Chapter 42

4.1K 131 22
                                    

(Chapter 42)

Ps. Use your imagination on my story❤

»»»»»

Samantha POV.

Nasa kwarto ako nila caleb at crizia ngayun. Pag ka hatid kasi saamin ni Lexus kanina agad silang naka Tulog dahil sa pagod.

Inayos ko ang pag kakakumot sa kanilang dalawa, Mukang mapapasarap ang Tulog nila.

Wag kayo mag aalala makakasama din natin ang Daddy nyo. Mabubuo na din natin yung Family matagal na nating hinihintay.

Tumingin ako sa tyan ko. “Mag kakaroon na din kayo ng bagong kapatid”-Sabi ko. Hinimas ko ang tyan ko kahit maliit palang ito.

Napa ngiti ako. Sa wakas Matutupad din yung Gusto kong mangyari.

Nag lakad nako palabas ng kwarto nila. Pinindut ko muna yung switch ng ilaw at isinarado ang pinto.

Nag lalakad ako ngayun papunta kwarto ko ng masagi ko yung vase ng hindi sinasadya

Agad itong nabasag dahil sa lakas ng pag kakahulog nito.

Pupulutin ko Sana ang mga piraso ng bubug. “Nako Ma'am Samantha ako na po ang mag lilinis nyan”-Saad ng maid ng makita ako. umupo sya para mag umpisang mag linis.

Habang naka tingin ako sa ginagawa nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko Alam kung bakit bigla lang nag ka ganto. Isang tao lang ang iniisip ko sa mga oras na to.

“Lexus?”-Sambit ko sa pangalan nya.
Bakit ganto? Ang puso ko?.

“Ayus lang po ba kayo ma'am samantha?”-May pag aalalang tanong saakin ng maid.

Pumikit muna ako bago mag salita. “Ayus lang ako”-Sagot ko. Tumungo na sya at nag patuloy sa pag lilinis.

Umiling na lang ako at nag umpisa nang mag lakad papasok ng kwarto ko. Napansin kong panay ang ilaw ng cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Kinuha ko yun para sagutin kung sino ang tumatawag.

“Hello po Ma'am, Mula po to sa Sebastian hospital.”-Saad ng babae sa kabilang linya.

Nag taka naman ako. Wala naman akong na alalang may appointment ako sa SH.

“Ano pong maitutulong ko?”-Naguguluhang tanong ko.

“May pasyente kasing dinala dito Ikaw ang nasa first list sa contact Number nya.”-Paliwanag ng Doctor.

“Anong pangalan ng Pasyente nyo?”-Tanong ko.

“Lexus Del Fierro po”-Sagot ng Babae.

Lexus? Bakit nasa hospital sya?.
“Sige papunta nako”-Agad kong pinatay ang linya at nag madaling sumakay sa kotse ko.

Hindi nako nag sayang ng panahon. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa Sebastian hospital.

Mabilis kong pinarada ang kotse.
Pumunta ako agad sa babae'ng staff ng hospital para mag tanong.

“Nurse Asan po si Lexus Del Fierro?”-Tanong ko sa babae.

Nag hanap naman sya sa list. “Nasa emergency room pa po sya”-Sagot ng nurse.

“Nung dinala po sya dito anong nangyari sa kanya?”-Tanong ko ulit. Hindi mapakali ang katawan ko sa sobrang taranta. Nanginginig na din ang laman loob ko. Shit ano bang nangyayari saakin.

“Sabi ng mga nag dala dito na Hit and Run sya”-Sagot ng nurse.

“Jusko lexus”-Nasabi ko na lang.

“Ka ano-ano nyo po yung si Mr. Del Fierro?”-Tanong saakin ng nurse.

Ano ba kami? “Girlfriend”-saad ko. Tumungo sya at may kinuha.

May inabot sya saaking naka plastik na gamit. “Mga Gamit nya po yan ma'am”-Saad ng nurse.

Kinuha ko yun. “Thank you”-Sabi ko ngumiti lang sya saakin.

Nag lakad nako papunta sa waiting area. Binuksan ko yung plastik.

Wallet, Relo at isang maliit na box ang nakita ko.

Binuksan ko yung box, Napa luha ako sa nakita ko isang Engagement ring. Dahil dito?

“Samantha”-Rinig kong tawag ng kung sino. Napalingon ako sa babae'ng nag sabi ng pangalan ko. Mrs. Del Fierro

“Kamusta si Lexus?”-Nag aalalang tanong nya.

“Nasa emergency room pa daw po sya”-Sagot ko. Tumabi saakin ang mom ni lexus. Muka talaga syang nag aalala.

May lumabas na doctor galing sa emergency room. Parehas kaming na tayo ni Mrs.Del Fierro

“Doc Kamusta na po sya?”-Tanong ko.

“Maayus na ang lagay nya ililipit na lang sya sa private room, Maya Maya magigising na din sya”-Saad ng doctor. Tsaka umalis. Sumunod naman si Mrs.Del Fierro sa doctor.

Pumunta ako sa room kung San I confine si lexus. Nakatitig lang ako sa kanya ngayun.  Hinawi ko ang buhok nya. Para lang syang mahimbing na natutulog ngayun.

May benda sya sa ulo at puro galos ang katawan nya dulot ng pag kakabangga sa kanya.

Sa pag aantay na magising sya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may tumapik sa balikat ko.

“Samantha Pwede ka nang umuwi ako muna ang mag babantay sa kanya.”-Saad ng mom ni lexus.

Napa tingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng room.

Alas tres na pala ng madaling araw ngayun.

“Bumalik ka na lang bukas Samantha kailangan mo mag pahinga”dagdag nya pa.

Mag sasalita palang sana ako para mag paalam na ng Naramdaman kong gumalaw yung kamay ni lexus.

“Gising na sya”-Masayang sambit ko. Pati ang mom ni lexus ay napa ngiti sa nakita.

Unti-unting dumilat ang mata nya. “Lexus”-Masayang sabi ng mom nya.

Dahan dahang Tumayo si lexus sa pag kakahiga. “Wag ka munang bumangon lexus di kapa magaling”-Saad ko. Tumingin lang sya saakin saglit na parang walang paki Alam sa sinabi ko dahil nag patuloy pa din sya sa pag tayo.

“Mom Asan si kate?”-Tanong nya. Nag taka naman ako kung bakit si kate ang hinahanap nya.

“Lexus?”-Hindi na tutuwang sabi ng mommy nya.

“Kailangan ko sya Mom, Gusto ko syang makita”-parang hindi mapakali si lexus at sabik na makita si kate.

“Bakit mo sya hinahanap?”-Tanong ko. Ayaw mo syang makita diba?

“I need my wife okey gusto ko syang makita ngayun!”-Galit na sabi nya saakin.

Parang pinipiga ang puso ko sa narinig. “Mom sino ba to Na kaka inis kanina pa sya nag sasalita!”-Galit na tanong nya.

Hindi naman nag salita agad si Mrs. Del Fierro. Bakit hindi nya ko nakilala? Ako to yung taong mahal mo?

“Please mom gusto ko makita si kate at yuri i need my family right now?”-May pag mamakaawa sa Bose's nya habang sinasabi nya yun.

Unti-unti nang pumatak ang luha ko. Kami ang pamilya mo lexus. Bakit mo hinahanap yung niloko ka?

Hindi ko na kaya ang susunod nyang sasabihin. Ayaw ko ding makita nya kong umiiyak. Nag lakad nako palabas sa kwarto ni lexus. Sunod sunod ang luha ko sa pisnge.

Ang sakit lang bakit hindi nya ko makilala?

»»»»

To be continued.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon