Ikasampu

3 0 0
                                    

Ikasampu

Isa

"Sinabi ko na kasi sayo na bilisan mo magpatakbo. Naabutan tuloy tayo ng ulan!" sigaw ko sa lalaking yakap yakap ko mula sa likuran. Dahil sa ulan ay mas lalo nyang binagalan ang takbo dahil pataas ang kalsada at gusto kong magingat.

"Can't help it Cassandra. You're too close, minsan lang to," sagot nya sa may natutuwang tono. Bahagya kong hinampas ang dibdib ng kasama.

"Kailan naman ako nagdamot sayo ng yakap?"

"Never. Huwag kang magbabago ha. I like you clingy."

"As if."

Nang makarating sa bahay ay mabilis kong pinapasok sa loob si Dio. Wala syang magagawa dahil pareho kaming basang basa ng ulan at hindi ako pumapayag na uuwi pa sya sa kanila.

"You'll have to face my wrath before you can go home Dio."

Ewan pero hindi effective ang naging banta ko. With my soft look, I might fail as a castigator. Humawak ito sa dibdib at nagkunwaring natakot.

"Why, Im scared of Cassandra."

At tinawanan pa nga ako.

"Hindi ka uuwi. You'll have to make it up to me for causing me heartaches."

Napatigil sya sa sinabi kong iyon. Gone is his teasing looks, napalitan iyon ng seryoso at malambot na mga titig. Ginagap nya ang kamay ko at mula sa pagsususi sa doorknob ay ikinulong nya ako sa pagitan ng mga bisig. Inagaw nya ang susi at sya na ang nagbukas.

Well, he could. Mas mataas sya sa akin and I'm too small inside his arms. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa ulo ko. It surprised the blood in my veins, lumundag ang puso ko roon. He never did that.

And the kiss we shared back then, even though it was me who initiated it, sinalubong naman nya iyon sa gitna. I couldn't be happier. Nagpapamahal si Dio sa akin, and I love him.

"I'm sorry, love." Now my whole body tingled! That is the very first endearment.

"Love?"

"In what way shall I call you?"

Pinamulahan na nga ako ng mga pisngi. "Wala, okay na yon."

Pumunta ako sa banyo para ihanda ang gagamitin sa pagbabanlaw. Nang maging okay na ay tinawag ko si Dio. Nakatayo pa rin sya sa may bukas na pintuan. Nilapitan ko sya at sinara ang pinto sa likod.

His shirt is hugging his built and as much as I want him topless, parang hindi ko naman yata kakayaning makita ang nasa ilalim niyon ng walang ibang salang iniisip. Tumikhim ako.

"Mauna ka na magbanlaw. Eto ang roba."

"You will go first."

"Ikaw nga e. Paglabas mo may nakatimpla ng kape para sayo."

Sa halip na sundin ako ay hinila nya ako papunta sa loob ng banyo at pinailaliman ako sa shower. Nanginig pa ako sa unang daloy ng malamig na tubig, na unti-unting napalitan ng mainit.

Wait, are we going to shower together? Am I ready? Itinaas ko ang tingin at seryoso lang na nakamasid si Dio. He lowered his face and I closed my eyes at the proximity. Goodness!

"Cassandra," I felt his breath in my cheeks, kung ganoon ay hindi ako hahalikan.

"Y-yes?"

"Naliligo kang may damit?"

He's a tease! Hindi ko naman sya pinapasabik ng ganito di'ba? Why would he lean as if he will kiss me, tapos mangaasar lang naman pala?

"Damn, you can go out now. Maliligo ako magisa," asik ko.

ABSTRAK || FILIAXXWhere stories live. Discover now