PROLOGUE

37 9 9
                                    

Adamant

Hinila ko ang laylayan ng aking puting bestida upang hindi na maputikan. Sinong magaakala na uulan pala gayong tirik na tirik ang araw kahapon?

Hindi ko inalintana ang masamang panahon. Pinapanood ko pa rin si nanay habang nirorolyo na ng assistant ang lubid sa gilid upang makababa na sya. Nasa tabi ko si tatay at sa bawat singhap ay parang ako ang mas nahihirapan. Mas lalo kong gustong umiyak, pero kailangang kimkimin. Nakaiyak na ako kagabi.

Lumapit pa kami sa ibinababang kabaong at naghagis ng isang bulaklak, kumpara kina lola na naroon at nakasilong sa malayo. Kitang kita ang karangyaan sa suot na bestida ng mga ito.

Ang pagmamahal na kinamulatan ko lamang ay pagmamahal ng magulang, at ngayong wala na si nanay, hindi ko alam kung paano kami mamumuhay ng normal. Pansamantala kaming tumuloy kina lola pagkatapos ng libing. Naghihintay ako sa nakaluwag na salas na punong puno at nagsusumigaw ng karangyaan sa buhay. Sa nakasabit na ilaw pa lamang ay alam mo nang ginastusan talaga ito.

"May kwarto para sa apo ko. Magpaturo ka na lang sa mga serbidora kung saan ka pwedeng matulog." Asta ni lola. Dinaluhan ko si tatay na ngayon ay nakatayo magisa sa portiko.

"Tabi na lang po tayo sa kwarto ko."

"Sige Cassandra. Mauna ka na sa kwarto mo at magpapahangin lang ako."

Pero hindi naman ako sinamahan ni tatay sa pagtulog. Mas lalo kong naramdaman ang lamig ng gabi sa pagiisa. Dumaloy ang munting luha sa aking pisngi, pero agad ko ding pinunasan. Masasanay rin ako sa ganitong klaseng pakiramdam.

Kapag daw malaki ka na, matatag ka na. Gusto ko ng lumaki. Gusto ko ng maging matatag. Para hindi na ako iiyak.

"Mananatili dito ang apo ko."

Kagigising ko lamang at dumerecho sa baba para sana humingi ng tubig. Napaos ako sa pagpigil ng mga hikbi.

"Hindi ako papayag Madam Constancia. Anak namin ang pinaguusapan dito."

Tumago ako sa may hagdan para hindi makaabala. Sabi kasi ni nanay, masamang nakikialam sa usapan ng mas nakatatanda. Inabala ko ang sarili sa pagmamasid ng mga naglalakihang banga na nakahilera sa hagdan. Ganon kayaman ang lolo at lola ko.

Anak? Anak mo nga, pero tingnan mo nga ang sarili mo. Hindi ako makapapayag na magugutom ang anak ng anak kong si Cerafina!"

Tumataas ang boses ni lola kaya kahit bawal ay narinig ko ang pinaguusapan.

"Inocencio, sige na. Hayaan mo na dito ang bata. Dito sa amin ay mas maalagaan. Wala kang trabaho at wala ring, dispensa sa aking sasabihin, sapat na yaman para matustusan ang pangangailangan ni Cassandra."

"Kaya ko pong magkaroon ng trabaho. May offer sa akin sa ibang lugar para maging engineer ng isang malaking kompanya. Kaya kong buhayin ang sariling anak."

"At sino ang magaalaga sa aking apo! Wala kang ibang kamaganak na tatanggap sayo dahil isa ka lang namang bastardo! Matagal ka ng itinakwil!"

"Constancia, tama na."

"Hindi Marcos. Hindi ako papayag na pati ang apo ko ay mawala. Maaga na ngang nawala si Cerafina dahil ng hampaslupa at inutil na ito!"

Dinuro ng dinuro ni lola si tatay. Hindi ko matanggap. Bakit hinahayaan lamang ni tatay na sampalin sya at hamak hamakin ni lola? Hindi ko sila mapapatawad. Tahimik akong humikbi at nakita ni tito Caleb ang aking nakakaawang itsura. Agad akong dinaluhan at pinalayo kina tatay at lola.

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako ng marahan akong tapikin ni tatay. Nakahanda ito at may dalang bag sa likod.

"Cassandra. Maghanda ka. Aalis na tayo."

ABSTRAK || FILIAXXWhere stories live. Discover now