Ikatlo

17 7 0
                                    

IKATLO

Dayo

"Ninang, puntahan ko lang po ulit ang bahay. Itutuloy ko ang paglilinis."

Nagkibit balikat ito habang naglalahid ng keso sa pandesal.

"Ikaw ang bahala."

Tinapos ko ang pagkain at saka dumeretso sa paglilinis ng sarili. Hindi ako nakasama sa pagjojogging ni Amelie dahil nagising ako na masakit ang buong katawan. Mukang nabigla ako sa ginawang paglilinis at pagjojogging. Dalawang araw ko na ring hindi nalilinisan ang bahay at sana lang ay hindi iyon bumalik sa dati nitong itsura.

Hindi ko na namalayan na kasunod ko na pala si Amelie papunta sa bahay. Nalaman ko lang na nakabuntot ito nang marinig ang tili nito sa likuran.

"Ate, may bubuyog!"

"Amelie!" Tinaboy ko ang bubuyog at mariing hinila sa braso.

Anak ng maligalig naman! Pinagpag nito ang sarili bago nakangusong tumunghay saking harapan.

"Huwag mo akong nginungusuan Amelie, ha. Bumalik ka don sa inyo! Kapag hinanap ka ni ninang at nakitang magkasama tayo, naku talaga!"

Pumadyak padyak pa ito sa sahig at mas tinilos ang labi.

"Gusto ko ngang sumama. Tsaka cute naman ang pout a. Nakakattract daw kapag nakapout, cute para sa mga lalaki."

"Anong cute sa mga lalaki? Umuwi ka na sa inyo at magpocketbook na lang muna." Kinurot ko ito sa tagiliran nang mapanuyang ginaya ang mga sinabi ko. Humalakhak naman ito at mas lalong ngumuso.

"Hindi ko sasabihin kay mama na magkasama tayo. Ang alam nya, nasa San Laurel ako at nakipagkita sa kaibigan."

Sinimulan ko na ulit maglakad paitaas at hindi gustong ientertain pa ang pinsan. Pero sumunod ito.

"Ate, anong itsura sa Maynila?"

"Okay lang. Malaki ang building."

"Madaming pwedeng pasyalan?"

"Kung may pera, madaming pwede."

Malungkot itong ngumuso at binagalan ang lakad. Binagalan ko rin ang akin upang sabayan sya. Hindi sanay sa hirap ang batang ito. Habang minamasdan ang bahay namin na unti unting gumaganda at lumalaki, mas lalong nagiging kapuna-puna ang agwat sa buhay namin ng pamilya nina Amelie.

"Paglaki ko, pipili ako ng lalaki na mayaman. Ayoko ng mahirap at walang alam sa buhay."

"Hindi ba dapat, pumili ka na lang ng lalaki na marunong sa buhay at masikap?"

She looked at me like I said something out of this world.

"At ano? Maguumpisa kami sa hirap saka yayaman? Gusto ko mayaman na agad. Para habang bata pa, nakakapunta na kami sa Maynila, sunod sa ibang bansa. Bakasyon lang ng bakasyon. Ganong kasarap na buhay."

She wore a dreamy look while her hands are busy pulling weeds. Sa sinasabi nya ay parang pinatatamaan nito si tito Thorn na naging dahilan kung bakit naibenta ang lahat ng ari arian nila at sa maliit nitong lupa na lamang ngayon nakatira. Wala na ang ektaryang yaman ng mga Llegos na minana ni ninang Amelia.

Buti na lang at napamanahan si tatay ng isang lupain, at ito ang inaalagaan namin ngayon.

"Dyan ka lang, magbunot ka ng damo dyan. Pupunta lang ako sa likod."

"Okay! Yon lang pala e."

I am skeptic about leaving her near the gate, pero kailangan ko ding umakyat sa itaas para simulang linisin ang balkonahe. May hagdaan doon sa likod sa may terasa at doon ako dadaan. Nang nasa gitna na ng hagdan, tinanaw ko ang sapa sa dulo. Hinahanap ko kung naroon ba sya at namimingwit.

ABSTRAK || FILIAXXWhere stories live. Discover now