Chapter 12

4.8K 192 20
                                    

Lexus

Puyat ako kagabi kakaisip kung ano ba talaga nararamdaman ko kay Samantha, pero eto ako ngayun maaga'ng nagising.

papunta ako sa kwarto ni  samantha ngayun yayain ko syang lamabas.

“Samantha?”-Tawag ko, Wala namang sumagot. Baka hanggang ngayun ay tulog pa rin yun.

Naka ilang katok nako wala pa ring nag bubukas, kinuha ko na sa bulsa ko yung duplicate key, binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Samantha.

Nanlaki yung mata ko sa nakita.

Gusto kong umalis agad at pinag sisihan na pumasok pako.

“Waaaaaaah”-sigaw nya, shit! Kakalabas lang ni Sam sa banyo Nakatuwalya lang sya ngayun.

“Shhh”-Saad ko mamaya sabihin pa kong manyak, pero medyo ma ingay pa rin sya kaya agad akong lumapit sa kanya at tinakpan yung bibig nya gamit ng kamay ko.

medyo makulit sya kaya napahiga kami sa kama.

“Shhh okey!”-pag papahinahon ko rito “kala ko kasi tulog kapa kaya pumasok Ako.”-paliwanag ko. Takte talaga

Matalim na tingin lang ang na tanggap ko. Tinggal ko yung pag kakatakip ko sa bibig nya.

“P-pwede bang lumayo ka saakin?”-Saad nya, nang mapansin ko kung anong posisyon namin ay agad akong umalis sa ibabaw nya.

Agad naman syang tumayo at inayos yung tuwalya nya.

“Bat ka ba nandito?”-Medyo inis na sabi nya.

Tae bahay ko kaya to.

“Uhm-Yayain sana kitang lumabas, hmm! I mean mag date?”-Nahihiyang saad ko.

Medyo na gulat sya sa sinabi ko, Nakita kong na mula sya. So cute.
Na isip kong Slave ko sya kaya kahit Saan ako pumunta ay isasama ko sya.

“Aantayin kita sa baba mag ayus kana”-Saad ko. Tumungo na lang sya bilang sagot.

Nasa Sala na ko ngayun, Kanina pako tingin ng tingin sa relo mag kakalahating oras na din Simula ng sinabihan ko syang mag ayus ng sarili. Shit di ako mapakali sa inuupuan ko.

Feeling ko babastedin nyako, kahit di pako nanliligaw.

Sa wakas na kita ko ring bumaba sya sa hagdan, Para akong sinipot sa kasal dahil sa ngiti.

Naka pants at Crop-top lang sya, Simple pero bagay na bagay sa kanya.

“Sorry Boss Natagalan”-Wika nya.

“Ayus lang”-Naka ngiting saad ko.

Sumakay na kami sa kotse, Gusto ko syang iDate sa Mamahaling Restaurant.

Mag papark palang sana Ako ng kalibitin ako ni Sam.

“Ayoko dyan ”-Saad nya.

“Huh, Ayaw mo ba dito? Gusto mo lumipat tayo sa iba?”-Tanong ko rito.

“Hindi naman sa ayaw ko dyan, May na miss lang akong pagkain Pwede bang dun na lang tayo mag date”-paliwanag nya, Pumayag naman agad ako.

Tinuro nya saakin kung saang lugar yun. “Are you sure?”-Tanong  ko sa kanya.

Tumungo naman sya at hinila Ako sa kung saang may nag titindang tusok-tusok (streetFood)

“Waaah Omg”-Masayang Saad nya, napatitig naman ako sa ginagawa nya.

Kumuha sya ng stick tsaka tumusok ng kwek-Kwek, Sinawsaw nya naman eto sa puno ng sili tsaka kinain, Nakita ko yung ngiti nya habang kumakain.

Napaka simple nya, Maliit na bagay lang masaya na sya.

“Boss Tikim ka rin masarap yan”-Hikayat nya saakin. Ngumiti muna ako sa kanya bago kumuha ng Stick.

Ngayun lang ako naka punta at makakain sa gantong lugar, Sabi kasi ni mom madumi daw to.

Sumobo ako ng isang egg.

“Wow Ang sarap nga”-Saad ko, Shit.

“Sabi sayo ei, eto oh lagyan mo sili isabay mo sa Kwek-Kwek”-pag turo nya pa sa Sawsawan

Tumungo naman ako halos ng tusok-tusok ay pinatikim nya saakin, Pinaka nagustuhan ko dun ay yung Balot.

“Tignan mo oh ang sweet ng mag Jowa.”-Rinig kong saad ng isang babae sa tabi.

Medyo Napa ngiti na lang ako sa na rinig

“Bagay na bagay sila noh”-sabi pa ng isa.

“Boss”-Tawag ni Sam, Na basag ang ngiti ko ng marinig yung Boss, Epal naman ei nag iimagine pako.

Binigyan ko sya ng matalim na tingin “Simula ngayun Lexus na lang ang itatawag mo saakin walang ng boss”-iritang saad ko.

“Uhm-okey, L-lexus Tara punta tayo dun”-Turo nya sa arcade.

Agad naman akong pumayag, Pumunta kami sa Arcade.

Marami kaming sinubukang Rides, Medyo na hihilo na nga ako pero sya wala pa ring talab sa kanya ang pag ikot-ikota Sa Cuterpillar rides.

Marami pa kaming sinakyan, Pag tapos ay nag picture pa kami sa isang photoboth.

agad kong tinago yung mga picture, may remembrance nako. Iba pala yung date nato kesa sa nakasanayan ko mas masaya pala.

Kinuhanan ko din sya ng TeddyBear sa isang Machine.

Di namin namalayan na gabi na pala sa sobrang saya naming dalawa.

Nag yaya na syang umupo, Bumili rin ako ng Ice-cream Para sa aming dalawa.

Habang kumakain ng Ice-cream napatitig Ako sa Labi nya.

Unti-unti kong nilapit yung kamay ko sa labi nya Para punasan yung kalat na Ice-cream dito. Medyo na gulat pa sya sa ginawa ko.

Nag kakatitigan kaming dalawa, Unti-unti kong nilapit yung Muka ko Para halikan sya.

Smack lang ang ginawa kong pag halik. “Tignan mo May Fire works”-Saad nya.

Nasa fire works na ang atensyon nya ng mag salita ako.

“Samantha, Iloveyou!”

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon