Chapter 31

4K 115 5
                                    


(Chapter 31)

Ps. Use your imagination on my story❤

»»»»»

Samantha POV.

Agad kong tinanggal ang kamay ni lexus na naka harang, Umiwas ako ng tingin shit! Napaka rupok ko talaga.

“Aminin mo Sam mahal mo pa ba ko?”-Seryosong tanong nya saakin.

“Lexus kung ginagawa mo to para mapalapit saakin ulit ngayun palang tigilan mo na! May sarili ka nang pamilya”-Sagot ko, Wala akong emosyon na binigay sa kanya.

“Fvck! Alam mong ikaw pa rin ang mahal ko sam”-Nanginginig na sabi nya, di ko Alam kung matutuwa bako shit anong ginagawa mo saakin lexus. Ayaw ko nito please ayokong maging mabait ulit. Hindi pako Tapos gumanti.

“Pwes kalimutan mo na ang feelings mo saakin”-Seryosong saad ko. Hindi ako pwedeng matalo nanaman dahil sinusunod ko nanaman ang feelings ko.

Pag sabi ko nyan, Iniwan kong naka tulala sya sa loob ng dressing room.

Agad akong nag palit ng damit ko, pag Tapos nag paalam nako kala Ella at Theron. Nahigip ng mata ko si Lexus naka pag palit na rin sya ng damit, Seryoso ulit syang naka tingin saakin. Umiwas ako agad.

Nag lakad nako palabas, medyo na gulat ako ng makita kong nag aantay saakin si Zak.

Lumapit ako sa kotse kung Saan sya nandun. “Sinusundo mo ba ko?”-Pag bibirung tanong ko, Ngumisi naman sya saakin.

“Alam kong stress ka ngayung araw dahil  sa kasama mo kaya sinundo kita”-Sagot nya. Alam nya talagang ma iinis ako ngayung araw.

“Thankyou zak”-pasasalamat ko, Shit lagi talaga syang nandyan pag Kailangan ko.

“Sakay na Kailangan mong mag palamig”-Yaya nya saakin. Ngumiti muna ako sa kanya bago sumakay.

Pag sarado ko ng pinto, Nakita kong matalim na nakatitig saakin Si lexus. Sumunod pala sya saakin nung lumabas ako.

“Saan mo gustong pumunta?”-Tanong saakin ni Zak. Lumingon ako sa kanya.

“Sa park”-Sagot ko. Tumungo naman sya saakin at nag umpisa ng mag drive.

Mabilis kaming naka rating sa park, Ang daming tao. Nag lakad ako pa upo sa Isang bench, Bumili pa si zak ng beers at pag kain.

Isang malakas na hangin ang pinakawalan ko ng maka upo ako, Kailangan ko munang kumalma. Anong ginagawa mo saakin lexus para kinakain ang sistema ko dahil sa halik mo.

“Papa piggy back moko”-Rinig kong Sambit ng bata sa papa nya.

“Pagod si papa pero dahil cute ang anak ko ipapasan ko sya”-Naka ngiting sabi ng lalaki sa anak nya. Sinimulan nya itong kargahin sa likod.

“Oh dahan-dahan lang”-Pag aalalay na sabi ng Babae' sa bata.

“Bumibigat na ang anak ko ah”-Saad ng lalaki sa anak.

Napansin kong may tumulong luha sa pisnge ko. Pinunasan ko yun. Paano pag lumaki na yung mga anak ko? paniguradong mag hahanap sila ng tatay?

“Sam”-Tawag saakin ni zak. May inabot sya saakin can ng beer kinuha ko yun at binuksan.

“Umiiyak kaba? May ginawa ba sayong di maganda yung lalaking yun”-Tanong nya saakin agad akong umiling.

“Wala naman may iniisip lang ako”-Sagot ko at tumingin ulit sa mag tatay.

“tungkol ba sa kambal?”Tanong nya, Alam nya talaga ang iniisip ko.

“Naawa ako sa mga anak ko zak, nag hahanap sila ng tatay”-Sagot ko. Tsaka uminom beer.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon