Ikawalo
Label
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga kasangkapan na nakapatong sa bar.
"Wala, manonood ka lang."
"Ayoko Dio, boring yon. May ipapamix ka? Marunong naman ako magscramble ng itlog. Kinuha ko ang itlog para ipakitang seryoso ako sa gagawing pagscramble doon pero maingat nya namang binawi sa kamay ko."
"Wala ka ngang gagawin Cassandra."
"E bakit ako naka-apron at hairnet? Naka-gloves rin ako. Tapos wala pala akong gagawin. Edi sana naghubad na lang ako at naligo sa dagat."
Ramdam ko mula sa gilid ang marahas nyang paglingon. If I will look up, Id probably meet his glare. Pero mas pinag-igi ko ang pagpapanggap na seryoso ako sa sinabi at sa pagtatampo dahil ayaw nya akong patulungin sa paggawa ng drinks.
"Sige, paghiwalayin mo na lang ang pula ng itlog sa puti."
I triumphed inwardly. Ginawa ko ang sinabi nya at nagpaturo pa ng mga gagawin. Kalaunan ng matapos ko ang mga pinagagawa nya ay pinanood ko na lang kung paano nya ekspertong pagsama-samahin sa isang baso ang mga likidong nakaharap sa amin ngayon. He made something like a smoothie but tastes like fire when I took a sip.
"Ang tapang!"
He smiled cheekily as he gives me another serving, this time of a different drink. Sabay naming iniinom yon at pinapaliwanag naman nya sakin kung anu-ano ang mga tawag don at kung magkano ang benta noon sa bar nya.
We had seven different drinks in total, all ranging from semi-hard to hard liquors. Mariin kong pinakatitigan at binasa ang mga boteng binuksan para lamang sa aming ginagawa ngayon. Ang iba ay may dates na pang1900s pa daw, may scotch, may brandy at kung anu-ano pang pwedeng lahukan ng samut-sari.
"Kailan mo balak gumawa ng signature drink?"
Inilapag nya ang wine glass na iniinuman. Kinuha ko ang napkin sa gilid ko at ipinunas yon sa sulok ng mga labi nya saka matapang na hinalikan yon. I only smiled while leaning down to my place beside him, my eyes never leaving his sight. Pero hindi ko napigilan ang kaunting pagtawa dahil sa gulat at kilig na nakikita ko sa mga mata nya. Oh Dio, I have this effect on you!
"You"re drunk?" he asked suggestively to which I denied.
"Hindi pa no!" Ilang sips lang iyon ng ibat ibang drinks.
"Tipsy, then?"
Pinakiramdaman ko ang sarili, "I dont know. Gusto ko ng matikman ang original mo."
Tumikhim ito bago ibinalik sa mga tumbang baso at jar ang paningin. Naubos naming lahat iyon! I was never the drinking type so I think it's an accomplishment to drink that much for me without ever getting sleepy afterwards.
"Kulang pa ako sa inspirasyon," malamya nyang sagot. Tumayo ako mula sa barstool at sa hindi sinasadyang pangyayari ay napasubsob ako sa dibdib nya. My eyes became blurry and everything seemed to spin for a while.
Buti na lamang ay narito si Dio at agad akong sinalo dahil kung hindi, baka duguan na ang marmol nyang sahig.
"Cassandra," I felt his voice reverberated in my ears, they werent sore in the ears. They were actually tingly. His dark and deep voice stirs something in my chest. "I think you're drunk." Mabilis akong humiwalay sa pagkakayapos ng balikat nya at humawak sa bar para maiwasang matumba.
"Hindi nga e. Hindi ako lasing, ang unti-unti non. Tingnan mo, kaya ko pa itong isang jar mo."
Kinuha ko ang jar na napansin kong ipinagkalayu-layo nya sa akin. He acted fast, but I was faster. Bago pa nya maagaw iyon ay iniinom ko na ang laman niyon, some were shamelessly spilling over the corners of my mouth.
YOU ARE READING
ABSTRAK || FILIAXX
RomanceVague. Abstract. Para maintindihan, kailangan mong unawain. Kailangan pang pakaisipin lahat ng sasabihin. Para makita ang totoong larawan, dapat titigan. Pero kung hindi sapat ang pangunawa mo, paano mo malalaman ang totoong kahulugan? Can you look...