot niya. Dapat siguro ay wag na ako magpapahuli sa kanya sa susunod.

Na hagip nang mata ko si manong driver na nasa labi ang ngiti sa reflection ng rare view mirror, Nakita nya yata iyong ginawa ko. Uminit ang mukha ko at umayos ng upo. Nakakahiya ka, Sam!

Ilang minto ang lumipas ay huminto kami sa isang mall. Bumaba naman kaagad ako pagkababa ni Si sir Lexus at sinundan siya kung saan siya magpunta.

"Okey lang bang lumabas ako? Baka kasi makita ako ng mga taong humahanap sa akin?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ko nilingon, dedma? At patuloy pa rin siyang naglalakad.

"Si Lexus Del fierro ang sama mo," pabulong ko sa sarili. Dapat ba ay magtiwala ako sa pangalan niya. Ano ba ang totoo'ng pag katao ng lalaking ito? Sino ka ba?

Hindi ko na siya tinanong pa, pumasok kami sa isang clothing shop, at pansin ko na iilan lang ang customer na naroroon.

Kaagad na lumapit ang isang babae na nakangiti.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon