Labing-Isa
Pamilya
Ano pa ba ang mahihiling ng isang babaeng tulad ko kung hindi ang masuyong pagtanggap ng pamilya ng lalaking gusto ko? Iginawa ko ulit ng sandwich ang lola Gaea ni Dio at ipinagsalin ng juice ang nakababata nyang kapatid nang humingi ito.
Kumpara sa mansion ng mga lola Constancia sa Alguerra ay mansion rin namang maituturing ang kay lola Gaia, nga lamang ay mas luma ang itsura at ang mga gamit ay antigo na. Nang sipatin ko ang isang estatwa ay masisiguro kong sa mamahaling bato ginawa yon. Ang tirikan ng kandila ay muntik kong maibagsak nang mabigla sa bigat noong iabot iyon ni Dio. Tinawanan lang ako ni Dio sa naging reaksyon. For sure, ginto iyon at muntik pa akong makasira ng gintong palamuti.
"Huwag mo akong inaabutan ng mga gintong gamit. Wala akong pambayad pag nasira," bulong ko habang palabas kami papunta sa lanai.
"Edi bayaran mo ng katawan," ganti nyang bulong. Ipinagpapasalamat kong nakatalikod ang mga lola nya at hindi nya nakita ang pag-siko ko sa apo nya. Bahagya itong ngumiwi at napatingin sa dako naming ang kapatid nitong babae na si Demeter. Nginitian ko na lang.
"Serbisyo ang ibig kong sabihin. Trabaho."
"Trabaho nga. Wala naman akong iniisip na iba." Sinipat ko ang tagiliran nyang siniko ko at hinimas himas. Inakbayan nya ako sa balikat hanggang sa naikulong na nya ako sa kanyang mga braso.
"Are you sure?"
"Oo naman. Ano ka ba? Wala akong iniisip na kakaiba no!" Pilit kong inaalis sa isip ang unang pakahulugan ko sa sinabi nya.
"The pain when you hit me says otherwise, Cassandra. Pero sige, paniniwalaan kita."
Nang-aasar ang ngiti nito saka ako pinakawalan at umuna na sa pagsunod sa lola nya. Sumunod na lang rin ako at binabale-wala ang pagkapahiya sa mga naiisip. Hindi ko naman itatanggi na mula nang may mangyari samin ay mas naging aktibo ang imahinasyon ko pagdating sa mga intimate na bagay.
Hindi ko alam kung maganda o masamang bagay ba yon. Sa tuwing naiisip ko kasi ang pinagsaluhan namin at mga chances na pwede pang maulit iyon, kinikilig ako. Gusto kong labanan ang kilig, pero laging nananalo kaya hinahayaan ko na lang maglakbay ang diwa ko. Kaya lang nga, minsan sa mga normal na paguusap ay hindi ko sinasadyang mabigyan yon ng ibang kahulugan.
Hay naku Dio! Hindi ko alam kung ikakainis ko o ikakatuwa ang ginagawa mo. But I want you. I want you in my life and I have never been this sure, so aggressive, so permissive.
Alam kong ikaw na.
"Ito iha ang mama ng apo ko. Si Cielo Raigga Altamiandre. Maganda, hindi ba?"
Dinungaw ko ang album at pinagmasdan ang isang babaeng itim ang buhok, maputi ang balat, marikit ang mga mata at maliit ang ilong. Maganda at papasa sa mga classic na maganda.
"Opo, maganda nga po."
Mukhang nasiyahan sa sagot ko ang lola Gaia at inilipat sa kasunod na page. Isang lalaking hindi sapat ang gwapo para purihin ang itsura ang nasa litrato. Dio's mysterious eyes, his semi-full lips, wide forehead, maging ang gitla ng noo sa pagitan ng kilay ay namana nito sa kanyang ama. Still, his father looks so much better than Dio. But of course, ang puso ko ay kay Dio lamang.
"O iha, hindi yan si Dio. Yan ang father nya." Bahagya pang natawa sakin si lola dahil nakita nya siguro sa mata ko ang matinding paghanga.
"Naku Dio, e maging si Cassanra ay nabihag ng gandang lalaki ng ama mo."
Mukhang hindi natuwa si Dio sa biro ng lola Gaia dahil dumilim sandali ang mata nito at gumuhit ang gitla sa pagitan ng mga makakapal na kilay.
"Naku, gwapo nga po talaga lola Gaea. Kaya gwapo rin si Dio."
YOU ARE READING
ABSTRAK || FILIAXX
RomanceVague. Abstract. Para maintindihan, kailangan mong unawain. Kailangan pang pakaisipin lahat ng sasabihin. Para makita ang totoong larawan, dapat titigan. Pero kung hindi sapat ang pangunawa mo, paano mo malalaman ang totoong kahulugan? Can you look...