Ikasiyam
Ulan
"Cassandra, buti naman nakarating ka."
Matamis akong ngumiti kay kay Aeolus at iniabot ang iniialok nitong plato at kutsara.
"Mahirap tumanggi, lalo at pati sina tito ay pinipilit na ako. Nasaan ang tita Arose?"
"Nasa loob, kausap ang ibang kamag-anak. Babatiin mo? Gusto mong tawagan ko?"
"Mamaya na kapag hindi na busy sa ibang bisita."
Dinaluhan kami ni Amelie na kanina pang kumakain kasama ang ibang pinsan at kaibigan. Kumukuha ito ng buko pandan habang nakikipagusap sa lalaking pinsan. Kumuha na rin ako ng kanin at kaunting ulam.
"Ate ang unti naman ng kakainin mo. Namamayat ka na."
"Akala ko ba gusto mo akong pumayat?" Dinagdagan ko ang ulam.
"Okay lang naman ang katawan ng ate mo, Amelie. Ikaw ang magpataba dahil wala ka ng laman." Inirapan lang sya ni Amelie.
"Si Dio? Nakita ko sya kanina, hinatid ka?" Napuna ko ang kaunting paglamig ng boses nito sa tanong.
"Oo, pero sya naman ang nag-alok dahil sadyang pupunta sa ibaba."
"Sana sinabi mo sakin para maimbita. Open naman ang okasyon sa lahat, kahit di kamag-anak ay pwede."
Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may kakaiba sa pagkilos at sa paraan ng pakikipagusap sakin ni Amelie. Tumikhim si Aeolus at laking pasasalamat ko na nariyan sya dahil kung hindi ay baka mas nalunod na ako sa dagdag na isipin.
"Kapag natanaw natin, iimbitahin natin dito sa loob. Kung yan lang ang ipinuputok ng bumbunan mo Amelie."
Muli itong inirapan ng pinsan. Sumandok si Amelie ng ulam saka mapanguyam na tumingin sa pinsan.
"Totoo naman kasi? Walang dahilan para hindi imbitahan. Si ate nga, hindi kamaganak ni tita Arose pero narito. Si Dio pa ba, na kung tutuusin ay kakikilala mo lang din naman. Sya na nga halos ang tumapos ng trabaho e."
Kung anuman ang gustong iparating ni Amelie, siguradong hindi iyon nakakatuwa. Ayaw ko mang patulan dahil pinsan ko, pero hindi rin naman basta nagpapaubaya sa klase ng ugaling ipinapakita nya.
"Hindi naman ako pupunta kung hindi inimbitahan, Amelie. Isa pa, si Dio ang mapilit sa pagtulong, at sa paghatid. Wala akong naalalang ipinilit ko ang sarili kahit saan o kahit kanino."
Umismid si Amelie at bumalik sa mga kaibigan nya. Naiwan kami ni Aeolus na parehas hindi alam kung paanong ibabalik sa magandang mood ang naudlot nausapan.
"May problema ba kayo ni Amelie?" Marahan akong umiling sa tanong nya, habang nakatanaw pa rin kay Amelie na ngayon ay nakikipagtawanan na sa mga kasama.
"Wala naman akong naalalang pinagtalunan namin."
Umupo ako sa katabing silya at naupo rin sya doon. Hindi na namin ininda ang mga pagsulyap ng babae sa gawi namin dahil natural na eye-turner si Aeolus. Kung nakatingin sila sa gawi namin dahil sa inggit na ako ang kausap ng gwapong pinsan ni Amelie, hindi ko na kasalanang maganda ako.
Muntik pa akong matumba sa kinauupuan dahil umuga ang silya, hindi pantay ang sahig na pinaglagyan. Buti na lang ay mabilis na nakaalalay si Aeolus, kung hindi ay sinabawan na ako ng ulam sa pagkakahulog.
"Baka si Dio?"
Nasamid ako sa tanong nito, "Anong si Dio?" Nagkibit balikat si Aeolus at pinagmasdan ang kabuuan ng munting salu-salo.
"Hindi ko alam. Siguro dahil si Dio lang naman talaga ang palagi nyang pinupuntahan sa inyo."
"Hindi wifi?"
YOU ARE READING
ABSTRAK || FILIAXX
RomansaVague. Abstract. Para maintindihan, kailangan mong unawain. Kailangan pang pakaisipin lahat ng sasabihin. Para makita ang totoong larawan, dapat titigan. Pero kung hindi sapat ang pangunawa mo, paano mo malalaman ang totoong kahulugan? Can you look...