Two

7.5K 241 10
                                    


Samantha

Huminto iyong kotse na sinasakyan namin. Automatikong nag-bukas ang gate at tsaka pina andar uli ang kotse papasok sa magarang premises.

Napahanga na lang ako sa sobra'ng laki ng bahay. Wait tama bang tawagin ko lang itong bahay? Sa laki ay mukhang malacanang na ata iyon. Maganda ang esteakrura at halatang mayaman ang may ari.

Napakunot ang noo ko. Hindi ba ang ibig sabihin ng slave ay alipin...Alila. Ibig sabihin niyon ay gagawin niya akong tagalinis ng malaking bahay na ito. Tae iyan!

Baka abutin ako ng isang araw ay diko pa natatapos ang unang palapag.

“Hey...” Again, ang baritonong sabi ng lalaki na may bahid ng inis sa tono. “U-upo ka na lang ba dyan?” Tumingin siya sa akin tyaka lumabas sa sasakyan. Agad naman akong lumabas ng kotse at sumunod sa ka niya.

Pagkapasok sa emgrandeng double door ay napalaglag ang panga ko ng makita ang looban. Sa telebisyon at magazine ko lang nakikita ang ganito. Sa itaas ang malaking chandelier, isang grandstaircase sa unahan at ang makintab na tiles na naghihinayang akong apakan baka madumihan iyon.

“Tss! Tara na kailangan pa nating mag usap tungkol sa kasunduan,” saad niya.
Pumunta kami sa  isang pintuan kung saan naroroon ang malaking sala at umupo sa couch na kulay maroon. Kaharap ko siya. May naka lapag sa harap kong mga papelis na tila nakaready na iyon para sa akin.

“Read it,” utos niya na inabot sa akin ang hawak at agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Binasa ko nga ang papel.

Hindi ko alam kung paano intindihin ang ilang salita roon na napakalalim. Hayaan na nga, basta naintindihan ko na magiging slave ako.

Kinuha ko ang metal na ballpen at pinermahan iyon. Pati itong ballpen mamahalin. Gaano kayaman ang lalaki?

“You follow what I ordered you to do, do you understand it? At pag-aaralin pa kita, if I could trust a kind of you,” sabi niya pagkatapos ko maibigay pabalik ang kontrata.

Saktong pumasok ang isang babae, sout ang isang maid outfit  Yumuko ito bago nagsalita

“Young master... ihahanda ko na po ang pampaligo niyo."

“Simula ngayon. Hindi na ikaw ang mag hahanda ng pampaligo ko kung hindi itong Samantha na,” walang emosyong sabi niya sa maid, tyaka tumingin sa akin.

Ngayon ko lang napansin ang mga mata nito. Malalim na kulay itim ang mga mata nito, at napasinghap ako sa mukha niya. Shit! Ang gwapo niya. 

Pero teka, pano niya nalaman na Samantha ang pangalan ko, wala pa naman akong binabanggit sa kanya.

“Masusunod young master,” sabi ng maid na parang normal lang ang bagay na iyon.

“Turuan mo sya ng dapat gawin. Ituro mo na rin kung saan ang magiging kwarto niya,” dagdag niya.

Yumuko ito, kapagkuwa'y kinawayan akong lumapit sa kanya.

“Tara... Dadalhin kita sa kwarto mo,” medyo iritang nitong sabi sa akin.

Siguro naiinis siya, sino ba ang hindi kong bigla bigla ka na lang papalitan. Kung ako nasa posisyon niya, ganoon rin siguro mararamdaman ko.

Sinundan ko siya habang naglalakad tinuturo niya ang dapat kong gawin sa pampaligo ng boss namin.

“Okay, gagawin ko iyon ayon sa sinabi mo,” sagot ko.

“Naku dapat tama ang tubig na ilalagay mo. Maselan ang Boss natin,” sabi niya tyaka huminto sa isang kwarto. Binuksan niya ito at pinapasok ako.

“Ikaw na bahala diyan, aalis nako. Nasa pangalawang kwarto ang silid ni boss lexus. Bilisan mo baka mainip siya.. Demonyo pa naman yun pag nagalit yun,” wika niya at tango  lang ang binigay kong sagot.
At umalis na siya.

Lexus pala ang pangalan niya.

Mamaya ko na lang aayusin utong silid, at ang sabi ng maid pwede ko daw suotin yung mga damit na nasa close set.

Agad akong lumapit kung nasaan ang close set at namili pako saglit nang susuotin pero isang dress lang ang natipuhan ko.

Buti na lang kompleto ang room at may banyo na.

Agad akong nag-linis ng katawan.
Bakat pa rin yung pagkakatali sa aking mga kamay at paa. Mabuti na lang talaga nakatakas ako. Napunta ang isipan ko kina Shane at Kath Sigurado akong nahihirapan sila ngayon. Pinapangko kong babalikan ko sila at ililigtas.

Mabilis kong tinapos ang pagligo at pag-aayos ng sarili.

Umakyat ako sa second floor ng mansyon. Hinanap ko agad ang silid ni Boss Lexus ayun sa sinabi ng maid kanina.

Kumatok ako sa pintuan.

“Come in,” sabi niya, kaya pumasok ako agad. Nakita ko siyang nag babasa ng magazine sa upuan malapit sa kama.

“Uhm... Aayusin ko na po ang pampaligo nyo sir?”ani ko.

Tinuro niya lang ang pinto ng banyo niya. Hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Agad nakong pumasok sa banyo upang ayusin ang paliliguan niya.

Sabi ng maid ay dapat tamang init at lamig lang sa tubig. Pagkatapos ay lalagyan ito ng rose petal. Gusto rin ni boss na may candle. Ginawa ko lahat ng sinabi ng babae at huli ay nilagyan ko ng pampabula.

Bigla naman bumukas ang pinto. Iniluwa nito si boss na naka tapis ng tuwalya. Nag-init naman ang pisnge ko pagkakita sa maganda niyang katawan, at tila isang greek god na nahulog sa langit. Para yatang sinalo na nito ang lahat ng magaganda nang pinanganak siya.

“Stop staring me,” asik niya at agad naman akong umiwas ng tingin. Tae...

Mabilis ko na lang tinapos ang ginagawa ko at akmang lalabas ng magsalita uli siya.

“Dito ka lang. Hindi ka pa tapos.”

Huminto ako at tumingin sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay.

Tapos suminyas syang tumalikod muna ako kaya agad kong ginawa iyon.

“Come here,” sabi niya.

At napansin kong nasa bathtub na siya. Suminyas siyang masaihin ko ang buhok nya.

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Medyo akward buti na lang at mabula yung tubig. Kinakabahan tuloy ako.

Pumikit siya habang ginagawa ko ang sinabi niya. Tinitigan ko ng maige ang mukha niya. Ang tangos ng ilong niya, makapal ang kilay, maganda ang hugis ng mukha and he had this strong chin. Ang hahaba ng pilikmata niya na dinaig iyong akin. Napansin ko kanina na malungkot ang mga mata niya. Bakit kaya? Bumaba ang tingin ko sa labi niyag manipis na kulay makupas na rosas ang kulay. At hindi ko napansin na ngumiti ito.

Bigla naman bumaba ang tingin ko sa abs niya. Shit gabi pa lang pero may pandesal na.  Ang landi mo Sam behave ka nga!

“Ay! Tinapay!” gulat na sabi. Naka mulat na pala ang mata niya na nakakunot ang noong  nakatingin sa akin.

“Tsk! Pwede kanang lumabas," utos niya kaya naman agad akong lumabas ng kwarto niya Kingina bat kasi doon ka naka tingin, Sam. Bwesit na mata ang likot mo kasi.

Baka sabihin na pinagnanasahan ko siya. Bugok!

Pabalik na sana ako ng kwarto ko ng may marinig akong usapan.

“Hay nako diko na makikita si sir pag naka tuwalya, lalo na yubg abs niya," dinig ko ba sabi nang isa kaya pinakinggan ko muna.

“Maganda ba yun babae na iyon?” ganong pa nang isang boses.

“Maganda pero mas maganda pa rin ako noh. Papatalo bako?” saad ng isa pa. Ito siguro iyong isang maid kanina.

“San naman kaya nakuha ni Sir Lexus iyon?” tanong pa ulit noong isa.

“Hindi ko alam, sa tingin ko pag lalaruan lang yun ni sir Lexus. Kagaya ng mga babae niya.” Bigla akong umalis sa narinig ko at nag tawanan pa silang dalawa.

Hays! Anong pinagsasabi ng mga iyon. Slave lang ako at hanggang doon na lang iyon. Tyaka hindi ako madaling maloloko ng kagaya nito. At anong sinasabing mabibilang ako sa mga babae nito? Hindi mangyayari iyon

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon