Chapter 30

4K 146 13
                                    


(Chapter 30)

Ps. Use your imagination on my story❤

»»»»»

Samantha POV.

Nasa garden ako ngayun nag papaint, Hindi pa kasi tapos yung mini house ko kaya dito muna ako sa bahay.

Inis kong binaba yung paint brush, di ko talaga malimutan yung nangyari kagabi sa Auction.

Ni walang pumapasok sa utak kong maganda'ng bagay.

Hindi nag patalo ang lalaking yun, Wala naman talaga dapat syang gawin dun. Ako naman ang artists nun.

Biglang nag ring yung phone ko agad ko naman itong sinagot.

“Kilala mo na ba”-Tanong ko sa kinuha kong Investigator.

“Opo, Ma'am Nalaman kong Si misis Del Fierro ang Nag donate ng painting sa Auction kagabi”-paliwanag nya. Nakaramdam naman ako ng galit.

Paanong na punta sa kanya yung painting, ang Alam ko lahat ng Gamit sa mansion na sunog na.

“Okey, Thankyou ipapaabot ko na lang ang bayad ko”-Saad ko pag Tapos ay pinatay ko na ang linya ng tawag.

Napa isip ako kung paano sa kanya na punta ang painting. Sigurado akong pakana nya ang lahat ng yun.

“Miss.Sam may nag padala po ng package”-Saad ng maids meron syang dalang puting malaking Box.

“Kanino daw galing?”-Tanong ko.

“Wala pong naka lagay na Kung sino pero para daw po sa inyo”- Turan nya.

Kinuha ko naman yung box sa kanya. Tinitigan kong itong mabuti.

Wala namang Letters na naka lagay, Agad kong itong binuksan.
Nagulat ako.. Nilabas ko yun sa pag kakabalot.

“Lexus”-Sambit ko sa pangalan nya Alam ko na kung sino ang  nag bigay. Hawak ko ngayun yung painting.

Naalala ko pa nun ng pinipaint ko to.

Lahat ng masasayang memories bumalik saakin. Bigla na lang tumulo yung luha ko.

Bat kasi Kailangan pang mangyari to saakin.? Saamin!

Pero biglang nag pumasok sa utak ko yung oras na naka patong si kate kay lexus. Bakit mo iniiyakan ang tao'ng yun?

Pinunasan ko yung luha ko. Siguradong malaking insulto kay kate ang painting na to, mismong asawa nya ang bumili ng painting at gumastos pa ng 30 million.

Iniisip ko kung pano sila nag away kagabi pag tapos ng Auction. Ano kayang itsura ni kate!

Nag punta nako sa kwarto para itago yung paint, May nag text saakin kaya binasa ko Agad yun.

Kay Ella galing.

“Sam, Samahan mo naman akong mamili ng wedding gown ko ngayun”-Basa ko sa text nya.

Agad naman ako nag type.“Okey, Mag kita tayo in 30 minutes”-Sent!

Nag Madali akong mag bihis, Simple'ng floral dress lang sinuot ko, Light make up lang ang nilagay ko sa muka ko. Hindi na rin ako nag high heels sasakit lang ang paa ko.

Pag katapos kong mag ayus ng sarili, pinag drive ako ni zak.

Agad kaming pumasok sa Café shop, dun daw kami mag kikita nila Ella at Theron.

Nakita kong tatlo silang nasa table, Naka talikod yung isang lalaki. Si Ella naman kumakaway saakin.

Agad kaming nag lakad palapit sa kanila.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon