Ikapito

5 5 1
                                    

Ikapito

Agresibo

Ang buong akala ko ay magagalit si Dio sakin sa pagnakaw ng kanyang flashdrives at sa pagbubura ng files sa computer system ng Obli. Siguro dahil ako ang nagnakaw kaya hindi sya nagalit o baka napangibabawan na lamang ang galit nya ng kaginhawaan dahil makikita na ang sumabutahe sa bar nya.

Sana nga ay mahuli na ang taong yon, hustisya na rin dahil lahat kami ay nabiktima. Sinabi kong hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit gusto kong mawala ang video pero alam nyang may kinalaman iyon sa mga taong humahabol sakin noong gabing iyon.

Sinong magaakala na nagkatagpo na pala kami ni Dio? Parang mundo na mismo ang gumawa ng paraan para magkita ulit kami. Nahiga ako sa kama at dinadama ang mga naging paguusap at pagsasama ni Dio.

Nagvibrate ang cellphone para sa isang text. Nanlulumo akong basahin ang text ni Harieth, akala ko kasi kay Dio na.

Harieth:

Ang weird naman. Talagang nasa Santa Lucia sya? Parang sinundan ka lang naman.

I composed a very lengthy message to explain how he ended up here and that everything is conspired by the universe itself. I really sound in love now.

Nakakalungkot man dahil nasa Maynila na ulit si Dio para ayusing ang problema nya sa negosyo, pero wala akong magagawa kung hindi ang maghintay sa kanyang pagbalik. Niyayakap ko ang unan at nagdasal na sana ay maayos na nga para makauwi na sya dito, para magkasama na ulit kami.

Kung hindi dumating si Amelie ay baka nakatulog na ako ngayong umaga. Bumaba ako para salubungin ang pinsan.

"Ate, friends na kami ni Dio sa facebook! Inaccept na nya ako!!!" Malikot itong nagiikot sa sofa habang gigil na gigil sa pagyakap sa unan doon. Kahit friends pa sila sa tunay na buhay, wala na lang sakin yon. Tahimik akong naupo sa sofa at doon itinuloy ang aking pagdadasal.

"Ate gawa ka na rin ng facebook? Para maging friends din kayo."

Hay naku Amelie, hindi ko lang sya gusto maging kaibigan! Nangingiti ako sa sariling iniisip.

"Online sya o. Ichachat ko pala."

"Ano namang sasabihin mo? Sabihin mo kumusta sabi ko."

Nginusuan ako ng pinsan, "Ayoko, gagawin nyo pa akong messenger ng isat-isa."

"Para isa lang e."

"Ayoko, gusto ko nga magusap kami ng kami lang okay? Yung hindi ka kasali sa eksena?"

Habang nagtitipa ito sa cellphone at tumitig ako sa pinsan. Hindi ko maiwasan macurious kung nagkaroon na ba sya ng ibang karanasan.

"Nagkaboyfriend ka na ba?"

"Oo naman, pero wag mo sasabihin kina mama ha."

"Seryoso ka ba kay Dio?" Umakto syang nagiisip.

"I dont know. I like him."

"Do you like him because he's rich?" Matagal ito bago sumagot.

"Amelie, humanap ka na lang ng iba. Dio is way beyond your league."

"Bakit? Dahil mayaman sya at mahirap kami?" Nahimigan ko ang kaunting galit sa boses nito. Hindi iyon ang ibig kong sabihin.

"You have an eight-years gap. He is looking for a mature relationship. Youre too young for that kind of love."

"I just like him. I only like him."

Binato ko ito ng unan dahil sa naging sagot. Ang bata bata, ang dami ng alam sa buhay. Binato nya rin ako ng unan pabalik.

ABSTRAK || FILIAXXWhere stories live. Discover now